Kabanata 59

2K 98 76
                                    

Saria

"Sigurado ka bang ayos ka na Celestina? Maaari namang tumuloy muna kayo dito" nag-aalalang tanong sa amin ni Tiya Delia. Kung inyong matatandaan si Tiya Delia ay ang madreng kapatid ni Ina.

Matapos kasi nung nangyari kahapon sa Real Audiencia, dito muna kami tumuloy nina Acong at Yano. Sobra kaming nagpapasalamat sa maayos na pagtanggap nila sa amin kasama ng mga madre dito sa kumbento.

"Hindi na po Tiya kailangan na rin po namin makauwi kaagad ng Valencia. Batid nyo naman po na kailangan po ulit naming magsimula ulit" tugon ko. Bakas sa mukha nito na ayaw pa kaming paalisin.

"Nais ko sanang sumama muna sa inyo upang matiyak na magiging maayos na nga ang inyong kalagayan, ngunit di ko naman maaaring lisanin ang kumbento lalo't ako na ang nataasang maging punong madre dito" nanghihinayang na aniya pa nito.

"Ayos lamang po Tiya. Ngayon naging malinaw na ang lahat at napatawan na ng karampatang parusa ang totoong may sala ay tiwala na kaming magiging maayos na rin ang lahat" nakangiting tugon ko.

"Basta oras na may kahina-hinala o hindi magandang nangyari, wag kayong mag-aatubiling magtungo dito o sulatan ako kaagad" bakas ang pag-aalala sa tono nito bago niyakap kaming dalawa ni Acong "Kung nabubuhay lamang ang inyong Ama at Ina tiyak na hindi nila hahayaan danasin ninyo ang lahat ng ito" naluluhang dagdag pa nito.

"Naniniwala ako na may dahilan ang lahat ng bagay Tiya. Matapos ang lahat ng nangyari sa amin, natuto akong mas tatagan pa ang pananalig sa Diyos. Bagama't may mga pagkakataon na muntikan na rin akong sumuko ngunit sa huli kailanman ay hind pa rin niya ako pinabayaan" madramang tugon ko pagkakalas ng yakap sa kaniya.

"Tunay na hindi pinapabayaan ng Panginoon ang kaniyang mga anak na nangangailangan ng kaniyang tulong. Bagamat sa buhay natin hindi puros saya at kaligayahan dahil talagang dumarating ang unos at pilit tayong sinasalanta. Hindi ipinangako ng Diyos na magiging madali ang lahat ngunit kung mananalig ka hanggang sa huli at basta malaki ang tiwala mo sa kaniya, tiyak na magiging ligtas ka kahit gaano man kahirap ang maging sitwasyon mo sa buhay" tugon nito habang nagpupunas ng luha sa mata "O siya kaawaan kayo ng Diyos at mag-iingat kayo pag-uwi. Sa susunod na linggo susubukan kong magpadala ng sulat sa punong madre kung saan naroroon ang inyong ate Flordeliza. Baka sakaling mapakiusapan ko silang dito na lamang ito madestino sa malapit"

Muli kami nitong niyakap pagkatapos ay inihatid na kami hanggang labasan ng kumbento kung saan nakaabang na ang kalesang naghihintay sa amin.

"Mauna na po kami Madam Delia at marami pong salamat" saad ni Yano pagkatapos magmano kay Tiya Delia.

"Padalahan niyo kaagad ako ng sulat pagkabalik ninyo sa inyong hacienda" muling paalala nito bago tuluyan na kaming nakasakay ng kalesa. Di nagtagal ay pinaandar na rin ito ng kutsero. Kapwa nakatanaw nalamang kami kay Tiya na hindi pa rin umaalis sa pinagkakatayuan habang pinagmamasdan din ang papaaalis ng aming kalesang lulan.

Sana naman tapos na unos na aming haharapin sa pagkakataong ito.

Sa totoo lang ngayong nabunyag na ang katotohanan na ang nasa likod pala ng lahat ng krimen at kamalasang pinagdaraanan namin ay si Tiyo Ferdinand kahit papaano ay nabunutan ng tinik ang aking dibdib. Ganun paman nandito pa rin ang sakit because the damge has been done. Kailaman lahat ng buhay na nawala ay hindi na maibabalik pa at lahat ng kasamaang ginawa niya ay nakatanim na sa alaala ng lahat.

'Magpatawad at ika'y patatawarin. Sinumang anak ng Diyos dapat marunong magpatawad. Dahil kung hindi mo kayang patawarin ang iyong kapwang nagkasala sa iyo, anong pinagkaiba mo sa mga masasamang taong kinasusuklaman mo?'

Muling nag-flashback sa aking isipan ang mga huling salitang ipinabatid sa amin ni Tiya Delia isang gabi bago kami umalis.

Pero kagaya ng laging pinapaalala nito sa amin, kahit gaano pa naging masama sa amin ang mundo at ang isang tao dapat hindi kami matutong magtanim ng galit. Gawin namin magandang halimbawa ang ginawa ng Panginoong Hesus na sa kabila ng pasakit na ibinigay sa kaniya ng mundo, sa huli nagawa pa rin niyang magpatawad.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon