Wakas

2.8K 155 208
                                    


Matiwasay na Pagtatapos

"Apo, pakiusap gumising ka na diyan. Sobrang haba na ng itinutulog mo" naulinigan kong boses ng isang matanda.

"Hindi pa rin ba tapos ang iyong mahabang panaginip? Apo naiinip sa si Lola, kung hindi ka pa diyan gigising baka..." naramdaman ko ang pagdaloy ng luha nito sa aking nga kamay na kaniyang yakap-yakap sa kaniyang pisngi.

Naisin ko mang gumalaw ngunit hindi ko magawa. Maski pagmulat ng mata ay hirap akong gawin kung kayat tanging ulo ko lamang ang aking naigalaw.

Nang dahil dun kaya sandali itong umalis sa pagkaka-akap sa akin narinig ko na naman ang boses nito

"Apo!"

Rinig kong pagtawag pa nito na biglang napaltan ng halong tuwa at pagkabigla ang tono ng boses. Agad ko namang napagtanto at nakilala ang boses nito.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata, blurred sa una pero di kalaunan nakita ko ang mukha ni Lolang lumuluha habang nakatitig sa akin.

Kung ganun nagtagumpay ako at ngayon nakabalik na ako sa modernong panahon.

"Diyos ko salamat sa Diyos at nagising ka na Apo ko" halong tuwa at galakang tono nito habang di malaman ang gagawin "Sandali lamang at tatawag ako ng doktor" daliang aniya nito bago lumabas ng kwarto.

Parang dinidikdik ang aking puso habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Puting ceiling at kisame ang sumalubong sa akin habang sa aking tabi ay ang tunog ng machine. Naramdaman ko ang ilang aparatus na nakatusok sa aking katawan ganun din ang dextrose sa aking kamay.

Walang duda nasa hospital ako. Ibang-iba ito sa nakasanayan kong bahay-pagamutan sa sinaunang panahon.

Ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan at ang unang pumasok ay isang lalaking may salamin at naka coat agad kong nabatid na isa itong doktor habang sa likuran niya ay dalawang nurse na kasunod ni Lolang pumasok rin dito sa silid.

"Tunay na gising na nga ang iyong apo Lola Celeste!" nagdiriwang na aniya ng doktor. Bata pa ito at tingin ko ay nasa early 40's pa rin ito, kumpara sa ibang nakasanayang doktor tilay bagets ang datingan nito.

Di na nagpatumpik-tumpik pa at kaagad akong chineck ng doktor. Tinanggal na rin nito ang oxygen na nakalagay sa ilong ko kasabay ng ibang aparatus na nasa katawan ko. Kinuha din nito ang bp ko, chineck ang mata, ilong, tenga at pati bibig ko.

"Ms. Celestiel may ilang katanungan ako sa iyo. Kung kaya mo nang magsalita ay mangyaring pakisagot ang aking katanungan ngunit kung hindi naman ay kahit pagtango o pag-iling na lamang" mariing sabi nito sa akin. Tumango na lamang ako bilang sagot.

"Natatandaan mo ba ang iyong buong ngalan?" tanong nito at tumango ako "Ano?"

Ilang beses akong napalunok lawak sapagkat tilay sobrang natuyo ng aking lalamunan. Ilang beses pa akong tumikhim bago sinubukang magsalita.

"C-celestin..Celestiel Irene Serna" sagot ko at bigla akong napaluha sapagkat Celestina de la Serna ang ngalang mababanggit ko.

"Dok sa tingin ko nahihirapan pa rin ang pasyente. Mainam siguro na mamaya na lamang natin siya tanungin" nagaalalang aniya ng nurse dito habang minamasdan ang lumuluha kong mata

"Ayos ka lamang ba Miss Celestiel? Nais mo bang mamaya ka na lang namin ulit bisitahin?" tanong sa akin ng doktor at tumango ako.

Tumayo naman ito sa kinauupuan bago bumaling na lang muna kay Lola upang ireseta ang mga gamot para sa akin. Narinig ko rin na sinabi nito na kapag ayos na ang kondisyon ko ay maaari na akong makalabas sa isang araw.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon