Kabanata 39

1.3K 86 46
                                    

Muling pagkita-kita

"Hoy Tinang san mo balak magtungo gayong kabilin-bilinan sa atin ni Tiya Flora na wag muna lalabas ni magtutungo sa Valencia hanggat hindi niya tayo pinahihintulutan?"

Halos gusto kong sapukin ng isa si Acong dahil muntikan ko pant mabasag ang base sa aking tabi dahil sa gulat sa kaniya.

Kahit kailan talaga panira siya!

At hindi pa natinag pilit pa akong iniharap sa kaniya kaya naman naalis ang balabal na nakatakip sa ulo ko.

"Ano wag mo sabihin pupuntahan mo si Lucio? Ganun ka na ba talaga ka lulong sa pag-ibig mo sa kaniya?" paratang pa nito.

Naiiyamot kong tinanggal ang braso na kaniyang kapit. Like srly? Aamin ako sabik na akong muling makita at mayakap si Lucio ngunit sa puntong ito hindi siya ang dahilan kung bakit nagbabalak akong umalis.

"Pwede ba Acong hinaan mo naman iyang boses mo at baka magising si Tala" turo ko sa pintuan ng silid namin nito.

"At isa pa hindi si Lucio ang pupuntahan ko kaya naman hayaan mo na akong umalis at babalik din ako kaagad" aniya ko pa.

"At saan ka naman pupunta kung ganun?" hindi titigil na tanong pa nito.

Sa huli wala akong choice kundi sabihin na rin sa kaniya at para narin makaalis na ako kaagad.

"Pupunta ako sa gubat kung saan n-nawala sina Ina at Ama. Nais ko sanang mag-alay ng panalangin at magtirik na rin ng kandila para sa kanila" malungkot na tugon ko na kinalungkot din nito. Sandali nitong tinakbo ang silid na karatig lamang ng sa amin bago nakabihis nang bumalik.

"Sasama ako" pinal na saad nito at walang anu-anong hinigit na ako paalis ng bahay.

Ang kagubatan na tinakbuhan namin noon upang makatakas mula kina Heneral del Mundo ay matatagpuan sa pagitan ng San Ildefonso at Valencia. Habang  tinatahak ang daan, muling bumuhos sa akij ang masaklap naming pinagdaanan sa lugar na ito.

Parang kahapon lang nangyari ang lahat na hanggang ngayon sariwat parin sa aking alaala ang lahat.

Sandali akong tumigil sa may gitnang bahagi at doon sinindihan ang isang kandila, naupo ako upang itoy itirik doon. Naguguluhang tumabi saakin si Acong at nakitirik na rin ng kandila.

"Dito mismo sa parteng ito nawala si Ina" malungkot na pagbibigay alam ko dito. Tahimik kaming nag-alay ng dasal.

"Ako dapat ang masasasaksak ngunit iniharang niya ang kaniyang sarili upang akoy iligtas" naiiyak na pagkwe-kwento ko pagkatapos hinaplos ang lupa habang inaalala ang pangyayari iyon ng kahapon.

"Salamat Ina bagamat hindi ako totoong nagmula sa iyo ngunit nagawa mo paring ialay ang iyong sariling buhay para sa akin. Pangako Ina hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ibinigay mo sa akin" aniya ko pa bago nagpahid ng luha at ayain si Acong na maglakad sa may dulong bahagi.

Di naglaon natagpuan na namin ang bangin kung saan nahulog ang katawan ni Ama. Muli akong nagsindi ng kandila at naupo upang mag-alay ng panalangin na siya ring ginawa ni Acong.

"Dito naman sa mismong kinatatayuan natin, unti-unti at walang awang pinagbabaril si Ama hanggang sa mahulog ang katawan niya dito sa bangin" pabatid ko dito matapos ang aming pagdadasal.

Hindi ko naiwasang malula habang sinilip kung gaano katarik at kalalim ang banging pinagbagsakan ni Ama. Umagos ang tubig sa aking mata at nanghihinang napasalampak sa damo.

"Ama patawad kung ngayon lang kami nakadalaw, ang dami kasing nangyari matapos nung nangyari sa inyo. Tuluyan ng nawala sa atin ang lahat Ama at tanging ang hacienda de la Serna na iyong iningatan hanggang sa kahuli-hulihan mong hininga na lamang ang natatanging natira. Ama salamat sa lahat-lahat at nais ko ring humingi ng tawad kung hindi ako naging mabuting anak sa inyo noong nabubuhay pa kayo. Pangako Ama gagawin namin ang lahat upang makamit ang hustisya na pilit ipinapagkait sa ating pamilya. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung ano ang puno't-dulo ng lahat ng ito at isinusumpa ko ito sa lugar kung saan kayo mismong binawian ng buhay" mariing saad ko.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon