Chapter 40

24 8 1
                                    

ELLOISZA'S POV

"Sigurado ka ba? Sama na ako." Pagpupumilit ni Hera na sumama sa amin siya ni Scar, pupunta kasi kami sa mall para mamasyal saka isa pa first time pa lang ni Scar na makarating dito sa Pilipinas.

"Hindi na. Busy ka rin diba? Ako na bahala." kindat na sabi ko sa kaniya, umirap lang ito at umalis sa harapan ko para ipagpatuloy ang naiwang trabaho.

"WHATEVER!"

Natawa na lang ako na naiiling sa naging rekasyon ni Hera, "Let's go baby." Pag-aaya ko kay Scar na ngayon ay nakanguso at nakaupo sa couch, hawak nito ang paborito niyang laruan na dinosaur.

"Mom where are we going?" Nakangiting tanong sa akin ni Scar nang makapasok kami sa sasakyan.

"Mall baby, we're going to buy more toys! You want that?" Nakangiting tanong ko habang kinakabit ang kaniyang seat belt.

Agad na nagliwanag ang mukha nito sa sinabi ko, "Really? Yehey! tu es le meilleur!" Masayang sabi niya sa wikang French.

"Thank you baby, you're the best too!" Sabi ko sabay halik sa kaniyang pisngi.

Nang makarating na kami sa mall ay dumoble yata ang kakulitan ni Scar dahil sa bagong lugar na nakita. Panay ito takbo kung saan saan kaya naman naiistress na ako! Sayang ang lipstick kong maroon na napakapal kung magmumukha lang akong yaya ng anak ko!

"Scar! Come here!" Nanlulumong sabi ko at padabog na pinuntahan ito sa isang tindahan ng mga laruan.

"I want it mom! I want it!" Nagtatatalon na sabi nito at kinuha ang isang laruan na umiilaw, hindi ko alam kung anong laruan ang tawag diyan pero umiilaw.

"Fine." Buntong hininga na sabi ko, agad akong nagbayad nang biglang tumakbo na naman si Scar sa malayo. "Keep the change." Nakangiting sabi ko sa tindera at hinabol ang anak.

Mukhang nagkamali yata ako na sinama pa siya rito pero gusto ko kasi siyang ipasyal para naman maging pamilyar na siya kahit papaano.

"Anak naman..." hingal na sabi ko nang mahabol ito, pawis na pawis na rin ito pero di siya makikitaan ng pagkapagod.

"Mom! Hihi..." Aniya at hinalikan ako sa pisngi, lahat ng pagod ay nawala dahil sa halik niyang 'yon.

"Let's eat na muna baby."

Agad na lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko, "Eat? Yey!"

Napagpasiyahan naming kumain sa isang sikat na restaurant, naalala ko na malapit lang to sa Breladinns Restaurant. Kamusta na kaya ang pamilyang Fuentes?

Simula nang manganak ako ay wala ng nababnggit sa akin si Hera tungkol sa mga kaibigan niya. Busy na rin kasi si Hera sa pagtulong sa mga charity, napakabait na babae. Bagay na bagay lang talaga sila ni Justinne.

Habang kumakain si Scar ng inorder kong vanilla ice cream para sa kaniya, ay pinupunasan ko naman ang likod nito at nilagyan ng baby powder ang likod. Ganito pala ang pakiramdam na maging ina, ngayon naiintindihan ko na kung bakit mahirap kapag pinasok ang ganitong responsibilidad.

Pagkatapos kong iretouch ang anak ay oras na para iretouch ang sarili! Nagmumukha akong alalay ng anak ko, napakakulit! Mana yata 'to sa daddy niya! Manang mana kay Braide!

"Baby... I'm going to comfort room. Comportez-vous bien ici?"

(Comportez-vous bien ici? - Behave here okay?)

"Okay...." nakangiting sabi ni Scar habang abala sa pagkain ng ice cream.

Kinuha ko ang aking shoulder bag at mabilis na tumakbo papuntang C.R para magretouch.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon