Nobyo
Madaling araw pa lamang ay nakiusap na ako sa kutsero ni Nila na kung maaari akong ihatid sa Casa Villadiego. Mabuti at hindi ito nag-atubiling pumayag sa aking pakiusap.Hindi na ako nakapag-paalam ng husay kay Nila dahil umuwi daw ito sa kanila, gayundin naman kay Amelia dahil mamaya pang umaga ang uwi nila ni Don Rodolfo.
Nagpapasalamat talaga ako at araw na ngayon ng Sabado dahil baka ikaloka ko na ng tuluyan kung mananatili pa ako sa Hotel de Kalilaya.
Pinilit kong wag alalahanin ang mga pinagsasabi ni Lucio. Gusto ko muna ng peace of mind.
"Ate mabuti naman at makakauwi na ulit tayo sa wakas" masayang bati ni Tala pagkarating ko sa Casa. Naghihintay na kasi ito sa may labasan.
Pagkababa ko sa kalesa ay agad kong nagpasalamat ang kutsero. Pagkaalis nito ay saka na kami nagsimulang maglalakad pauwi ni Tala.
Tig-isa kami ng lamparang bitbit dahil madalim pa sa daan. Ang aming tahanan ay nakatirik sa may paanan ng bundok. Malayo sa bayan kung kaya ilang oras ding lakarin bago kami makauwi. Wala kaming kapitbahay kung meron man ay malayo ang pagitan.
"Ate maalala ko sa susunod nga pala na Biyernes ay kaarawan ni Binibining Anatalia. Pinapasabi ni Kuya Yano na magpaalam tayo na uuwi sa araw na iyon pagkatapos susunduin niya tayo sa Casa Villadiego mismo"
Tumango ako sa kaniya. Nakakalungkot isipin halos isang taon na palang ang nakakaraan nung nakabalik ako panahong ito. Kung nabubuhay sana si Ate malamang sa susunod na buwan ay kabuwanan na ng kaniyang panganganak. Nakakalungkot isipin na kasabay ng paglipas ng panahon ay paglipas din nating mga tao.
Nang makarating kami sa bahay ay wala pa dito si Acong. Marahil maagang pumasok o hindi pa rin nakakabalik mula sa pagta-trabaho. Maalin lamang ito sa dalawa. Mamaya nga ay kakausapin ko ito ng masinsinan lalo pa't simula nung nabalitaan kong magsasarado ang koprahang pinagtra-trabahuhan niya ay wala na akong balita pa sa kaniya. Gusto kong magtampo dahil mas close pa siya kay Cypriano kesa sa akin. Tss.
Gaya ng inaasahan bago sumapit ang tanghalian nung ito'y dumating.
"Uy tinola ba iyang niluluto mo? Mukhang masarap ah!" bungad na puna nito bago inamoy-amoy pa ang aking niluluto.
Tinampal ko naman ito sa braso at napangiwi naman siya sa akin "aray naman Tinang!"
"Baka mapanis!" reklamo ko.
"Hindi yan mapapanis. Niluluto nga di ba" pagdadahilan pa nito.
"Magpalit ka muna ng damit para makakain na tayo pagkatapos mo" saad ko na lamang.
"Opo Nanang!" Biro pa nito. Akmang ibabato ko sa kaniya ang sandok na aking hawak nang mabilis itong nagtatakbo sa salas habang tatawa-tawa. Hays ang kulit talaga!
"Anong plano mo?" tanong ko kay Acong habang kamiy kumakain na ng tanghalian.
"Plano saan?" naguguluhang tanong pa nito.
Napa-irap ako.
"Malamang sa buhay. Baka nakakalimutan mong sarado na iyong koprahang pinagtra-trabahuhan mo" paalala ko pa.
"Ah iyon ba? Wag kang mag-alala may bago na akong trabaho"
Sandali akong natigilan sa paghigop ng sabaw. As much as possible ayaw ko na siyang magdagdag pa nang trabaho pero dahil kilala ko ang kaniyang ugali, batis ko na hindinsiya papayag sa aking nais. Minsan ang pagiging ulira ay hindi rin maganda.
"Ano namang trabaho? Baka ilegal iyan, naku Acong sinasabi ko sa iyo. Ako mismo ang magkukulong sa iyo pagnalaman-laman ko!"
"Anong ilegal? Hoy para sabihin ko sa iyo Tinang na marangal ang trabaho ko" defensive na saad nito.
BINABASA MO ANG
Camino de Regreso (Way back 1896)
Historical FictionIkalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta ako sa sinaunang panahon, namulat ang aking puso't-isipan. Lahat ng aking nasaksihan trahedya, kasawi...