Hadlang
"Wag kang mag-alala Senyorita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw lamang ang pipiliin ko hanggang sa huli" nakangiting saad sa akin ni Lucio habang magkahawak kamay kaming dalawa.
Marahil naramdaman niya ang panginginig ko habang tinatahak ang daan papasok sa mansyon ni Heneral Ferdinand.
"Ako na muna ang haharap kina Ama at Ina, babalikan kita agad dito pagkatapos naming mag-usap" bilin pa nito nang marating namin ang salas. Hinalkan niya muna ako sa noo bago lumakad pataas ng hagdanan.
Kinakabahan akong napaupo sa sofa at hindi makapag-isip kung paano ko kakaharapin ang kaniyang magulang at kung anong dapat sabihin sa mga ito. Tanging pagdadasal na lamang sa isip ang aking ginawa habang hinihintay ang pagbalik ni Lucio.
Sumapit pa ang halos kalahating oras at talagang hindi na ako mapakali, dagdag pa ang sobrang kaba na nagdudulot ng pagpapanik sa aking kaibuturan, kung kaya naman agad na akong tumayo upang sundan si Lucio sa itaas.
Agad kong nabatid na sa opisina ulit ni Heneral Ferdinand ulit sila naguusap-usap. Bukod sa dito din nila ako kinausap nung unang punta ko dito, ay kapansin-pansin ang konting siwang ng pintuan. Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa bukana ng pintuan at mula doon hindi nakaligtas sa aking tenga ang kanilang pinag-uusapan.
"Ano Lucio ulitin mo nga ang iyong sinabi. Ako ba'y nabibingi lamang sa aking narinig?" galit na tanong dito ni Heneral Orlando.
"Hindi po kayo nagkakamali ng dinig Ama. Ako po ay naparito upang ipabatid na handa akong pakasalan si Celestina at kasalukuyang pinagpla-planuhan na namin ang petsa ng kasal" tugon ni Lucio dito. Hindi ko maiwasang makagat ang ibabang labi sa kaba dahil feel na feel ko ang tensyon sa loob ng silid at para akong maiihi sa susunod na sasabihin ni Heneral Orlando.
Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa kanila na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko.
"Nagpunta ka dito upang sabihin ang bagay na iyan gayong batid mo na hindi ako sang-ayon sa relasyong meron kayo?" asik ni Heneral Orlando dito at bakas ang pagtitimpi sa tono nito.
"Naparito po ako Ama at Ina upang hingin sana ang inyong basbas, sa huling pagkakataon kung inyong mamarapatin"
Halos hindi na ako makahinga sa naririnig.
"Paano kung sabihin ko sa iyo na hinding-hindi mo makukuha ang aming permiso at kahit kailan hindi namin ibibigay ang basbas na hinihingi mo upang mapakasalan ang isang de la Serna!" sigaw ni Heneral Orlando.
"Kung ganun Ama nais ko ring sabihin na hindi na magbabago ang aking desisyon, may basbas nyo man o wala. Marapat kong ring nirerespeto ang inyong desisyon at ngayon bilang isang suwail na anak sa inyo, hinuhubad ko ang lahat ng karapatan meron ako bilang parte ng pamilyang ito"
Nanlalaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala sa naririnig na sinabi ni Lucio.
"Ngayong araw na ito Ama, Ina hinihiling ko na itakwil na lamang ninyo ako bilang inyong Anak sapagkat kailanmay hindi ko kakayanin gawin ang ninanais ninyo. Mas kakayanin ko pang mawala ang lahat ng yaman na meron ako kesa sa nag-iisang taong minamahal ko" dagdag pa ni Lucio at parang tinutunaw ang puso ko sa panghihina ng kaniyang boses. Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na silipin ang nangyayari at halos napasinghap ako at hindi ko naiwasang itakip ang mga kamay sa aking bibig upang hindi nila marinig ang paghikbi ko.
Unti-unti akong nanghihina sa nakikita, si Lucio..nakaluhod sa harapan ng kaniyang Ama't Ina habang isa-isang hinuhubad ang kaniyang uniporme sa harapan ng mga ito. Kapansin-pansin din ang ibang bagahe na sa palagay ko'y mga kagamitan niya.
Di kalayuan sa kanila nakatayo sina Dayanara at Margarita na kapwa lumuluha habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Lucio.
Tanging sando at pantalon na simple na lamang ang suot nito. Wala na ang pang heneral niyang unipormeng na ngayon at tiniklop niya upang isauli sa kaniyang magulang maging ang ibang kagamitan niya.
BINABASA MO ANG
Camino de Regreso (Way back 1896)
Historical FictionIkalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta ako sa sinaunang panahon, namulat ang aking puso't-isipan. Lahat ng aking nasaksihan trahedya, kasawi...