Kabanata 36

1.7K 98 48
                                    

Muling Paglisan

"Nahanap mo ba ulit ang sarili mo?" tanong ko dito habang nakaakbay siya sa akin, akoy namay nakasandal sa kaniyang dibdib at nakayakap  sa kaniyang beywang. Nakaupo kami ngayon sa isang bench tinatanaw ang magandang paglubog ng araw.

Humalik muna ito sa aking ulo bago tumugon.

"Oo sapagakat nahanap ko na muli ang daan pabalik sa iyo"

Hindi ko naiwasang mapahagikgik at mas lalong sumandal sa kaniyang dibdib. Ang bango-bango ni Lucio!

"Marami akong napagtanto, tama ka Senyorita, masyado na nga akong nabulag sa pag-aasam na makuha ang basbas ni Ama at hindi lamang yun marahil talagang uhaw ako sa kaniyang atensyon kung kayat kahit batid kong mali na ang kaniyang pinapagawa ay nagagawa ko pa rin siyang sundin" aniya nito.

"Ano na ngayon ang balak mo?" tanong ko.

"Nagpasa na ako ng papeles sa gobernadorcillo at maging sa gobernador-heneral na tumatalikod na ako sa aking tungkulin bilang Heneral" tugon nito at doon ako napaalis ng pagkakayakap sa kaniya.

Ano daw!?

"Umalis ka na sa iyong trabaho?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango naman ito na pawang natatawa sa aking reaksyon. Muli ako nitong niyakap at hinalkan sa noo.

"Naisip ko lang na dahil sa pagiging heneral ko kung kaya't nahahawakan ako ni Ama sa aking leeg. Kaya naman kung ito ba lamang ang tanging solusyon upang makaalis sa kaniyang masamang hangarin ay hindi ako mag-aatubiling talikdan na lang maski ang aking sariling trabaho" tugon pa nito na akala moy hindi big deal ang lahat.

But it is! Ito ang pangarap niyang pinaghirapan sa matagal na panahon, bakit niya kailangan umalis?

"At isa pa Senyorita, higit sa lahat naisip ko rin na lumagay na sa tahimik na buhay kasama ka at ang magiging mga anak natin sa hinaharap. Aayusin ko na ang kasal nating dalawa hindi na ako makapaghintay pa hanggang Disyembre. Ang mawalay ka sa akin ay talagang higit pa sa pagsugod sa gyera, mas ikakamatay ko pa ang hindi ka makita ni masilayan man lamang sa isang araw" dagdag pa nito sabay iniharap ako sa kaniya upang malaya kaming magkatitigan sa isa't-isa.

Naisip ko rin na tama rin ang kaniyang pasya, hindi ko na nais na malagay pa sa panganib ang kaniyang buhay dahil sa pagiging Heneral niya, ayokong matulad siya sa nangyari kay Ama.

"Magsisikap ako at kahit anong trabaho ay hindi ako mag-aatubiling pasukin basta marangal para sa ating dalawa. Nais kong magsimula tayo sa simpleng buhay na kasama ka" sinserong saad pa nito. Unti-unti nang lumalapit ang mukha niya sa akin nang tumukhim ako.

"Ehem"

Dismayado itong napakamot sa kaniyang ulo na parang pinagkaitan ng kendi.

"Senyorita naman e" nagmamaktol na saad nito. Natatawa akong napairap sa kaniya.

"Sinong may sabing pwede mo na akong halikan?" pakipot na tanong ko.

"Ligawan mo muna ako bago mo makuha ang aking oo" saad ko pa saka nauna nang tumayo at naglakad papalayo sa kaniya.

"Senyorita naman e" dinig kong reklamo pa nito at hindi ko naiwasan ang matawa.

Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako karupok at ka-easy to get pagdating dito kay Lucio. Nung unang nagtapat siya nakuha na niya agad ang first kiss ko tas kami na kaagad at ganun din nung second time. Masarap din naman sa pakiramdam na magpakipot at pinaghihirapan din minsan ang matamis mong oo.

Excited na ako kung paano manuyo at manligaw ang isang Lucio Villafuerte. Pero all in all, masaya lang talaga ako na makakapagsimula na kami sa simpleng buhay na aking pinapangarap basta kasama siya.



Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon