Kabanata 54

1.3K 83 28
                                    

Pagtuligsa at ang Bagong Bihag

Batid kong hindi ako makakatulog buong magdamag kakahintay sa pagbabalik nina Simon at umaasa ako na kasama nila si Señor Rafael.

Hatinggabi na at kasalukuyang nahihimbing na ang lahat ng aming kasamahan, ako na lamang siguro ang nanatiling gising dito sa labas ng kubo at tanging kuliglig lamang ang naririnig kong tunog sa paligid habang ang buwan naman ang siyang natatanging nagbibigay liwanag sa akin.

Nahiga na lamang ako sa damuhan upang mas mapagmasdan ang kagandahan ng kalangitang napupuno ng bituin.

Kailan kaya magiging sing payapa ng mga bituin sa kalangitan ang buhay ko?

Namalayan ko na lamang ang aking sarili na unti-unting kinakain ng antok habang iniintay pa rin ang pagbabalik nina Simon.





"Tinang"

"Tinang gising!"

Nagising ako sa malakas na pagtapik ni Acong sa aking balikat. Muka-mukat akong napatingin sa kaniya na karatig din pala si Yano.

"Bakit dito ka natulog? Tumayo ka na jan at madali kang magbihis" nagmamadaling aniya nito. Sa halip na magmadali ay tiningnan ko muna ang kalangitan, mukha namang hindi pa rin sumisikat ang haring araw.

"Anong oras na ba?" tanong ko pa subalit agad ako nitong itinayo na kulang na lamang ay buhatin ako hanggang sa loob ng kubo.

"Wala ng oras para sa iyong katanungan, ikay magbihis na at magmadali ka" asar na asar na saad niyo at pinagtulakan na nga ako sa kubong tinutuluyan namin ni Ising. Agad naman akong nag-ayos ng sarili bago bumalik ulit sa kanila.

"Ano ba kasing problema?" bungad na tanong ko pagkalapit sa mga ito. Sandali akong napatingin sa paligid, teka bakit wala ang iba naming kasamahan? Dapat gising na ang mga ito sa pangunguna ni Tatang Silo na dapat nagpapatuka na ng kaniyang mga alagang manok.

"Nasa malaking kubo na ang lahat at tayo na lamang ang hinihintay" si Yano na ang sumagot. Bigla akong naging alerto.

"Dumating na sina Simon?!" may kagalakang tanong ko na sinagot nito ng pagtango. Hindi na ako nag-atubiling manguna patungo sa pinakamalaking kubo kung saan kami lahat nagpupulong.

Naagaw ko agad ang atensyon ng lahat pagkapasok sa loob. Naupo ako sa katabi ni Ising. Nakangiti sana akong babati sa kanila ngunit ang mga mata nila ay nakatuon lamang sa unahan kung saan nakatayo sina Simon, Mang Lito at Leroy. Wait nasan si Señor Rafael?

Muling bumukas ang pintuan at pumasok sina Yano at Acong na naupo naman sa tabi ko. Doon na nagsimulang magsalita si Simon.

"Buong magdamag namin hinanap si Señor Rafael ngunit hindi namin siya nakita. Ayon sa aming nagpagtanungan, may balita daw sa kanilang baryo na may natagpuang labi ng isang Ginoo na walang pagkakakilanlan dahil sira-sira na daw ang mukha nito. Nung tinanong namin kung san nila dinala ang bangkay nito, ipinatapon na daw ng alperez sa ilog ng mga makasalanan" matapos nitong magsalita naging pagal ang kaniyang boses hanggang sa tumangis na siya sa aming harapan. Wala rin nagawa sina Mang Lito at Leroy kundi daluhan ito.

Natahimik ang paligid at pilit pinoproseso ang kaniyang sinabi.

"M-may hinala kami na ang nasabing labi ay kay S-señor Rafael" dagdag pa ni Simon na siyang nagpatangis sa aming lahat.

Para akong hihimatayin anytime at ang dibdib ko hindi maawat sa sobrang bilis ng pagtibok dahil sa kaba at pangamba.

"H-hindi maaari" tanging nasambit ko habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mata. Naramdaman ko ang pagpispis ni Acong sa aking likuran.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon