Bitag
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Halos masuntok ko rin ang manok na tandang sa biglaang pagtilaok nito sa tabi ko na sobrang kinabigla ko. Damn! Where am I?
Hindi ko naiwasan ang mapangiwi dahil biglaang sumakit ang ulo ko sa biglaang pagbangon.
"Tay Gising na ang Binibini!" wika ng isang lalaki na mukhang binabantayan talaga ako.
Naalala ko bigla na dapat nga pala sasaraduhan ko na kagabi ang pintuan nang may pumukpok sa aking batok. Shit! Kaya pala ang sakit din ng batok ko! Fudge!
Teka kung ganun kinidnap ba ako?
Nilibot ko ang tingin sa paligid, nasa may bakuran ako at may isang kubo sa tapat ko. Tatayo sana ako nang mapagtanto ko na nakatali pala ang kamay ko habang ang paa ko sa puno. Wtf, anong tingin nila sa akin manok! At ang mas malala pa di kalayuan sa pwesto ko ay tandang na manok! Like wth talaga!
Mula sa kubo lumabas ang isang lalaki na di ko kilala. Di ko naiwasan ang matakot dahil itsura nito para siyang rebelde talaga! Juskopo!
"Magandang umaga Binibini, akoy humihingi ng tawad sa hindi magandang paraan ng pagsundo namin sa iyo kagabi" aniya nito habang nakangisi sa akin.
"N-nasan ako at anong kailangan nyo po sa akin?" natatakot na tanong ko, mas lumapit pa ito sa akin kaya naman bahagya akong umatras at baka saktan niya ako.
"Wag kang mag-alala hindi ka namin sasaktan dahil iyon ang bilin sa amin ni pinuno" tugon nito sabay kuha sa tandang na manok. Doon lang ako nakahinga ng maluwag nung lumayo na ito habang hawak na ang tandang.
"Pero bakit po ninyo ako ginawang bihag?" kinakabahan man ay naglakas loob na akong itanong. Wala akong maisip na dahilan kung bakit kailangan nila akong kidnapin gayong hindi naman na ako mayaman, wala rin naman ako kasalanan kahit kanino.
"Mabuti pa'y tatawagin ko na si pinuno upang siya na lamang ang magpaliwanag sa iyo" huling saad nito bago naglakad na papasok ng kubo habang hinihimas ang manok.
Di nagtagal mula sa kubo lumabas ang isang may katandaang lalaki na agad kong namukhaan. Siya yung tatay nung lalaking unang nabaril ni Lucio sa kamay dahil sa pagnanakaw!! Kung hindi ako nagkakamali Mang Mando ang pangalan niya.
"Mukhang namumukhaan mo pa ako Binibini" natatawang bungad nito bago kumuha ng bangko at naupo sa may tapat ko.
"M-mang Mando?"
"Ako nga Binibini" nakangiting tugon nito. Sa totoo lang dapat natatakot na ako at naghi-hysterical sa pagkakataong ito ngunit dahil sa mga ngiti niya tilay may kung ano sa akin ang nawalan ng pangamba.
"Ano po ang kailangan ninyo sa akin?"
"Bago ko sagutin ang iyong katanungan, nais ko munang humingi ng tawad sa ginawa ng aking mga alagad sa iyo. Hindi ko inutos na saktan ka kaya naman ako na ang humihingi na tawad para sa kanila" sinserong aniya nito. Binalot ng pagtataka ang aking sistema, sa lahat yata ng nangkikidnap, siya lamang ang narinig ko na humingi ng tawad at hindi lang para sa kaniya kundi para sa kaniyang alagad.
"At para naman sa iyong katanungan, ginawa ka naming bihag sapagkat aming napag-alaman na ikaw ang pinakamamamahal na nobya ng Heneral" dagdag saad nito dahilan upang matigilan ako.
Nais kong magtanong kung bakit at ano ang mapapala nila sa ginawa nila sa akin ngunit hindi ako makapagsalita dahil may mga kasagutan na sa aking utak at natatakot akong makumpirma na dahil lamang ang lahat ng ito sa paghihiganti.
"Alam kong hindi ito nararapat matapos nang iyong kabutihang ginawa sa amin lalo na sa anak kong si Isagani ngunit wala na kaming ibang pagpipilian kundi gawin ito, kaya sanay maunwaan mo Binibining Estiel" aniya nito na nagpabalik sa atensyon ko.
BINABASA MO ANG
Camino de Regreso (Way back 1896)
Historical FictionIkalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta ako sa sinaunang panahon, namulat ang aking puso't-isipan. Lahat ng aking nasaksihan trahedya, kasawi...