Pahapyaw na Kabanata

2K 113 27
                                    


Sa labas ng hospital, isang matandang babae ang nakatanaw at may kasama itong lalaki na halos kasing-edadan lang din nito ang itsura.

"Aking nababatid Diyosa Saria ang kalungkutan diyan sa iyong mata. Walang naghangad na humantong sa ganito ang kanilang tadhana" malungkot na pahayag ng matandang lalaki. Naluluha ang mata nitong pinagmamasdan ang dalawang matandang irog na nakahiga sa hospital bed at batid nila na wala ng buhay ang mga ito.

"Tunay na masalimuot ang buhay para sa amin nina Binibining Celestina. Ang pinagkaiba lamang ay nagawa niyang itama ang kaniyang landas na tatahakin habang ako, mananatili aa sumpang ito" dagdag na pahayag ng matandang lalaki. Tumingin dito ang kausap na matandang babae.

"Wag mo akong tawaging Dyosa, Editha na lamang ang ngalang itawag mo sa akin." paalala ng matandang babae bago muling sinulyapan ang mag-irog na matanda na ngayon ay inaasikaso na ng mga nurses at inaalis na ang katawan sa hospital bed subalit natigilan ang mga ito nang mapansin ang mahigpit na pagkakapit ng kamay ng mga ito sa isa't-isa.

"Marahil ito na talaga ang kanilang tadhana Molong" pahayag ni Editha. "Sina Celestina at Lucio, isang bagay ang napagtanto ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa ngayong...at iyon ay pinatunayan nilang dalawa na walang kahit na anong makakagapi sa damdamin nila para sa isa't-isa. Sa gitna ng kalbaryo at sakripisyong pinagdaanan, sa huli nagawa pa rin nilang muli pagtagpuin ang landas ng isa't-isa kahit pa sa huling pagkakataon" malungkot na pahayag ulit ni Editha. Isang sulyap muli ang ginawa niya kina Celestina at Lucio bago tumalikod.

"Diyosa..Editha, san ang inyong tungo?" nag-aalalang tanong ni Ka-Molong

"Nais kong itama ang lahat bagamat walang kasiguraduhan ngunit sa pagkakataong ito, kahit magpakumbaba sa aking kakambal ay aking gagawin, matapos lamang ang inyong kalbaryong pinapasan nang dahil sa akin" tugon ni Editha. Akma na sana ulit siyang lalakad paalis nang sa di kalayuan may isang dalagitang naglalakad. Malungkot ang mata nang dalaga habang tinatahak ang daan tungong hospital.

"Ngunit lubhang mapahamak ang pinagpla-planuhan mong gawin" nag-aalalang aniya pa ni Ka-Molong dito.

"Wag mo akong alalahanin Molong. Buo na ang aking pasya at hindi ko lamang ito gagawin para sa inyo ngunit para na rin sa dalagitang iyon" turo pa ni Editha sa dalagitang nakapasok na ng hospital.

Nanggigilalas namang napabalik ng tingin si Ka-Molong sa Diyosa.

"Ibig sabihin bago pa man kay Celestina ay may nauna ka nang natulungan?" tanong nito na sinagot ni Editha ng pagtango "Kung ganun ang dalagitang iyon ay may masalimuot ding kapalaran." halong lungkot at awang dagdag pa ni Ka-Molong.

"Siyang tunay Molong. Kaya nga hanggat kaya ko ay kakausapin ko ang aking kakambal. Kung kinakailangan na manikluhod ako sa kaniyang harapan ay aking gagawin. Hindi ko na hahayaang mangyari sa dalagitang iyan ang sinapit nina Celestina. Sapat na ang mga paghihinagpis at kasawiang nadama. Hindi ko na kakayanin na may madadagdag pa!"

Hindi na nagsalita pa si Ka-Molong dahil batid niya na wala na siyang magagawa pa dahil buo na ang pasya ng Diyosa.

"Hindi na ako tututol pa sa iyo Editha ngunit maaari ko bang malaman kung sino ang dalagitang iyon at bakit tilay pamilyar ang kaniyang itsura sa akin. Akoy hindi maaaring magkamali na minsan ko nang nakasalamuha ang Binibining iyon ngunit kung saang kapanahunan ay hindi ko na matandaan pa" naguguluhang aniya nito habang pilit inaalala kung sino nga ba ang dalagitang nakita.

"Hindi mo na kailangan pa siyang makilala Molong. Dahil ang dalagitang iyon ay may kapalarang nakabigkis sa isang taong nabubuhay bago pa man sakupin ng mga kastila ang Pilipinas" taimtim na pahayag ulit ni Editha.

Muli pa sanang magtatanong si Ka-Molong sa Diyosa ngunit kasabay ng malakas na ihip ng hangin ay siyang pagkawala nito.

Naiwang naguguluhan ang isip ni Ka-Molong sa mga huling katagang sinambit ng Diyosa ngunit sa huli kusa na siyang sumuko dahil batid niyang wala rin siyang mahihita kahit pa siya'y mag-isip ng malalim.

Pero isa lang ang kaniyang nababatid na ang dalagita ay may naghihintay na kakaibang kapalaran. At kung ano man ito ay hindi na niya sigurado maliban sa isang bagay, na ang Binibini ay muling mabubuhay sa sinaunang kapanahunan bago pa man ang pagdating ng kastila sa Pilipinas.

"Ang tanging hiling ko lang ay sanay mapakiusapan ni Saria/Editha ang kaniyang kakambal nang sa ganun hindi na maulit sa dalagitang iyon ang sinapit nina Binibining Celestina at Ginoong Lucio" tanging nasambit sa hangin ni Ka-Molong. Muling nag balik ang kaniyang tingin sa hospital ngunit sa pagkakataong ito ay wala na doon ang katawan ng kaninang dalawang matanda na sina Celestiel at Theron.

"Sa kabila ng lahat, mapalad pa rin kayo Celestina at Lucio dahil ngayon nababatid kong nakamtam nyo na ang kaligayahang panghabambuhay diyan sa langit. Tiyak na wala ng makakapaghiwalay pa sa inyong dalawa" muling saad nito bago tumingin sa kalangitan. Biglang humangin ng lakas at napapikit na lamang siya habang dinarama ang haplos ng hangin sa kaniyang balat.

Bigla niyang naalala ang babaeng kaniyang tinatangi.

"Celeste" napaluha na lamang siya habang nananatiling nakapikit at nakatingala sa kalangitan.

"Muli akong napunta sa ibang kapanahunan ngunit ngayon wala ka na at tuluyan mo na akong iniwan. Sanay kagaya ng iyong apo ay magawa mo rin akong hintayin hanggang sa tuluyan na akong makarating diyan sa kalangitan. Kung saan malaya na kitang makakasama nang walang inaalalang kapahamakan at pagdurusa" aniya pa nito bago nag-ayos ng pagkakatayo at pinunasan ang kumawalang luha sa kaniyang mga mata.

Humarap siya sa lugar kung saan huli niyang nakita kanina si Editha.

"Diyosa Saria dalangin ko na sanay magtagumpay ka. Sanay maputol mo ang sumpang ito sa amin na walang idinulot kundi sakit, poot at kapighatian. Ikaw na lamang ang tangi naming inaasahan, pakiusap isalba mo ang naakantabay na kapalaran ng dalagitang una mong natulungan. Naway wag nang matulad ang kapalaran niya sa amin" huling aniya nito bago nagsimula nang lumakad paalis.

At sa lugar na kaniyang nilisan, muling lumakas ang simoy ng hangin kasabay nang paglitaw ng bahaghari sa kalangitan.

****

A/N:

Guys kagaya sa pamagat, ang kabanatang ito ay pahapyaw para sa susunod kong gagawing istorya. Sa ngayon wala pang kasiguraduhan kung kailan ko ito masisimulan at marami pa rin akong plano para rito lalo tatakbo ang istorya noong 15th-16th century.

Yes guys, ibig sabihin tatakbo ang istorya noong kapanahunang bago pa man sakupin ng mga kastila ang Pilipinas. Ito rin ang kapanahunan na kung saan mga Lakan, Datu at Sultan pa ang namumuno sa bawat baranggay.

Magiging mahirap at kailangan ng puspusang research para dito ngunit sanay suportahan nyo pa rin ako sa pagkakataong ito.

Btw, akoy humihingi ng paumanhin sapagkat hindi na Memoirs of Mr. Ghost ang magiging pamagat nito. Lilinawin ko na ang 'pahapyaw na kabanata' ay magkakaroon na ng ibang pamagat habang ang MOMG ay muli kong ipagpapatuloy isulat dito sa wattpad. Sanay inyong maunawaan.

Lubos na nagpapasalamat,

Senyoria

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon