Prologue

209 35 17
                                    

"Saan ba tayo pupunta Hera?" Ilang ulit na tanong ko pero ni isa wala akong nakukuhang sagot.

Pinapunta ako ni Hera sa Condo nila ni Justinne dahil may importante raw siyang sasabihin, nang makapunta na ako ang sabi naman niya ay may pupuntahan daw kami.

I am just wearing a white t-shirt, ripped jeans and converse shoes. Alasais na ng gabi at nagawa niya pa 'kong abalahin.

Kakatapos lang namin magdiwang ng pamilya ko dahil graduate na' ko ngayon. Wala na akong poproblemahing school works at mga homework!

Buti na lang at pinayagan ako nila daddy na pumunta kina Hera, sinabi ko kasi na magccelebrate kami sa Condo ni Hera at hindi ko sure kung anong oras ang uwi.

"Diba ang sabi ko sa'yo na 'wag na 'wag mo 'kong tatawagin sa second name ko?" Irap na sabi niya na kinairap ko rin, whatever! Binato niya sa akin ang isang paper bag na agad ko ring sinalo.

"Ano' to?"

"Maleta po." Sarkastikong sabi niya na kinailing ko, isang taon pa lang kaming magkakilala pero palagay na kami sa isa't isa.

Tiningnan ko siya na kasalukuyang nakapamewang sa harapan ko ngayon, hinihintay niya siguro ako na kunin ang laman ng paper bag na ito. Bumuntong hininga muna ako at kinuha ang laman nito, isa itong halter backless dress na kulay itim.

"Damit." Sabi ko sa kaniya habang pinapasaere ang damit na inabot niya sa'kin.

"Suotin mo." Ngiting sabi niya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?!" Kunot noong tanong ko sa kaniya, hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong magtaka kung saan ba kami pupunta at napaka-daring ng damit na susuotin ko.

"Basta. Surprise! Magccelebrate tayo! Suotin mo na 'yan at magbibihis na rin ako," Sabi niya sa akin. Napako ang mata ko sa napakagandang damit na hawak ko. Ito na lang ulit yung gabi na makakapagsuot ako ng ganitong damit. Ang tagal tagal ko ng walang ka-fashion fashion sa katawan.

"Hon! Justinne! Maligo ka na!" Sigaw naman ni Hera sa boyfriend nitong si Justinne.

"Sabay tayo, Hon!" Pabalik na sigaw naman nito na kinatawa naman namin ni Hera.

"Sabay daw kami? HAHAHAHA!" Naiiling na natatawang sabi ni Hera sabay alis na sa harapan ko, siguro sasabayan niya talaga si Justinne na maligo.

Dumeretso ako sa guest room ng Condo nila at tiningnan muna ang halter backless dress na hawak ko, napakaiksi nito. Napatingin ako sa kama nang may napansing isang kahon doon, tiningnan ko ito at isang Suede black heels ang nakita.

Agad na akong nagbihis at nag-ayos ng sarili, natigilan ako nang nakita ang sarili sa human size mirror, dahan-dahan akong lumapit sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Bahagya kong pinatagilid ang aking sarili at tiningnan ang aking likod na nakabalandara dahil sa damit, napangiti ako nang maappreciate ang sariling katawan.

'You looks so beautiful, so gorgeous... Kahit na saang anggulo, lahat ng damit bagay na bagay sa'yo...'

Nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang katagang lagi niyang sinasabi sa akin. Huminga ako ng malalim at umupo sa kama.

"Forget him Lloisza..." Bulong ko sa sarili ko.

"Ready ka na ba?!" Nagulat ako nang biglang pumasok si Hera sa kwarto nang wala man lang katok.

"Kumatok ka naman!"

"Ay sorry ha?" Sarkastiko at irap na sabi nito, napakaarte talaga kahit kailan! Nakaroba pa lang ito, kakatapos lang siguro maligo? Ligo lang talaga ang ginawa ah!

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon