Desperada
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng diretso sa bahay. Basta ang alam ko lamang ay lutang ang utak ko kakaisip kay Lucio. Ilang beses ko pang pinigilan ang aking sarili na hanapin o sundan ito.
"Tinang!" nakangiting salubong sa akin ni Acong habang nakatitig sa bulaklak na ibinigay sa akin kanina ni Lucio. "Mukhang naibigay na ni kaibigang Lucio ang kaniyang pinaghirapang obrang bulaklak ng pagmamahal" dagdag pa nito. Nanatili lamang akong tahimik.
"Teka nasaan pala siya?" tanong pa nito habang inililibot ang tingin sa paligid at nung hindi ito makita ay titig na titig ito sa akin na pawang naghihintay ng kasagutan.
Hindi na ako nakapagpigil na mapayakap sa kaniya at maluha sa kaniyang balikat.
"Acong nakaalis na siya pabalik ng Valencia"
Hindi ito nagtanong ng kahit na ano pa, sa halip inakay niya ako papasok ng bahay. At doon tulala lamang ako habang kine-kwento sa kanila ang kondisyon nito na maging si Acong pala ay wala ring kaalam-alam.
"Ano na ang gagawin mo ngayon?" tanong pa nito at doon ako natauhan. Mabilis akong tumayo at nagtungo sa aking silid upang kumuha ng papel at pluma.
Si Yano na lang ang makakatulong sa akin!
"Tinang wag mong sabihing balak mong pumayag sa alok ni Don Thomas?" di ko namalayan ang pagsunod nito sa akin at bakas ang galit sa tono na tanong nito.
"Wala na akong ibang pagpipilian Acong" determinadong saad ko bago sinimulan ng magsulat subalit hindi ko maigalaw ang aking kamay ng husay dahil sa sobrang pangangatal.
"Ako na ang magsusulat" saad nito sabay kuha ng pluma sa aking kamay.
Ang nangyari lahat ng idinidikta ko ay kaniyang isinusulat
"Ilagay mo diyan na pakisabi kay Don Thomas, papayag ako na bilhin niya ang kalahati ng Hacienda de la Serna maliban sa mansyon sa isang kondisyon, kailangan niyang payagan tayong makatapak at muling tumira sa Valencia"
Walang imposible kay Don Thomas lalo pat siya na ang gobernadorcillo. Kahit hindi ko nais na mapa sa kaniya ang kalahati ng hacienda ay wala na akong iba pang pagpipilian.
Umabot ng isa, dalawa hanggang sa naging tatlong linggo ang paghihintay ko sa tugon ni Yano subalit hanggang ngayon ay wala pa rin ni isang liham na dumarating mula sa kaniya.
Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa dahil baka hindi pumayag si Thomas sa aking kondisyon.
Nanlulumo na lamang akong napaupo sa aming kawayan na silya. Miss na miss ko na si Lucio. Ilang beses din akong nagpadala ng liham para dito pero wala pa rin akong nakukuhang tugon mula sa kaniya.
Araw-araw pakiramdam ko wala ng saysay ang aking buhay. Tanging ang pagpayag na lamang ni Don Thomas sa aking kondisyon ang nagpapalakas ng aking loob upang lumaban sa buhay na ito. Wala kaming trabahong magkakapatid sapagkat walang nais kumuha sa amin bilang manggagawa man lamang, malakas ang kutob ko na may kinalaman dito si Heneral Orlando. Sinubukan kong puntahan ito upang prangkahin ngunit nabalitaan ko na lamang na maging ang buong pamilya nito ay umuwi na rin ng Valencia.
Nagtya-tyaga lamang kami sa mga gulay na inaani mula sa taniman sa aming likod bahay. Sa pagkain walang problema sa amin ngunit ang pera na kailangang-kailangan ko upang makaipon pamasahe pabalik namin Valencia. Sinubukan ko ring magbenta ng ilang gamit ngunit kulang at kulang pa rin
Wala akong nagawa kundi yakapin ang unan na ginagamit ni Lucio bago siya umalis. Wala yatang araw o gabi ang nagdaan na hindi ko iniiyakan ang aking biglaang desisyon. Nasanay na rin ako na pugto ang mata tuwing gigising sa umaga.
BINABASA MO ANG
Camino de Regreso (Way back 1896)
Historical FictionIkalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta ako sa sinaunang panahon, namulat ang aking puso't-isipan. Lahat ng aking nasaksihan trahedya, kasawi...