Tipaklong
Maaga palang ngunit sambakol na ang mukha ko. Bukod sa hindi maganda ang gising ko, naaasar din ako sa lahat ng bagay. Ang panget ng lahat!"Marahil ika'y dinatnan na para sa buwang ito kaya ka ganiyan ngayon" natatawang komento ni Amelia habang lulan kami ng kalesa at kung saan kami tutungo ay walang akong ideya. Lalo pa't andun si Lucio. Geez mas lalong nag-iinit ang aking ulo kapag naalala ko ang sinabi nito kay Amelia na isama ako lagi tuwing magkikita sila. Aish!
Hindi ako nagsalita buong byahe at hinayaan na lamang ako ni Amelia since good mood siya. Sana all talaga nasisiyahan sa lakad na ito!
Di naglaon ay tumigil kami sa harapan ng isang parke na napupuno ng naggagandahang tanim ng iba't-ibang uri ng bulaklak.
Nauna akong bumaba ng kalesa sunod si Amelia na inalalayan pa ni Mang Kadyo pagbaba.
Di kalayuan natanaw ko na ang isang lalaking matiyagang naghihintay sa may pinakang gitnang isle dito sa taniman ng bulaklak. Sakto namang napatingin ito sa gawi ko kung kaya nagkatinginan kami at biglang lumawak ang ngiti sa mga labi nito. Namumula akong nag-iwas tingin. Damn you Lucio!
"Heneral Lucio! Nauna ka pala sa amin ngayon dito" biglaang sabi ni Amelia habang naglalakad papalapit dito. Lumihis ako ng daan at pumwesto sa mas malayo sa kanila.
Nagtaka ako kung bakit biglang natahimik ang dalawa yun pala ay nakamasid kung saan ako pupunta.
"Maguuli-uli lamang ako sa paligid" paalam ko pa at nakangiting tumango sa akin si Amelia habang si Lucio biglang nangunot ang noo. Deadma akels.
Kahit papaano nag-eenjoy ako sa pagtingin-tingin sa magagandang bulaklak lalo na sa gumamela. Biglang nanariwa sa aking alaala noong bata pa lamang ako ay mahilig akong ipasyal nina Ama at Kuya Fabio sa may taniman ng may iba't-ibang kulay na gumamela. Tapos ginagawa kong palobo na siyang kinahanggan sakin nina Ate Anatalia pati ni Ate Flor dahil hindi nila alam kung paano ko iyon ginagawa habang si Acong walang ginawa kundi agawin sa akin ang laruan ko.
Hays memories. Kung pwede lang sanang ibalik ang lahat sa dati..
"Tapos maaari din kitang ipasyal sa aming nayon sa Sugbu" narinig kong saad ni Amelia habang papalapit silang dalawa ni Lucio sa gawi ko. Bwiset lumayo na nga lumalapit pa sila!
Wala tuloy akong nagawa kundi lumayo at maglakad papalayo sa kanila. Tss. Ngunit nanadya yata at kung saan ako magtungo dun din sila pupunta. Kaya sa huli ayun naupo na lamang ako sa may bermuda grass at tumalikod sa kanila. Binigyan na nga privacy, ayaw pa!
"Ang paborito ko talagang bulaklak ay rosas" Ani pa ni Amelia. Akala ko maglalakad sila ulit ngunit narinig kong nagsalita si Lucio.
"Dito na lang siguro tayo maupo"
Napairap na lamang ako sa ere dahil batid kong ilang metro lamang ang layo nila sa akin. Kaya naman dinig na dinig ko lahat ng pinag-uusapan nilang dalawa.
"Ikaw naman Ginoo magkwento ka naman ng tungkol sa iyo. Lagi nalang ako e" nagma-maktol na sabi pa ni Amelia.
"Ano ba nais mong malaman?" para akong kinilabutan sa tono ng pananalita niya. Geez!
"Lahat-lahat" walang alinlangang tugon nito. Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa ni Lucio. Tawa pa more!
"Magtanong ka na lamang binibini at aking sasagutin" ani pa nito.
"Sigurado ka ha, kahit ano" paninigirado pa nito.
"Kahit ano" matapang na saad nito. Mejo nakuha nila ang atensyon ko kung kaya makikinig akong mabuti sa itatanong ni Amelia.
BINABASA MO ANG
Camino de Regreso (Way back 1896)
Historical FictionIkalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta ako sa sinaunang panahon, namulat ang aking puso't-isipan. Lahat ng aking nasaksihan trahedya, kasawi...