Ang mga totoong Salarin
"Tiya bakit naman po nagdesisyon kayo ng lingid sa aking kaalaman?" naluluhang tanong ko pagkapasok na pagkapasok sa mansyon. Matapos kasi ng kaniyang anunsyo kanina ay kaagad ko itong hinigit upang komprontahin.
"Celestina wala namang masama lalo na't parehas kayong binata't-dalaga at isa pa malinaw naman na sinabi sa akin ni Marco na hiwalay na kayo ng iyong nobyo" sagot nito na kina windang kong tunay.
"Kahit na Tiya, kakahiwalay pa lamang naming dalawa ni Lucio at isa pa hindi pa po ulit akong handang pumasok sa isa pang relasyon" pagpapatotoo ko dito.
"Hija ikakasal na kayong dalawa
ni Luis handa ka man o hindi. At isa pa aking natitiyak na mauunawaan niya ang iyong sitwasyon" pagpapakalma pa nito sa akin pero walang epekto. Yun na nga e hindi ako ikinasal sa taong mahal ko tapos iipapakasal naman ako sa iba? What the heck is going on in the world!"Tiya ayoko po at isa pa hindi ko mahal si Luis ayokong umasa siya sa akin" nagmamakaawa nang aniya ko biglang napaltan ng pagkaseryoso ang mukha nitong tumingin sa akin.
"Celestina hindi ba nangako ka na gagawin mo ang lahat ng aking naisin at ito ang aking ipinag-uutos sa iyo. Gusto kong mas mapalalim pa ang samahan naming dalawa ni Don Mauricio at bukod doon, nakaugalian na sa pamilya natin ang palabra de honor. Malaki ang utang na loob natin sa mga Gonzales at kailanman hindi sila nanghingi ng kahit na anong kapalit maliban sa isang bagay at iyon ay mas mapaglapit pa ang mga pamilya natin. Kaya sanay wag nang matigas ang iyong ulo at sumunod na lamang sa amin" maotoridad na saad nito bago ako iniwang mag-isa sa may teresa.
Wala akong nagawa kundi mapatunganga na lamang sa kawalan. Paano na ito ngayon?
Mabuti na lamang at hindi na ulit napag-usapan ang tungkol sa aming pagpapakasal ni Luis dahil nabuhos ang atensyon ng lahat sa gulo sa pagitan ng mga Izquedor at Villafuerte. Hindi ko alam kung matutuwa ba o malulungkot dahil sa kinahantungan ng kanilang dapat masayang samahan.
At ngayon pinulong kami nina Tiyo Ferdinand at Tiya Flora kasama rin si Don Mauricio dito sa opisina noon ni Ama dahil may pag-uusapan daw kaming lahat. Nagtataka nga ako kung bakit kailangan pang kasama kami nina Acong at Luis sa kanilang pinag-uusapan.
"Nasabi nga pala sa akin ni Veronica na nais niyang sampahan ng kaso si Orlando dahil sa pagpapakalat nito ng kasinungalingan at paninirang-puri kay Don Thomas" natatawang kwento sa amin ni Tiya.
Nito kasing mga nagdaang araw kalat ang balita sa buong Valencia ang tungkol kina Don Thomas at Dayanara na mismong si Heneral Orlando daw ang nagpakalat. Yun nga lang ayon sa balitang isinawalat nito ipinabatid niya sa lahat na si Dayanara ay pawang inosente at tinakotlang daw ng Gobernador kaya napilitang makipagrelasyon. Syempre agad siyang pinaniwalaan dahil siya ang Kapitan Heneral ng Valencia at bukod pa doon malakas ang awa ng mga tao kay Dayanara dahil daw sa ito ay menor de edad pa lamang.
"Donya Flora nakausap ko naman si Heneral Orlando at ayon sa kaniya, balak na niyang kumalas sa kanilang samahan ng pamilya Izquedor at sisingilin na rin daw niya ang mga ito sa malaking halagang inutang sa kaniya" dagdag pa ni Don Mauricio.
"Unti-unti silang nasisira dahil sa sarili nilang kasalanan. Nakakatawa lamang na mismong karma na ang tumutulong sa atin" aniya pa ni Tiya. Tanging silang dalawa lamang ni Don Mauricio ang nagsasalita.
"Sa aking palagay ang pagpupulong na gagawin mamaya sa tribunal ay tungkol kay Gobernador Thomas dahil ilang araw na daw nitong hindi nagagampanan ng ayos ang tungkulin" aniya naman ni Tiyo Ferdinand na kinaagaw ng atensyon ng lahat.
"Kung sakaling mapatalsik sa pwesto si Don Thomas marapat lamang na isang tapat at karapat-dapat na opisyal ang pumalit sa kaniya" tugon naman ni Tiya.
BINABASA MO ANG
Camino de Regreso (Way back 1896)
Fiksi SejarahIkalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta ako sa sinaunang panahon, namulat ang aking puso't-isipan. Lahat ng aking nasaksihan trahedya, kasawi...