Kabanata 28

1.7K 84 97
                                    

Pagkapit

"Ate ayos ka lamang ba? Wala ka pang pahinga ah kanina ka pa diyang gumagawa" nag-aalalang puna sa akin ni Tala ngunit pinagpatuloy ko lamang ang pagpupunas ng sahig at hindi pa ako nakuntento muli akong kumuha ng bunot upang mas pakinisin pa ito.

Eto lang ang naiisip kong paraan upang iwaksi anumang napag-usapan namin ni Dayanara kanina. 

Mukha naman sumuko na si Tala sa pagpapa-hinto sa aking ginagawa ngunit sa pagbalik nito ay kasama na niya sina Nila at Amelia.

"Tama na iyan Irina. Magpahinga ka muna at nag-aalala na sa iyo itong si Estrella" awat sa akin ni Nila sabay inagaw ang bunot sa aking kamay. Tumayo na lamang ako at pagkay nagpunas ng pawis gamit ang braso.

"Sige magpahangin lang muna ako sa labas" paalam ko pa at hindi na hinintay ang kanilang sasabihin.

Alam kong magtatanong lamang sila, sa ngayon ayokong pag-usapan at naalala ko lamang ang masasakit na paratang sa akin ni Dayanara. Pakiramdam ko mas lalo lamang akong nanliit sa aking sarili bagay na pinipilit kong iwaksi sa aking isipan. Hindi dapat ako mag-isip ng kung anu-ano at baka sa isang maling ideya ay makagawa ako ng isang maling desisyon. 

Ayokong maulit na naman ang aking pagkakamali noon, na ang nangyari sa huli ay nasaktan ko lamang si Lucio. Kung kinakailangan na maging bobo ako sa mga sandaling ito upang hindi makapag isip ng kung anu-ano ay aking gagawin. Hindi maaaring lagi na lamang si Lucio ang mag-aadjust sa relasyon naming dalawa, kung kayat titiisin ko lalo pa't tanging pagtitiis lamang ang kaya kong gawin sa ngayon. 

Buong maghapon wala muna akong kinausap maski si Tala na kanina pa akong sinusubukang tanungin ay walang nakuha anumang kasagutan mula sa akin.

Nang bumalik ako sa aking silid, kinuha ko ang isang kwaderno at pluma. Nangingilid ang aking mga luha habang isinusulat lahat ng saloobin at hinanakit dito.

Wala naman akong papadalhan nito, tanging paglalabas lamang ng sama ng loob sa pamamagitan nito ang aking kailangan. 

Liit na liit na ako sa aking sarili ngunit tuwing naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Lucio, ang pagpaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal ay nawawala lahat ng insecurities ko. Sa gabing iyon, nakatulugan ko ang pag-iyak. 

Sa mga sumunod na araw, inabala ko ang aking sarili sa maraming bagay, pinipilit kong paguding mabuti ang aking katawan ng sa gayon makatulog kaagad ako sa gabi. Kahit papaano at nakakatulong naman, yun nga lang pakiramdam ko inaabuso ko naman ang sariling katawan at kalusugan. 

"Irina sumama ka sa akin" mabilis na saad ni Nila at walang anu-anong hinigit ako nito papasok sa isang silid.

"Magsisimba tayo ngayong araw na ito at sasama ka sa amin, para naman mabasbasan ka ng mabuting espiritu" pinal na desisyon nito. Wala na akong nagawa kundi magbihis at sumama sa kanilang magsimba.

Sa Basilica Menor ni San Miguel Arkangel kami nagtungo o kilala rin bilang (Basilica Tayabas). Pagkababa namin ng kalesa saktong dating ng mag-asawang Amelia at Hector.

"Oh mabutit napasama mo itong si Irina. Ilang araw na ring hindi ito makausap ng husay e" natatawang komento ni Amelia habang nakipagbeso sa aming dalawa ni Nila.

"Talaga! Takot nalang sakin nitong si Irina" biro pa ni Nila bago kami tuluyang pumasok sa simbahan. 

"Bakit kayo mahihiya kung mahirap lang kayo? Tandaan ninyo ang Panginoon Hesus ay isang hari ngunit mas inakap niya ang buhay ng pagiging dukha at sinabi niyang mas kinalulugdan ng Ama ang mga dukha at salat sa yaman" sermon ng pari kasalukuyang nagho-homiliya na ito.

Napansin kong ilan sa mga tao ay naluluha at nagpupunas ng luha habang ang mga mayayamang Donya nasa unahan namin ay napapaismid na lamang sa sinabi ng pari.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon