Chapter 55

22 7 3
                                    


"Elloisza shylles... "

"Elloisza shylles... "

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at inilibot ang paningin sa paligid. Napadapo ang mata ko sa kamay ni Braide na nasa tiyan ko. Nag-init ang pisngi ko nang maalala ang ginawa namin kagabi.

It's not our first time subalit pakiramdam ko ito ang unang beses namin. Ibang-iba ito sa naunang karanasan ko kasama siya.

Maingat kong tinanggal ang kamay niya sa pagkakatanday sa'kin upang hindi siya magising. I stare at his sleeping face. "Napaka amo ng mukha, walang pinagkaiba kay Scar." Nakangiting bulong ko habang hinahaplos ang kaniyang makakapal na kilay.

"Elloisza shylles." isang mahinang bulong na nasagap ng tainga ko. Agad akong napalingon sa gilid ko dahil parang doon nagmula ang mahinang tawag na 'yon sa 'kin.

Napadpad ang mata ko sa cellphone ko na nakalapag sa side table na nasa gilid ng kama. Kinuha ko ito upang tingnan ang oras.

3:00 am.

"Elloisza shylles." dinig kong tawag na naman sa 'kin but this time, mas malakas na.

Isinuot ko ang aking tsinelas at tsaka pumasok ng banyo upang kumuha ng roba.

"Elloisza shylles."

Tila naestatwa ang aking katawan ng marinig ng mas malinaw ang boses ng tumatawag sa 'kin.

I know that voice...

It's her voice...

It's Zarrah's voice...

Nagtindigan ang lahat ng balahibo ko ng mapagtanto kung kaninong boses ang kanina pang tumatawag sa 'kin.

"Take care of him." bulong nito na mas nagpatayo sa lahat ng mga balahibo ko.

"Z-zarrah?" Nanginginig na bulong ko habang inililibot ang paningin sa buong kuwarto.

"I'm sorry..." muling bulong nito at nakaramdam ako ng kakaibang lamig sa aking katawan.

Hindi ako makagalaw. Sunod sunod na tumulo ang luha ko at hindi ko alam kung dahil ba sa takot o dahil sa mensahe ng ibinulong niya.

Literal na napanganga ako habang nanginginig ang buong katawan ng makita ng dalawang mata ko kung sino ang nakaupo ngayon sa sofa.

She's wearing a white below the knee dress. And she's smiling at me.

"Thank you for lending him to me." Aniya sa isang maaliwalas na mukha. "I'm sorry for everything... " dugtong pa niya.

S-she looks like an A-angel.

I can't believe what I'm seeing now.

"Z-zarrah?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. She didn't answer me, she just smile at me.

"I'm relieved now." Aniya at tumayo.

Sandali kong ipinikit ang aking dalawang mata upang pawiin ang mga luhang naipon na sa gilid nito. Subalit ng imulat ko ang aking mata ay ang maliwanag na sikat ng araw ang bumungad sa 'kin.

"Good morning baby." Nakangiting bati sa 'kin ni Braide at hinalikan ako sa pisngi. Mukhang kakaligo lang niya.

"Sorry if I have to wake you up...  Baka kasi hinahanap na tayo ni Scar e." Tumatawang dugtong pa nito.

Ngumiti lang naman ako sa kaniya at agad hinanap ng aking paningin ang sofa na kanina lang ay inuupuan ni Zarrah.

"Panaginip lang ang lahat?" Naka kunot ang noong bulong ko sa sarili ng makitang tila wala namang bakas na nagpunta nga rito si Zarrah.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon