Kabanata 21

1.6K 94 49
                                    

Ang Lihim ni Amelia

Ikakasal na bukas sina Lucio at Amelia!

Para akong tangang lumuluha habang tinatahak ang mahabang pasilyo papalabas ng Casa Villadiego. 

Nagpaulit-ulit sa aking isipan ang mga sinabi ni Don Rodolfo. Hindi maaaring basta na lamang ikasal sila nang biglaan! Tiyak na hindi makakapayag si Lucio bukas pagbalik nito. 

Narinig ko ang ilang pagtawag sa aking ngalan ngunit ni isa ay wala akong pinansin. Nagdire-diretso ako hanggang sa tuluyang nakalabas ng Casa Villadiego.

"Binibining Irina?" tawag sa akin ng isang boses na agad kong nakilala. Pinalis ko kaagad ang mga luha sa aking mga mata.

"Anong ginagawa mo sa labas ng casa dis oras ng gabi?" tanong pa nito. 

"Nais ko lamang makalasap ng sariwang hangin Ginoong Hector" tugon ko.  "E ikaw anong ginagawa mo dito?" balik tanong ko dito.

"May mga bagay akong nais ayusin at linawin" saad nito sa seryosong boses na kababakasan ng lungkot. Nabatid ata nito na hindi ko naunawaan ang nais niyang sabihin.

"Masyadong mahaba kung ikwe-kwento ko sa iyo gayong bukas na bukas ay malalaman mo rin naman" aniya pa niya.

"Hindi na kita pipiliting magkwento kung ganun" saad ko kahit na nais kong malaman ang ibig niyang ipahiwatig.

"Mabuti pa'y mauna na ako sa loob, sumunod ka na rin kaagad gayong lumalalim na ang gabi" ani pa niya. Tumango na lamang ako dito.

"Binibini" muling tawag nito bago tuluyang tumalikod.

"Bakit?" 

"Naalala mo naman nung sinabi ko sa iyong malakas ang aking kutob at kailanmay hindi pa ako nagkakamali sa aking hinala, hindi ba?" nagtataka man ay agad na akong tumango bilang tugon sa kaniya.

"Bukas ko iyon mapapatunayan sa iyo" huling saad nito bago tuluyan nang lumakad papasok ng casa.

Gustong-gusto ko siyang batukan dahil nag-iwan lang siya ng malaking katanungan sa aking isipan. Ano ibig sabihin nun? Aish Bwiset talaga!

Buong magdamag gising ang aking diwa. Hindi ko magawang ipikit man lamang ang aking mata sa takot na baka oras na makatulog ako ay tuluyan ng maikasal sa ibang babae si Lucio!

Hindi ko pa sana mamamalayang sumapit na ang panibagong umaga  kung hindi lamang ako naistorbo sa biglaang pagbukas ng pinto.

"Ay Jusmiyo! Ate anong itsura mo iyan?" gulat na gulat na bungad nito pagkabukas ng aking silid. Tilay daig pa nitong nakakita ng multo. Hindi ko ito pinansin at agad nang dumiretso sa banyo. 

Pagkalabas ng banyo, ay syang pasok ni Aling Marta sa aking silid dala ang isang magarbong saya.

"Grabe ang gandang saya naman niyan Aling Marta" manghang-manghang saad ni Tala habang pinagmamasdan ang dala-dala nitong saya.

"Siyang tunay, pinapadala ito ni Amelia para kay Irina sapagkat isa siya sa magiging abay nito mamaya" masayang saad nito. Agad naman itong lumapit sa akin upang ibigay ang saya.

"Ito na Irina ang iyong saya tiyak na babagay ito sa iyo. O sya sige na lumabas ka na pagkatapos para maayusan ka na rin kaagad" bilin pa nito bago diretso labas ng pintuan.

Nanghihina akong napaupo sa aking kama, nangangatal ang aking mga kamay habang hawak-hawak ang saya.

"Ate" may halong lungkot na tawag sa akin ni Tala. Pinilit kong ngumiti dito kahit pilit upang wag na siyang mag-alala pa.

"Ayos lamang ako Tala. Lalabas na muna ako para mag-paayos" saad ko at nagdiretso na palabas ng pintuan.

Dumiretso na kaagad ako sa salas ng casa kung saan abala din ang lahat ng tao sa paglalagay ng mga dekorasyon sa paligid habang ang iba naman ay hindi magkandaugaga kung ano ang uunahing gawin.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon