Kabanata 60

2.4K 131 78
                                    

Huling desisyon at pamamaalam

Walang ampat ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata habang tinatahak ang daan tungong Ilog Misteryo. Matapos nang nga sinabi sa akin ni Ka-Molong, hindi pa rin ako mapapanatag hanggat hindi ko mismo naririnig mula kay Editha na totoo ang mga sinasabi nito.

Ilang beses kong kinailangang tumigil dahil sa paninikip ng aking dibdib kaakibat ng hapong nadarama. Ngunit sa kabila nito ay nagawa ko paring marating ang nasabing Ilog.

Habang papalapit nang papalapit sa Ilog tilay nagpapaulit-ulit sa aking tenga ang mga sinambit kanina lamang ni Ka-Molong sa akin.

Ilang beses kong idinalnagin na sanay hindi totoo ang lahat ng iyon. Sanay nagkakamali lamang siya.

"EDITHA!!!!" malakas na sigaw ko dahilan upang magsilipadan ang ilang uwak na nakahapon sanga ng mga  punong nakapaligid dito.

"Editha o Saria lumabas ka pakiusap magpakita ka sa akin ngayon din" nawawalan ng pag-asang sigaw ko.  "Nais kong makumpirma mismo mula sa iyo ang katotohanan"

Ilang minuto ang lumipas ngunit walang Edithang nagpakita. Wala akong nagawa kundi lumuha na  parang wala ng bukas pang darating. Napasalampak na lamang ako sa lupa na tilay isang taong bigong-bigo sa lahat ng bagay.

Ganito na lamang ba palagi ang aking kapalaran? Puros kapighatian at kasawian tapos kung kailan natuto kang tanggapin ang nangyari at magplanong makapagsimula ng panibagong buhay ay eto na naman ang panibagong problemang kakaharapin. Hindi ba talaga ako nakalaang maging masaya?

"Editha kung naririnig mo man ako, pakiusap harapin mo ako at sabihin mo sa akin mismo ang lahat ng katotohanan" muling pakiusap ko  sa gitna ng pagtangis.

Biglang lumakas ang ihip ng  hangin   at nagkaroon ng kakaibang liwanag na nangagaling mismo sa Ilog. Bigla akong natigilan at napatakip sa aking  mata dahil nakakasilo ang liwanag na nagmumula dito na maiihalintulad sa  liwanag ng araw. Pinilit kong idilat ang aking  mata upang makita kung ano ang nangyayari ngunit talagang mawakit sa mata ang liwanag na tumatama sa akin at pakiramdam ko kapag pinilit ko pa aang aking sarili ay posibleng mabulag ako dahil dito kung kayat pinagkaigi ko na lamang ang aking sarili na takpan ang mata mula sa sulong tumatama sa aking mukha.

Ilang saglit pa'y nawala na ang liwanag at kumalma na ang ihip ng hangin.

"Mukhang alam mo na ang lahat-lahat tungkol sa akin Celestina" 

Ang tinig na iyon....

Dahan-dahan kong tinanggal ang nakatakip kong kamay sa aking mata, at doon malinaw kong nakikita sa aking harapan si Editha.

Pero ang itsura nito ay di kagaya noon na anyong matandang baliw, ngayon aking nasisilayan ang totoo niyang anyo bilang Dyosa.

Hindi ko napigilan ang humanga sa kaniyang taglay na kagandahan, walang duda isa nga siyang Diyosa.

"I-ikaw si Saria" nauutal na aniya ko.

"Ako nga" walang pag-aatubiling pagko-kompirma nito. May ideya nanama na ako na siya nga ang nasabing Diyosa ngunit ngayong nasa harapan ko na siya  tilay lahat ng mga dapat kong sasabihin sa kaniya ay nawala sa isang iglap.

"Ngayong nakikilala mo na kung sino talaga ako, maaari mo nang sabihin kung ano ba talaga ang iyong sadya sa akin" ma-otoridad na aniya nito. Hindi ko naiwasan ang manlamig dahil sa kaniyang kakaibang tinig.

"N-nais kong malaman kung bakit mo akong nagawang tulungan noon at kung totoo bang may kapalit ang naging pagtulong mo sa akin noon" diretsahang tanong ko at talagang pilit kong nilakasan ang aking loob na tanungin siya nito.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon