Nagbago
Isang pambihirang ngisi ang natanggap ko mula kay Yano. Tumingin na lamang ako labas ng kalesa upang hindi niya mahalata na apektado ako. Sheda!Pero alam ko na sa talino niyang yan, imposibleng walang tumatakbo sa utak niya. Malamang alam na niya o kaya may hinala na siya sa nangyayari ngayon.
Napansin ko ang paninitig sa akin ni Tala kaya isang masamang tingin ang pinukol ko dito. Nobya pala ni Yano huh!
"Ate patawad, hindi ko talaga sinasadya. Nagkataon lamang na wala na akong maisip na idadahilan at kitang-kita ko base sa reaksyon mo kanina na wala ka ring maisip. Kaya nakisabat na ako sa usapan" saad nito pero hindi ko pa rin siya pinansin.
"Naisip ko kasi na kung sasabihin kong magnobyo kayo ay hindi na siya magtatanong ng kung anu-ano pa" dagdag paliwanag pa nito. Naluluha na ang mata nito bagay na nagpalambot sa aking puso.
"Sige na basta sa susunod wag kang basta-basta sasabat sa usapan ng matatanda" payo ko pa dito. Nangingiti naman itong yumakap sa akin.
"Salamat Ate" saad pa nito.
Ilang minuto ang nakalipas at nakatulog si Tala. Bahagya kong inayos ang pwesto ng pagkakaupo nito upang hindi mahulog sa kaniyang kinauupuan.
"Totoo talaga ang kasabihan na mapaglaro ang tadhana" biglaang saad ni Yano. Napatingin ako sa gawi nito pero nanantili ang mata nito sa daan.
"Sinong mag-aakala na sa layo ng Valencia dito pa sa lalawigan na ito, ay pagtatagpuin parin kayo ng tadhana" komento pa nito habang seryosong natatawa sa sariling sinabi.
Hindi ako nagsalita at mas itinuon na lamang ang pansin sa daan. Buti at hindi na ito nagsalita pa.
"Mukhang kagagaling mo lang sa trabaho" pag-iiba ko ng usapan. Napansin ko kasi ang pagkabagot nito at kesa kung anu-ano ang sinasabi ay ako na ang nag umpisa ng usapan.
"Oo. Dito na ako dumiretso kaagad pagkagaling sa mababang hukuman" tugon nito.
"Aking natitiyak na naipanalo mo na naman ang kasong iyong hawak" siguradong-siguradong saad ko. Ngumisi naman ito.
"Diyan ka nagkakamali" sagot nito. Nagtaka pa ako sapagkat walang bakas ng galit o lungkot sa kaniyang reaksyon
"Ha? Natalo ang kasong hawak mo? Paano nangyari iyon?" tanong ko pa. Aba kasi sobrang big deal na si Atty. Cypriano de Luna ay natalo sa kasong kaniyang hawak! As far as I remember lahat ng hinahawakan niya ay naiipanalo at never siyang natalo ng ibang abogado.
"Sapagkat ninais ko talagang ipatalo ang kasong hinawakan ko" tugon nito na parang casual lamang ang nangyari.
"Bakit naman?"
"Hindi ko nais makalaya ang isang buwayang mapagpanggap" tugon nito na mas pumukaw ng atensyon ko. Napansin nito ang reaksyon ko bahagyang natawa pero ipinagpatuloy ang kwento.
"Isang cabeza de barangay ang aking kliyente. Kinasuhan siya sa kasong paniningil ng sobra-sobrang buwis mula sa mga magsasaka at bukod doon, ginugulangan niya ang mga ito. Kahit tapos na sa bayaran ang mga ito ay sinasabi niyang hindi pa sapat ang bayad at kapag nagreklamo ay pinagbabantaan na kukunin ang lupang pinag sasakahan sa mga ito"
Nakaramdam ako ng galit sa cabeza na iyon! Anong karapatang meron siya upang perahan at gulangan ang mga magsasaka gayong nagtra-trabaho ang mga ito upang may maisustento man lamang sa kanilang pamilya!
"Nararapat lang talaga sa kaniya na makulong habambuhay" galit na galit na wika ko.
"Kaya nga kahit pangalan ko ang nakataya ay hinayaan ko na. Ayos lang din minsan na maranasan ko ang matalo sa kasong hinahawakan" sambit nito. Hanep din ang yabang niya!
BINABASA MO ANG
Camino de Regreso (Way back 1896)
Historical FictionIkalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta ako sa sinaunang panahon, namulat ang aking puso't-isipan. Lahat ng aking nasaksihan trahedya, kasawi...