Panliliit
Tulala lamang ako habang pinagmamasdan ang walang malay na si Manang Fe habang nakahiga sa hospital bed. Madaming nakasalpak na aparato dito."Tinang ayos ka lamang ba?" tanong sa akin ni Acong pagkatapos tumabi sa akin.
Nagkataon kasi na ang doktor na napuntahan namin ay si Dr. Hector Lopez at kasalukuyang kasama pala nito si Acong at bantay dito sa kaniyang pagamutan.
"Acong balak ko na sanang magpaalam kay Amelia upang tapusin na ang trabaho ko sa Casa Villadiego ngunit heto naman ang nangyari" dismayadong ani ko dito. Naramdaman ko naman ang pag-akbay niyo sa akin na parang niyayakap ako.
"Magiging maayos din ang lahat" saad pa nito bago hinalkan ang aking buhok. Kahit papaano nakaramdam ako ng comfort.
Pinagmasdan ko si Amelia na siyang nakaupo sa tabi ni Manang, tahimik itong nagro-rosaryo. Mabuti na lamang at kumalma na ito kahit papaano. Kanina kasi halos awayin niya ang lahat ng doktor at nurses sa sobrang pag-aalala kay Manang.
Ilang sandali pa'y bumukas ang pintuan at mula dito, pumasok sina Don Rodolfo at Doktor Hector Lopez. Geez hanggang ngayon hindi ako sanay na tawagin itong doktor. Bukod sa ang bata pa nito ay talagang masyado siyang pormal ngayon.
"Sa ngayon hindi pa natin masasabi kung kailan magkakamalay ang pasyente kung kaya't dito muna siya mananatali hanggat maaari upang masuri namin oras-oras. Mabuti na lamang at nadala ninyo agad siya dito dahil delikadong klase ng atake sa puso ang nangyari sa kaniya. Malalaman lang natin ang epekto oras na magising na siya" saad ni Hector kay Don Rodolfo.
"Nauunawaan ko kung ganun Doktor" pormal na tugon naman dito ng Don. Sandaling nagpaalam muna si Hector at may kukunin lang daw sandali. Tumango naman ang Don dito.
"Amelia Ija. Uuwi na muna ako, kayo na muna ang bahala dito. Ipapakuha ko na lamang ang iba ninyong gamit upang ipadala dito" saad nito kay Amelia na tumango lamang sa kaniya bilang pagtugon.
Saktong pag-alis ng Don ay siyang pagbalik muli ni Hector. May dala-dala na itong lalagyanan ng gamot na herbal. Napatingin ito sa gawi namin bago dumiretso na kay Amelia.
"Binibini ito ang mga klase ng gamot na maaari na ninyong bilhin sa lalong madaling panahon upang mainom kaagad ng pasyente pagkagising niya" bahagyang lumingon sa gawi nito si Amelia.
"Kailan ba siya magigising?" pormal na tanong pa niya dito.
"Sa ngayon hindi natin masasabi kaagad sapagkat medyo malala ang pag-atake ng kaniyang puso"
"E bakit hindi ninyo alam, doktor ka ah! Dapat alam ninyo kung anong eksaktong oras siya magigising" biglang naghi-hysterical na saad pa dito ni Amelia. Kaagad akong lumapit dito upang pakalmahin siya. Bahagya akong sumulyap kay Hector na parang ako na ang nanghihingi ng dispensa sa inasal nito.
"Binibini hindi ako manghuhula na kaagad masasabi sa iyo kung anong eksaktong oras siya magigising o kaya nama'y hindi din ako makapangyarihan, tipong hihipuin lang siya ay tuluyan na kaagad gagaling. Isa lamang akong hamak na doktor at anuman ang natutunan ko sa aking pag-aaral at pagsasaliksik ang siyang ginagamit ko upang makapagpagaling sa aking pasyente" tugon ni Hector dito sa kalmadong boses.
"Kung gayo'y baka hindi pa sapat ang iyong nalalaman kung kayat hindi mo masabi-sabi kung kailan gigising si Manang" hindi paawat na tugon pa ni Amelia dito. Hindi ko naiwasang pigilan siya ngunit nanatili lamang ang nanlilisik na mata nito kay Hector.
"Kung wala kang tiwala sa aking talino't-kakayanan ay maaari ka namang humanap ng ibang doktor na susuri sa iyong Manang Fe. Dahil hindi ko kailangan ng isang katulad mo na mamaliitin lamang ang isang tulad kong doktor na nag-aral ng ilang taon makakuha lamang ng lisensya at upang makatulong sa kapwa" bakas ang galit na saad muli ni Hector dito.
BINABASA MO ANG
Camino de Regreso (Way back 1896)
Historical FictionIkalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta ako sa sinaunang panahon, namulat ang aking puso't-isipan. Lahat ng aking nasaksihan trahedya, kasawi...