Kabanata 44

1.5K 104 49
                                    

Salarin

Ano daw? Naging sila noon ni Kuya Fabio? Grabe kay liit talaga ng mundo!

"P-paanong..?" hindi na niya ako pinatapos at siya na ang sumagot.

"Madalas noon tumungong palasyo si Fabio at doon kami unang nagkita hanggang sa nagkakilala at mas lumalim ang pagtitinginan namin sa isa't-isa"

"Hindi bat nasa kumbento ka lang?" tanong ko pa. Nagpunas muna ito muli ng luha bago sumagot.

"Nakilala ko siya noong nagkaroon tayo ng bakasyon sa kumbento hanggang sa hindi na nga ako bumalik dahil nakilala ko si Fabio at batid ko na akoy umiibig na sa kaniya" pag-amin nito. Wala na akong maisip na sabihin o itanong basta napatulala na lamang ako sa imahe ni Kuya.

"Nakakatawa nga e, sinong magaakala na ang lalaking aking iniibig ay kapatid pala ng babaeng itinuturing ko na kakumpitensya sa lahat ng aspeto't bagay? Buong buhay ko nasanay ako na ako lamang ang pinakamagaling at hinahangaan sa lahat ngunit simula nung pumasok ka sa kumbento, doon na nagsimula ang munting inggit ko sa iyo. At ngayon lahat nang iyon ay nawala sa isang iglap ng malaman ko na ikaw ang bunsong kapatid ni Fabio. Katunayan niyan nalaman ko lang ang lahat ng iyan nung huling beses kaming magkita kasabay nung araw na inalok niya ako ng kasal at nangakong sa pagbalik niya ay ipapakilala na niya ako sa inyong pamilya. Ang tagal kong naghintay Celestina tapos sa isang iglap ang matatanggap kong balita ay wala nang Fabio pang babalik sa akin dahil kasabay ng pagkawala ng alon sa dagat ay siyang pagkawala ng kaisa-isang taong minamahal ko"

Kapwa kaming lumuluha at hindi ko naiwasang yakapin siya ng mahigpit lalo na nung tuluyan na siyang nagbreakdown sa aking harapan.

"Ang sakit-sakit Celestina. Araw-araw akong pinapatay sa tuwing naalala ang aming masasayang alaalang dalawa tuwing kamiy magkasama minu-minuto akong nananabik at umaasa na kahit imposible ay babalik parin siya sa akin"

Hinayaan ko lamang siyang maglabas ng hinanakit at masinsinang nakinig sa kaniyang hinaing.

"Ilang beses kong hiniling na sanay kunin na lang din ako ng dagat upang kamiy magkasama nang dalawa ngunit lagi akong nabibigo" aniya pa niya at doon ako napakalas ng yakap sa kaniya.

"Nahihibang ka na ba? Alam kong sobrang sakit ng iyong pinagdadaanan ngunit kailanmay hindi solusyon ang pagkitil sa iyong sariling buhay. Lalong hindi matutuwa si Kuya Fabio kung sakaling ginawa mo iyon!" nangangaral na aniya ko na mas ikinalakas ng hagulgol niya.

"H-hindi ko na kaya Celestina e. Sobra na, konting kasiyahan lang naman ang aking hangad pero pinagdamot pa. Ngayon sabihin mo sa akin paano pa ako mabubuhay kung ang kaisa-isang taong nagparamdam sa akin kung paano muling mabuhay ang siyang nawala na nang tuluyan sa akin?"

Hindi ako nakasagot sapagkat hindi ko alam kung ano ang tamang salitang dapat gamitin upang mabatid niya ang aking nais iparating.

"Una, kailngan mong tanggapin na wala na siya at kailanmay hindi na babalik pa" aniya ko, tumingin ito sa akin na parang hindi makapaniwala ngunit inunahan ko na siya sa anumang dapat niyang sasabihin.

"Mahirap dahil masakit isipin na basta mo nalang pakakawalan ang taong pinakamamahal mo ngunit kung hindi mo ito tatanggapin, kailanmay hinding-hindi ka talaga makakausad. Pangalawa, pakawalan mo lahat ng bagay na nag-uugnay sa inyong dalawa dahil paano mo siya makakalimutan kung maging ang kasimple-simpleng bagay ay hindi mo kayang bitawan? Marahil sasabihin mo na madali para sa akin na itoy sabihin sa iyo, ngunit kung hindi mo ito maririnig sa isang taong tulad ko, sa tingin mo ba maliliwanagan ka kung ang taong magbibigay payo sa iyo ay kaparehas mong bigo at nasasaktan? Hindi makakaakay ang bulag ng isa pang kapwa bulag at parehas lamang kayong mahuhulog sa bangin kung ganun, kaya naman ang kailangan mo ay isang taong may positibong pananaw sa buhay upang ikay kanyang magabayan sa tamang daan at landas. Mirasol, kung sakali mang andito si Kuya batid ko na hinding-hindi niya kailanman nanaisin na makitang nasasakatan ang kaisa-isang Binibining kaniyang pinakamamahal lalo na kung dahil sa kaniya. May hangganan ang lahat at tamang oras kung talaga ang dalawang tao ay itinadhana para sa isa't-isa dito man sa lupa o sa langit ngunit sa ngayon kailangan mo munang huminga nang sa ganun ay muling mahanap ang pagmamahal mo sa iyong sarili na siyang unti-unting nawawala sa yo"

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon