Chapter 10

37 15 1
                                    

ZARRAH'S POV

It's the first day of class.

Finally, college na rin ako sa wakas! Before, I'm always wondering how does it feel to become a college student? They say It's very stressful daw. While some are saying na it's fun naman daw. I can't believe na masasagot ko na ang mga tanong ko sa isip ko na 'yan.

Not like most of the students, hindi Terror na Professor o di naman kaya ay mga bullyng schoolmates ang kinatatakutan ko. I'm really afraid of dissapointments. Natatakot akong may madissapoint sa'kin, Teacher man o fellow students ko. I always want the best for myself. Gusto ko palagi kong nalalagpasan ang mga expectations nila about sa'kin.

I studied here in Berlin College of Business and Accountancy BCBA, because I have a high expectations in this school. Lahat ng mga studyanteng nagaaral dito ay Rich and Smart. Mga future CEO ng iba't ibang mga company. I'm telling you, Hindi ka makakapasok sa school na'to kung wala kayong Business. Maliban nalang kung sa accountancy ka mag e-enroll.

In other words, hindi lang ang mga students ang nagkokompetensya sa school na'to dahil involved rin dito ang Business ng kani-kanilang mga pamilya.

"Hoy Zarrah?  Zarrah!? " halos mapatalon ako ng sigawan ako ni mariz habang iwinawagayway pa ang kamay niya sa muka ko.

"Mariz bakit kaba nanggugulat!?" medyo inis na tanong ko sa kaibigan.

"Muka ka kasing ewan na nakangiti jan sa Arc ng school natin e." Aniya.

At parang bigla naman akong natauhan. Teka nga, what am I doing here? Bakit hindi pa'ko pumapasok sa loob?

"Whatever." mataray na sabi ko nalang at nagsimula na sa paglalakad papasok. Agad naman na sumunod sa'kin si Mariz. Dahil maaga pa naman para sa unang klase namin, naglibot-libot muna kami ni Mariz sa loob ng Campus.

Nang mapagod kami, umupo muna kami sa isang bench na malapit sa soccer field. Tahimik kaming nakaupo at umiinom nang may mapansin akong palapit na lalaki.

Nang tumingin ako sa paligid ay halos lahat ng mga babaeng madadaanan niya ay napapalingon sa kaniya.

"Ang g'wapo talaga ni Braide no?" sabi ni Mariz habang titig na titig sa lalaking 'yon.

Wait, what? Did she just said 'Braide'?  I think I heard that name.

"Who? 'Yang lalaking 'yan?" kaswal na sabi ko at muling uminom ng tubig.

"Ayieee she's curious!" halos masamid naman ako sa birong 'yon ni Mariz na may paghampas pa.

"Ano bang sinasabi mo jan Mariz? Stop that!  Mamaya marinig kapa n'yan e." saway ko naman sa kaniya.

"Sus kunwari pa!" Natatawang biro pa nito. "Imposibleng di mo kilala 'yan si Braide, sikat na sikat kaya 'yan! At isa pa, kaibigan 'yan ng pinsan mo e." dugtong pa nito na ipinagtaka ko naman.

"My cousin? You mean Gail? " tanong ko sa kaniya.

Oh I remember! So siya pala yung Braide na tinutukoy nila Gail na interested daw sa'kin?

"Oo, same school pa nga sila grumaduate ng High School e. Sa VIHS. " sagot naman ni Mariz.

"I don't know, wala naman ako ga'nong kilala sa mga friends ni Graciela e." pagsisinungaling ko para matigil na s'ya sa pang-aasar.

"Omayghaaaaad!" parang bulateng nangingisay na tili ni Mariz.

Saglit akong tumingin sa tinitignan ng mata niya. Umiwas agad ako ng tingin ng magkatitigan kami ni Braide.

Maputi, matangkad, has a brown eyes and hair. Napaka ayos niyang tingnan, siya yung tipong unang tingin palang alam mo na ka'gad na nanggaling sa mayamang pamilya.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon