Kabanata 46

1.3K 81 39
                                    

Kaarawan ng kamalasan

"ANONG IBIG SABIHIN NITO?" malakas na sigaw ni Donya Veronica ang pumailanlan sa paligid dahilan upang matigilan sina Dayanara. Nung sandaling makita niya kami na nakatingin sa kanilang dalawa ni Don Thomas, bumalatay ang pagkabalisa sa kaibuturan nito.

"KAILAN KA PA NAGTATAKSIL SA IYONG ASAWA THOMAS!?" dagdag katanungan pa ni Donya Veronica at sa reaksyon nito parang aatakihin siya sa nerbyos anytime.

Kapwa natameme ang dalawa at hindi makatingin sa aming lahat. Si Don Thomas ang unang naka recover.

"I-ina magpapaliwanag po ako sa inyong lahat" sabi nito ngunit bago pa man siya makalapit, isang babae ang mabilis na sumugod kay Dayanara..si Ginang Marina ang ina ni Margarita!

"Walang hiya kang kerida ka! Ang kapal ng mukha mo!" galit na galit na sigaw nito habang patuloy sa pagsabunot kay Dayanara.

Mabilis kumilos sina Don Thomas at Don Victor upang silay awatin.

"Marina tama na iyan!" sigaw ni Don Thomas sa asawa pagkatulak dito at dahil doon isang napakalakas na sampal ang iginawad nito sa kaniya.

"Walang hiya ka Thomas ako pa ang babaliktarin mo, iyon pala ikaw itong may keridang mas bata pa sa iyo ng ilang taon! Mga hindi na kayo nahiya gobernadorcillo ka pa naman!" malakas na sigaw nito sa mukha mismo ni Don Thomas, hindi kaagad nakagalaw ito kaya naman malaya siyang pinag sasampal ni Ginang Marina.

"Hindi ka na naawa sa akin, ginamit mo lang ako upang pagtakpan iyang kababuyan ninyo ng iyong kabit" puno ng hinanakit na aniya nito at hindi na maampat sa pagluha nasa ganoon silang sitwasyon ng mula sa di kalayuan sumigaw si Margarita. Kadarating lamang nito at nung mapagtanto kung ano ang nangyayari, walang anu-anong nabitawan niya ang mga bitbit na pinamili upang awatin ang ina.

"Ina tama na iyan. Nadala lamang sila sa kanilang bugso ng damdamin" sabi nito sa Ina habang niyayakap ng mahigpit. Doon natigilan ang Ginang.

"ALAM MO MARGARITA ANG TUNGKOL SA KANILANG PAGTATAKSIL?" sigaw nito sa anak, hindi kaagad nakasagot si Margarita at lumuha na lamang habang tumatango. Sa isang iglap isang malakas na sampal mula sa kaniyang ina ang tinamo nito.

"Isa kang walang kwentang anak!" sigaw pa nito bago nagtatakbo na paalis. Lumuluha man ay kaagad itong hinabol ni Margarita.

"NGAYON DIN IPINAG-UUTOS KO NA TAWAGIN ANG PAMILYA VILLAFUERTE UPANG PAG-USAPAN ANG TUNGKOL SA BAGAY NA ITO" buong awtoridad na utos ni Donya Veronica na kaagad sinunod ni Don Victor at dali-dali itong nagtatakbo paalis.






Nandito kami ngayon sa salas at talagang ramdam na ramdam ko ang bigat ng atmosphere.

Hindi nagtagal, isang kalesa ang tumigil sa labas ng mansyon, agad kong nabatid nandito na ang pamilya Villafuerte.

"Tinang ano ba talaga ang nangyari?" bulong sa akin ni Acong at mukhang nararamdaman na rin niya ang aking nararamdaman.

"Malalaman mo rin Acong" mahinang tugon ko. Hindi kasi nila naabutang tatlo nina Tala at Elio ang scene kanina kaya naman clueless sila.

Nanahimik na lamang ito sa aking tabi ngunit ang mata ay na kay Dayanara na patuloy parin sa pag-iyak habang ang katabi nitong si Don Thomas ay wala man lamang reaksyon.

"Ah Donya Veronica siguro mas mabuti pa siguro ay umalis na muna kami upang maayos ninyong dalawang pamilya ang problema" naiilang na paalam ni Tiya Flora dito.

"Hindi Donya Flora, mas mainam kung ang pamilya ninyo ang magiging saksi sa anumang pag-uusapan naming pamilya tungkol sa problemang ito" maotoridad na aniya pa nito kaya naman walang magawa si Tiya kundi maupo na lamang ulit sa karatig upuan ni Tiyo Ferdinand.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon