Kabanata 31

1.8K 85 84
                                    

Pag-aalinlangan

"Sigurado ka ba Tinang na hindi mo muna nais pakasalan si Lucio hanggat walang basbas ng kaniyang pamilya?" pang-ilang ulit ng tanong sa akin ni Acong. Nakwento ko kasi dito ang naging engkwentro ko sa pamilya nito at maging ang kondisyon ni Lucio.

Nanatili naman ang aking mata kay Lucio na ngayon ay abala sa pag-iigip ng tubig.

"Oo Acong, hindi ko nais na magkaroon ng malaking pagsisisi sa kaniyang puso sa bandang huli. Ayokong malayo ang kaniyang damdamin sa kaniyang pamilya dahil lamang sa akin" malungkot na tugon ko.

"At sa tingin mo kapag nagpaka-martir ka na naman ay magugustuhan ka na nina Don Orlando para kay Lucio? Tinang  nauunawaan ko ang iyong pinupunto ngunit masyado kang mabait, nasa iyo na hindi mo pa itali upang hindi makawala" patalinghanggang dagdag pa nito.

Napabuntong hininga na lamang ako habang hindi parin naalis ang tingin kay Lucio na naglalakad na papalayo sa amin upang muling umigip ng tubig sa balon.

"Kung ang isang bagay ay para sa iyo talaga, kailangan mong magtiwala na babalik at babalik ito sa iyo anu't-anupaman ang mangyari. Ang nais ko lang naman ay malaya kaming magmahalang dalawa ni Lucio pero kailangan ko ring isa-isip na may mga tao pa ring parte ng aming buhay" tugon ko pa.

"Maiba ako ano ng plano ninyong dalawa? E mahigit isang linggo na kayong nanatili dito sa bahay. Wala bang trabaho iyang si Lucio?" pag-iiba nito ng topic.

"Hindi ko din alam e, wala naman siyang sinasabi o ano" pagpapatotoo ko dito.

Sa loob ng isang linggo nanatili kaming dalawa sa bahay. Ilang araw ko ng tinatanong kung wala pa siyang balak bumalik sa trabaho pero laging iniiba niya ang usapan. Minsan nga kinakabahan ako at baka pinatanggal na siya bilang Heneral.

"Bukas aayain ko siyang magtungo sa kabisera. Pakiramdam ko natatakot lamang siyang malaman kung may trabaho pa ba siyang babalikan o wala na" tugon ko.

Kinabukasan, hindi ako nagdalawang isip na ayain nga si Lucio papuntang Kabisera.

"Sige na Lucio, kailangan kong mamili ng rekado para sa ating kakainin mamayang tanghalian at hapunan" pangungumbinsi ko dito.

"Senyorita hindi ba pwedeng dito na lang sa may talipapa ka mamili ulit gaya dati?" tanong pa nito at halatang ayaw na ayaw niya akong samahan.

"Kulang kasi ang mabibili doon at isa pa kailangan ko ring dumaan sa Hotel de Kalilaya para makamusta naman sina Amelia at Nila" desperadang pangungulit ko dito. Ilang minuto itong nag-isip at talagang akala mo big deal ang aking kahilingan.

"Sige, mabuti pa'y kay Yano nalang ako magpapasama" saad ko pa at akma na sanang tatalikod nang magsalita ito.

"Bakit sa kaniya ka magpapasama, siya ba ang kasintahan mo?" naiiritang tanong nito.

"E sa ayaw mo akong samahan, edi si Yano nalang ang aking aayain para hindi ka na maistorbo" tugon ko habang napa-irap sa kaniya.

"Sinong may sabing ayaw ko?"

"E hindi ka nagsasalita tapos panay ang pagdadahilan mo, edi malamang ayaw mo" asar na sagot ko.

"Aish maiwan ka na nga dito!" dagdag ko pa.

Aalis na sana ako nang hawakan ako nito sa braso. Taas kilay akong lumingon sa kaniya.

"Ako lamang ang dapat mong isama kahit saan" desididong saad nito bago hinila na ako papaalis ng bahay. Ngiting tagumpay akong naglakad kasabay niya. Haha

Si Yano lang pala ang paraan para mapapayag ang isang toh. Hays hanggang ngayon para parin silang ewan dalawa, hindi nagpapansinan kaya nga hanga ako kay Acong kung paano napapakisamahan itong dalawa niyang kaibigang hindi magkasundo.


Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon