Kabanata 8

1.8K 100 31
                                    

Irina


"Kamusta Senyorita?"

"Kamusta Senyorita?"

"Kamusta Senyorita?"

Parang sirang plakang nagpapa-ulit ulit sa aking isipan. Arrghhh!

Irita akong tumagilid ng pwesto sa pagkakahiga at pilit tinatakpan ng kumot ang aking tenga. Ilang sandali pa'y muli akong tumagilid sa kabilang pwesto naman. Aissh.

Hindi na ako natutuwa sa nangyayari sa akin. Madaling araw na halos ngunit heto ako't mulat na mulat pa ang busilig!

Hindi ko naiwasang mapatingin sa gawi ni Amelia na sleeping beauty ang peg. Ang peaceful ng mukha at halatang masaya sa buhay. The total opposite of me. Hays.

Napaupo na lamang ako sa sobrang frustration. Muli kong naalala ang nangyari kanina pagkatapos ng 'Kamusta Senyorita?' eklavoo ni Lucio..

Hindi agad ako nun nakapagsalita at pawang tinuklaw ng ahas ang dila ko. Mabuti na lamang at may grupo ng kalalakihan ang tumawag sa kanila dahilan upang malihis sa akin ang kanilang atensyon. 

Nagpapasalamat ako noon dahil akala ko tapos na at maaari na akong tumakas ngunit nagkamali ako. Wala akong nagawa nung inimbitahan ako ni Heneral Ferdinand na makisalo sa kanilang lamesa nung oras na ng kainan. 

Bale kaming tatlo nina Nila, Amelia at ako ang magkakatabi habang silang dalawa naman ni Lucio ay nakapwesto sa tapat namin. 

Habang nagkakainan ay si Heneral Ferdinand lamang ang nag-oopen up ng topic bagay na tanging sina Amelia at Nila lamang ang sumasagot habang ako ay tahimik na kumakain. Si Lucio? natural namang tahimik yan eversince. Tss.

Ngunit biglang may tumawag sa Heneral dahilan upang maiwan kaming apat sa table. Mabuti na lamang at mejo feel magbida-bida ni Amelia kung kaya't siya naman ang nag-oopen up ng topic na tanging si Nila na lamang ang sumasagot. 

"Masyado kayong tahimik na dalawa para tuloy hindi ninyo nais makasama ang isa't-isa" puna ni Nila na siyang kinabigla ko nang mapagtanto kong kaming dalawa ni Lucio ang kaniyang tinutukoy. Mabuti na lamang at panna cotta ang aking kinakain kung kaya kahit malumod ko ay ayos lamang. Kung nagkataon baka nategi ako ng wala sa oras! 

"Ah h-hindi naman" saad ko sa kunwaring hindi naapektuhang tono.

"Ano ka ba Nila sadya namang tahimik na tao si Irina at hindi pala imik" pagtatanggol sa akin ni Amelia at ngayon talaga feeling ko pwede na kaming bff. Yeah ghorl!

"Kumsabagay" pag-sang ayon ni Nila dito kung kaya nilipat na lamang nito ang tingin kay Lucio na tahimik kumakain na parang walang pakielam sa mundo. "E ikaw Heneral Lucio, bakit hindi ka nagsasalita? Ayaw mo ba kaming kausap?" mejo bakas ang kunwaring malungkot na tanong nito.

"Hindi naman" simpleng sagot din nito bago diretsong ipinagpatuloy ang pagkain. 

Nagtataka ako kung paano niya nakakayanang maging casual at parang normal na normal sa kaniya ang lahat. 

Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kaniya dahilan upang magtama ang tingin namin. Agad akong nag-iwas tingin at nagpaalam na tutungo lamang sa palikuran ngunit ang totooy wala na akong balak bumalik pa dito. Magkukulong na lamang ako sa aming silid.

At ganun nga ang nangyari. Pakiramdam ko ako na lamang ang affected sa nangyari sa aming dalawa. Marahil ay dahil sa ako naman talaga ang nakipaghiwalay kung kaya natanggap na niya sa kaniyang sarili kaagad at ngayon move on na siya. 

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon