Kabanata 50

1.6K 79 38
                                    

Muling dagok sa magkapatid

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kaagad tinungo ang opisina ni Yano sa mababang hukuman. Siya lang ang kilala kong makakatulong sa akin sa mga sandaling ito.

"Celestina" bati nito pagkakita sa akin agad din itong tumayo upang lapitan ako. "Ano ang iyong sadya sa akin?" diretsahang dagdag pa nito, malamang batid niya na akoy may kailangan sa kaniya kaya ako naparito.

"May nais sana akong hilingin sa iyo" pag-amin ko dito. Sandali ako nitong pinapasok sa loob ng kaniyang opisina bago sinaraduhan ang pintuan. Pinaupo niya ako sa isang silya sa harapan ng kaniyang lamesa.

"Tungkol saan ba iyang hinihiling mo? Akala ko pa naman naparito ka upang itanong ang tungkol sa bakasyon na aking sinasabi kahapon" pagbibiro pa nito na hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Ngayong wala sina Acong at Raquelita dahil kaagad silang umalis kaninang madaling araw tungong Japan para sa kanilang honeymoon kaya nasa akin lahat ng gawain at wala akong oras upang magpaligoy-ligoy pa.

"Nais kong bilhin ang Hacienda Villafuerte" natahimik ito at hindi kaagad nakapagsalita matapos kong sagutin ang kaniyang katanungan. "At kailangan ko ng iyong tulong upang hindi malaman nina Tiyo Ferdinand at Tiya Flora ang tungkol dito" dagdag ko pa.

"At bakit naman nais mo itong ilihim sa kanila?"

"Sapagkat hindi sila papayag sa aking plano at bukod pa doon may ilan akong nais gawin na tanging sa iyo ko lamang sasabihin kaya sanay manatili itong lihim sa pagitan lamang nating dalawa" agad akong lumapit dito at ibinulong ang ilang kondisyon na aking pinag-isipang mabuti. Matapos nun napapailing na lang itong tumingin sa akin.

"Celestina, Celestina ilang beses ka nang iniwan ngunit heto ka pa rin bihag niya. Hanggang kailan ka magpapaka-martir?"

Hindi ko na tinugon ang kaniyang komento at kaagad nang nagpaalam matapos nun. Martir na kung martir, tanga na kung tanga pero wala akong magagawa kundi sundin ang ninanais ng aking puso kahit sa huling pagkakataon, nais ko paring makagawa ng mabuti sa mga taong minsang naging bahagi ng buhay namin.



Pagkabalik sa bahay, nadatnan ko ang ilang panauhing kausap ni Tiyo, dalawang lalaki na ang isa ay kaedadan ni Tiyo habang ang isa naman ay kasing edadan ko lamang at may kasama silang isang ginang, mukhang isa silang pamilya.Bagamat hindi ko sila kilala sa pangalan ngunit aking namumukhaan ang padre de pamilya na kung hindi ako nagkalamali ay isang opisyales.

"O sakto pala at nandito na ang aking pamangkin" nakangiting aniya ni Tiyo Ferdinand sabay lumapit sa akin upang ipakilala sa kaniyang nga panauhin "Eto nga pala ang bunsong anak ng aking yumaong kaibigan, si Celestina de la Serna"

Ngumiti na lamang ako sa kanila pagkabati sa akin.

"Kung hindi ako nagkakamali Gobernador Ferdinand, si Binibining Celestina ay isa nang haciendera sa batang edad at kasalukuyang nagpapalakad ng kanilang negosyo" humahangang aniya nito.

"Siyang tunay Don Mauro at bukod pa sa tinataglay na kagandahan ay may kahanga-hangang talento pa ang pamangkin kong ito" dagdag pa dito ni Tiyo. Napataas na lamang ang aking kilay dahil sa paraan ng kaniyang pagsasalita ay para akong panindang inaalok upang bilhin.

"Bueno ito naman ang aking anak na si Rigor" nakangiting aniya nito sabay higit sa anak papalapit sa akin. Napangiwi na lamang ako dito.

"Magandang umaga Binibining Celestina, ikinagagalak kitang makilala" nakangiting aniya balak pa sana nitong hawakan ang aking kamay kaya kaagad akong lumayo ng kaanti at pata malisya na lamang ngumiti.

"Ganun din naman sa iyo Ginoong Rigor"

"Mabuti naman at magkakilala na kayong dalawa. Bakit hindi mo muna ipasyal ang Ginoo, Celestina?" suggestion ni Tiyo Ferdinand at promise malapit nang tumaas ang kilay ko sa kaniya.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon