Kabanata 27

1.7K 96 108
                                    

Utos

Tilay natulos ako sa aking kinatatayuan at pawang hindi alam ang gagawin. Para akong tupa na nahuli ng mga lobo. At ang mas malala pa mula sa aking likuran ay ang pagtawag sa akin ni Lucio! Damn it talaga!

Nakangiwi ko itong nilingon sapagkat batid kong hindi pa nito nakikita ang presensya ng kaniyang pamilya.

"Senyorita nandito na ulit..." hindi nito natuloy ang sasabihin nang tuluyan na niya silang nakita.

"A-ama, Ina, Margarita akala ko ba nakaalis na kayo kanina pa?" nagugulantang na tanong nito. Biglang tumikhim si Heneral Orlando bago nagsalita

"Naparito kami upang isurpresa ka sana nitong iyong kapatid...." seryosong saad nito at itinuro ang naguguluhang si Dayanara bago nalipat ang tingin sa gawi ko "Ngunit hindi naming inaasahan na kami pala ang masu-surpresa" dagdag pa nito na halatang disgusto ang nangyayari.

Akmang magpapaliwanag pa sana si Lucio dito nang muli itong magsalita sa ma-awtoridad na tono.

"Mag-uusap tayo sa loob at nais kong kasama ka Binibining Celestina de la Serna" 

Muling nabalot ng takot at pangamba ang aking dibdib sa paraan ng paninitig ng mga ito sa akin. Para akong kriminal na may ginawang malaking kasalanan sa kanila.

Nahihiya akong napatungo at pakiramdam ko'y anytime bigla na lang ako matutumba sa sobrang panlalambot. Mabuti't hinawakan ni Lucio ang aking kamay bagay na mas lalong kinaputla ko. 

Bakit kailangan sa harapan ng kaniyang pamilya? Susulyapan ko pa sana kung anong reaksyon ng mga ito ngunit mabilis na akong hinigit ni Lucio papasok ng mansyon.

"Senyorita kahit anong mangyari, nandito lang ako at sabay tayong haharap sa kanila" pagpapakalma sa akin ni Lucio, hinalikan ako nito sa noo. Nakangiti akong tumango kahit na deep down inside parang gusto ko na lamang maging invisible sa kanilang lahat. 

Hinawakan muli nito ang aking kamay bago binuksan ang isang silid na agad kong napagtanto na isang opisina. Inalalayan niya akong maupo sa sofa na gawa sa antique na kahoy at tumabi naman siya sa akin. 

Ilang saglit lang ay narinig namin ang muling pagbukas ng pinto at pumasok si Heneral Orlando kasunod si Donya Esperanza, naupo sila sa katapat naming upuan na gawa din sa antique. 

Muling bumukas ang pintuan at pumasok naman sina Dayanara at Margarita na hindi maitsurahan. Saglit kaming nagkatinginan ngunit ito na ang unang nag-iwas tingin.

"Ah sa labas na lang siguro ako" saad nito kay Dayanara na napakunot noo sa inakto nito.

"Ano ka ba Margarita ayos lang na nandito ka rin tutal para ka na rin namang parte ng pamilya namin" tugon pa dito ni Dayanara na nagbigay ng kung anong kirot sa aking puso. 

"Dayanara at Margarita diyan na lang muna kayo sa labas. Kami lang ang mag-uusap na apat" maotoridad na saad sa kanila ni Heneral Orlando kaya naman nakasimangot na tumalikod na lamang si Dayanara bago inakay si Margarita na nakatungo lamang sumunod sa kaniya.

Isang pagtikim mula kay Heneral Orlando ang nagpabalik sa atensyon ko, napaayos ako ng pagkakaupo at muling bumalakid ang kaba na kanina pang nadarama.

Kumalma lamang kahit papaano ang aking sistema nang muling hawakan ni Lucio ang kamay ko at nang tingnan ko siya isang positibong ngiti ang iginawad niya sa akin. 

"Kailan pa kayo nagkitang muli?" seryosong tanong nito dahilan kung bakit maagaw na naman niya ang atensyon namin. Bahagyang namula ang aking pisngi nang mapagtantong nakatingin pala silang dalawa ni Donya Esperanza sa kamay naming magka-intertwined!

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon