Kabanata 55

1.3K 86 37
                                    

Buhay kapalit sa buhay

Walang pagsidlan ang takot sa aking dibdib habang tinatahak namin ang daan pabalik sa kampo. Hindi ako mapakali habang pinagmamasdan si Lucio na higit-higit ng dalawang kalalakihan upang makasiguro na hindi ito makakatakas, nakasunod sila kay Leroy na nangunguna nang maglakad.

Bigla akong napatigil sa pagsunod sa mga ito nang tumigil si Yano sa paglalakad. Napabuntong hininga naman itong tumingin sa akin.

"Hindi ka dapat magpahalata na kakilala mo siya mamaya sa harapan ng lahat" mariing aniya nito bago nagpatuloy na rin sa paglalakad.

Iyon ang dapat kong gawin ngunit ang puso ko ay hindi maipagkukubli ang totoong nadarama.

Mas lalong walang pagsidlan ang takot na namamayani sa aking dibdib nang salubungin kami ng aming mga kasamahan sa pangunguna ni Señor Rafael na may tangay na tungkod sa kanang kamay.

Agad kong nakita si Acong na sanay lalapit na sa amin nang mapatda sa kaniyang kinatatayuan nang mapatitig kina Lucio.

"Señor Rafael ikinalukungkot kong ipabatid na hindi na namin nahanap pa ang binatilyong anak ng gobernador ngunit heto naman at nahuli namin ang itinuturing na pinakamalakas at pinakamagiting na heneral sa lalawigan ng Valencia" proud na aniya ni Leroy dito. Hindi ko naman mabasa ang nasa sa isip ng Senor dahil pawang malalim ang iniisip nitong nakatitig sa kanila.

"Ano po ang gagawin namin sa kaniya Señor?" tanong naman nung lalaking nakahawak sa kaliwanag braso ni Lucio, tilay nangangalay na rin ito dahil kanina pa nila itong inaakay.

"Patayin dapat ang heneral na iyan!" sigaw naman ng mga kalalakihan na sinang-ayunan ng mga karatig nito.

"Oo nga iyan ang dahilan kung bakit namatay ang aming mga asawa!" sigaw din nung matabang lalaki na aking naalalang minsan ko na nang nakasagutan dahil sa pananakit nila kay Elio.

Hindi ko alam ang gagawin at sa sobrang kaba, takot at pag-alalala ay napatungo na lamang ako habang pilit ikinukubli ang pagnanais na maluha sa sitwasyon. Diyos ko po.

"Binibining Celestina at Ginoong Cypriano ano naman ang ginagawa ninyo sa labas dis oras ng gabi?" biglaang tanong sa amin ni Tatang Silo dahilan upang malipat sa akin ang atensyon ng lahat. Nangangatal ang aking labi sa sobrang tensyon na nadarama, idagdag pa na hindi nagpa-function ang utak ko ngayon upang makaisip ng idadahilan sa kanila.

"Oo nga naman mga taksil"

"Siguro sila ang nagpatakas sa bihag"

"Dapat talaga pinapaalis na ang mga iyan sa kapatiran at malas"

Muling umingay ang paligid at ang iba ay hinuhusgahan na kaagad kami kahit hindi pa naririnig ang aming dahilan.

"Manahimik ang lahat!" seryosong aniya ni Señor na kinatahimik nga ng lahat. Bumaling ito kina Leroy at sa dalawang may hawak kay Lucio "Ikulong na muna siya sa kubong dating pinagdalhan sa anak ng gobernador. Bantayan ninyo siyang maiigi at tiyaking hindi makakatakas at bukas natin pag-uusapan ang gagawin sa kaniya"  bilin nito na tinanguan nila. Muling nagbalik sa amin ang mata ni Señor.

"Maaari ba namin mahingi ang inyong panig kung ano ang inyong dahilan at nasa labas kayo ng kampo ganitong oras?" seryosong tanong nito, agad akong napasulyap sa reaksyon ni Yano ngunit nanatili lamang itong kalmado.

"Paumanhin Señor ngunit nagkataon na akoy naalimpungatan lamang dahil may kung anong ingay ako narinig mula sa labas ng kampo. At bago pa man masilip ang nangyayari doon ay nakita kong pawang natutulog lamang ang iyong inatasan na magbabantay sa bihag.  Huli na nung aking mapagtanto na itoy nakatakas kaya naman kaagad kong ipinabatid ito kay Celestina na nooy natutulog lamang sa ilalim ng puno. Ako po ang magsama sa kaniya palabas ng kampo upang habulin at hanapin si Elio ngunit sa kasamaang palad siya namay nahuli ng Heneral na balak pang tumakas kung hindi pa namin nakitang nagtatago sa mapuno at madilim na bahaging lugar" mahabang paliwamag nito. Napapikit na lamang ako at nagdadasal na sanay paniwalaan nila ang sinabi nito. Gusto ko ring purihin si Yano sa galing niyang mag-isip ng idadahilan at bukod pa doon hindi siya kababakasan na nagsisinungaling lamang.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon