BRAIDE'S POV"Did you already send the email?"
"Yes sir." Sagot naman ni Lloisza. "You have meeting tomorrow at eight AM." Dagdag pa nito.
Nilingon ko siya. May part sa akin na natutuwa sa ginawa at may part din naman sa akin na naaawa ako sa kaniya. Binigay ko kasi yung kalahating trabaho ko na dapat ako ang gagawa, hindi ko rin pinapasok yung sekretarya ko dahil plinano ko ito.
Nakita ko na busy si Lloisza sa kaniyang ginagawa. Namumungay na ang mga mata nito at buhaghag na nakatali ang kaniyang buhok, but yeah she's still good.
"I need coffee."
Nag-angat siya ng tingin sa akin at tumango na lang, "Okay po sir. Wait lang po." Anito.
Nagtiim bagang ako sa naging sagot niya. Hindi ba siya maiinis? Magagalit? Magrereklamo? At talagang susundin niya pa rin ang pinaguutos ko?
Simula nang magkaroon ng problema sa California ay dumagsa na rin ang aming ginagawa. Tutulong na sana si daddy kaso pinagtuunan niya rin ng pansin 'yong pinapatayo na charity ni Tito, he wants to help, ganon siya kalapit sa mga tao.
Hindi ko muna hinahawakan ang phone ko ngayon at napagpasiyahan munang iturn-off.
Nang mailapag niya sa aking lamesa ang inutos na kape ay agad na siyang bumalik sa kaniyang ginagawa. Tiningnan ko ito at pinagmasdan ngunit hindi man lang niya ako binalingan ng tingin. Napapahawak na siya sa kaniyang noo at panay tingin sa mga papeles na pinapatrabaho ko.
"May kailangan pa po ba kayo sir?" Anito, nakatingin na ito sa akin ngayon. Umiling ako at tiningnan ang kabundok na folder na kaniyang tatapusin.
Gusto ko na siyang yayain na mag-lunch pero may part sa akin na ayaw ko dahil baka ang isipin na naman niya ay may gusto ako sa kaniya tulad nang naisip niya nung nasa California kami.
Nagpaalam na rin ako kay Zarrah na ang dami kong tatrabahuhin, as usual she understand me. Napakaswerte ko talaga sa kaniya.
"May ieemail ako sayong File, print it out." Malamig na sabi ko.
"O-okay po sir..."
"By the way, nagugutom na 'ko. Alam mo naman kung saan ka pupunta diba?" Sarkastikong sabi ko sa kaniya.
Ngumiti lang ito ng pilit at tumango. "Okay po sir. Punta na po ako."
"And after that daanan mo si Manager Sanchez in our Company, may ibibigay siyang papeles sa' yo." Sabi ko habang ang mga mata ay nasa folder.
Papaalis na sana ito nang bigla ko ulit siyang pigilan, "And yeah, nga pala, kunin mo na rin yung mga dapat pirmahan kay Manager Sanchez. I forgot to bring that to here. And... Ikaw na bahala magpadeliver ng painting na regalo sayo ni daddy. I don't have anytime for that. Hindi ko inaasikaso ang mga taong wala lang para sa akin." Nakangiting sabi ko at tiningnan siya.
Tumango lang ito at umalis na sa harapan ko. After what happened in Baguio, hinalikan na naman niya ako. I really hate what she did. She always make a move. Natatapakan ang pagkalalaki ko.
Ramdam ko ang pagkailang niya sa akin matapos nang nangyari. I don't even mind what she wanted to do but I have concern for her. Hindi ko maimagine na bigla bigla na lang din siyang manghahalik sa iba, I couldn't help myself to hate it. I hate it.
Hingal na hingal siya nang makarating sa aking harapan. Napansin ko na namumutla na siya at parang nagugutom na. Napapansin ko na rin na gusto niya ng ipikit ang kaniyang mga mata pero ayokong sabihin na magpahinga muna siya dahil may part sa akin na matatapakan.
![](https://img.wattpad.com/cover/223073202-288-k450818.jpg)
BINABASA MO ANG
playful fate
RomanceBraide and Zarrah is the real definition of a perfect relationship. Almost perfect na ang relationship nilang dalawa. Braide is Zarrah's prince, while Zarrah is Braide's Cinderella.They both have looks and money, as well as Love and Trust. Subalit k...