Kabanata 58

1.5K 92 56
                                    

Ang puno't-dulo ng lahat

Sa isang bakanteng silid ako dinala ng dalawang kawal. Iniupo ako ng mga ito sa isang silya katapat ng lamesa bago umalis at sinaraduhan ang pintuan. Ilang sandali pa'y muling nagbukas ang pintuan at pumasok ang isang Ginoong pamilyar sa akin ang mukha.

"Magandang umaga, hindi ko alam kung ako'y iyong natatandaan gayunpaman akoy magpakilala na lamang sa iyo, Geronimo Santos ang aking ngalan na minsang tumayong abogado ni Don Thomas Izquedor nung nahatulan sila sa inyong bayan" pagpapakilala niyo at natandaan ko na, siya nga yung abogadong nakasagutan ni Ginoong Florante sa hukuman!

"Mukhang naalala mo naman na ako kung kayat hundi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ang kasong isinampa laban sa iyo sa lubhang mabigat at wala ng pag-asa pang maipanalo lalo pa't ang kinalaban mo ay si Gobernador Ferdinand" walang pakundangan aniya nito. Walang emosyon ko itong tiningnan.

"Itoy aking sinasabi na kaagad sa iyo upang hindi ka na umasa na maiiligtas pa kita mamaya sakaling ikay mahatulan. Abogado lamang ako at hindi Diyos na kaya kang isalba sa kapahamakan" nang-uuyang patuntyada pa nito.

"Abogadong walang silbi" mapait na komento ko na kinawala ng pagngisi nito.

"Anong sinabi mo?" tanong nito at bakas na hindi niya nagustuhan ang narinig pero who cares, kung sakali mang bilang na lang ang sandali ko sa mundo ay sasabihin ko na anuman ang nais kong sabihin. Baka sakaling maumpog siya at magtanda.

"Bilang abogado karapatan mong ipagtanggol ang iyong kliyente gaano man kabigat ang sinampang kaso dito. Hindi bat diyan pa nga mapapatunayan kung gaano ka kagaling na abogado kung sakaling ang imposibleng manalong kaso ay maipanalo mo?" walang ganang pasaring ko. "At sa paraan ng pananalita mo sa akin mas higit kong napagtanto na madaming nakapagtapos ng pag-aaral dahil lamang sa pera at impluwensya kung kayat hindi magampanan ng buong puso ang tungkulin nakaatang sa kanila"

"Masyado ka ngang lapastangan kung magsalita, alam mo ba na nasa sa aking kamay ang iyong kaligtasan?" nagtitimping tanong pa nito "sabihin mo sa akin ang nangyari para naman may alam ako na sasabihin mamaya sa harapan ng punong hukom" utos pa nito na kinainis ko.

"Hindi ba't magaling kang abogado? At isa pa kasasabi mo lamang na magsalita man ako o hindi, ay wala ng kasiguraduhan ang pagkapanalo ng aking kaso kaya para saan pa?" mapait na aniya ko.

"Kung ganun tinatanggap mo na pala ang posibleng mangyari sa iyo" nakangising komento pa nito . Hindi na ako nagsalita "hindi mo ba naisip na malay mo magkaroon ng milagro na imposible. Maisalba kita sa kasong ito?"

"Hindi na ako umaasa sa isang abogadong tulad mo" diretsyahang aniya ko.

Mukhang tuluyan na itong napikon at akma pa sanang sasaktan ako nang isang tinig ang nagpatigil sa amin.

"Ipinapatawag na ang isinasakdal at ang tatayong abogado"

Agad itong tumalikod at nauna nang lumabas ng silid. Napahinga na lamang ako ng malalim.

Oras na ng pagsasakdal at ilang minuto o oras na lamang ay hahatulan na ako ng kamatayan.

Dalawang guwardiya muli ang humila sa akin, ang isa ay kinalagan ang aking kamay ngunit hinatak na naman ang aking braso upang hilahin palabas ng naturang silid. Sa may labasan namataan ko si Lucio na pawang may inaantay. Akma pa sanang lalampasan namin siya nang nagsalita ako.

"Sandali lang pakiusap" tumungin naman ang dalawang guwardia kay Lucio na pawang naghihingi ng approval at tumango naman ito sa mga ito. Sandali akong binitawan ng mga kawal kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makaharap kay Lucio.

Kinalagan ko ang suot-suot kong kwintas bago kinuha ang isa niyang kamay at ipanatong ko sa kaniyang palad ang singsing at putol ng kwintas.

"Maraming salamat sa lahat-lahat ng masasayang alaala Lucio, kailanmay mananatili ka dito sa aking puso. Sa ngayon kailangan ko na ring tanggapin anumang kahihinatnan matapos ang araw na ito, kung kaya malaya ko ng ibinabalik ang mga bagay na saksi ng ating pangako sa isa't-isa na hindi na magkakatotoo pa. Kasabay ng pagbabalik ko nito ay ang tuluyan kong pagpapalaya ng puso mo. Hangad ko ang kaligayahan mo sa hinaharap" nakangiting aniya ko bago tumalikod na kaagad bago pa niya muking makita ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon