Chapter 1

109 29 12
                                    

Hera's point of view.

"Oh my gosh!" Malakas na sigaw ni Gail habang salo ang pinsan niyang si Zarrah na girlfriend ni Braide.

Agad na binuhat ni Braide si Zarrah at nilabas sa bar. Maraming tao ang napalingon banda sa amin at gusto pa yatang malaman kung anong nangyari.

Agad akong tumayo dahil sa taranta, nilingon ko si Lloisza na ngayon ay nasa sahig dahil sa pagkakatulak ni Braide.

"Justinne! Si Lloisza pakitayo, iuuwi muna natin 'yan." Sabi ko, tumango naman si Justinne bilang tugon.

"Beh, dalhin na muna namin si Zarrah sa Hospital. Mauna na' ko." Sabi ni Gail na ngayon ay natataranta na dahil sa pagkahimatay ni Zarrah dito sa Bar.

Sumunod sa kanila ang iilan naming mga kaibigan at tanging si Tiffany at si Brent lang ang naiwan upang tulungan kami na asikasuhin si Lloisza. Inalalayan namin si Lloisza patungo sa kotse at tinulungan kami ni Brent at Tiffany sa pag-alalay.

"Sige na. Kami na bahala rito. Puntahan niyo na ron sila Gail." Sabi ko kay Tiffany nang makarating na kami sa kotse.

"Sigurado ka?" Tanong ni Tiffany sabay nilingon ang nobyong si Brent na nagkibit balikat lang.

"Bro, just text us kung anong lagay ni Zarrah." Seryosong sabi ni Justinne sa kapatid niyang si Brent, tumango lang si Brent at tinapik ang balikat ng kaniyang kuya.

"Mag-ingat kayo."

"Kayo rin." Ngiting sabi ni Tiffany sa amin.

Habang nasa biyahe hindi ko maialis ang tingin ko sa mukha ni Lloisza na mahimbing na natutulog ngayon. Hindi maalis sa isip ko 'yong nangyari kanina.

"Hon, mukhang malayo na naman iniisip mo?" Basag ni Justinne sa katahimikan, nandito ako ngayon sa backseat para gabayan ang natutulog na si Lloisza.

"Nagtataka ako sa inakto ni Lloisza kanina? Bakit niya hinalikan si Braide? At sino si Leon?" Inis na tanong ko habang nakatingin sa maamong mukha ni Lloisza.

"Don't stress yourself. Tanungin na lang natin siya kapag nagising na." Anito.

"Naiinis ako. We're friends in almost one year tapos hindi niya pa nakukwento sa akin si Leon." Inis na sabi ko at tumingin na lang sa labas ng bintana.

"Hindi mo naman pwedeng ipilit sa tao na magkwento sa nakaraan niya... Hayaan mong siya ang magkwento."

Napabuntong hininga na lang ako at nanahimik. Hindi ko maiwasan ang magtampo kay Lloisza dahil sa pagtatago niya sa akin, pero tama si Justinne na hindi ko naman pwedeng ipilit sa tao na magkwento siya sa'kin.

Maybe Leon is part of her past. But, I don't know why and don't know the reasons why Lloisza see Leon with Braide. If Leon is her ex, who's Braide with her life? Maybe they knew each other? No. Braide doesn't know her. I can't figure it out!

Nang makarating na kami sa Condo ay agad naming ihiniga si Lloisza sa sofa. Agad kong ni-dial ang numero ng mommy ni Lloisza para ipagpaalam na rito muna sa amin si Lloisza ngayong gabi.

"Hello?"

"Uhm, hi po tita! Si Aprille po ito! Friend ni Lloisza." Nakangiting sabi ko, nilingon ko si Lloisza na kasalukuyang pinupunasan ni Justinne. Nilingon ako ni Justinne ngunit nginitian ko lang ito.

"Ah gano'n ba? Hindi ba makakauwi si Elo? Kanina pa kasi namin siya tinatawagan pero hindi siya nasagot, mabuti naman at tinawagan mo 'ko. Okay lang ba siya?"

Tumango ako at kinagat ang ibabang labi, "Opo tita. Pagod na po kasi siya kaya nandito po siya natutulog. As a concern friend po eh... pinaalam ko na po siya sa inyo."

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon