ELLOISZA'S POV
"Moooom! Moooom! Mooooom!"
"Ano ba Scar... Mommy is sleeping, can't you see?" ngiwing sabi ko at hinawi ang kamay ni Scar na nasa aking pisngi.
"Mom! Someone is calling you! Your phone is ringing! Try to look at your phone mom and find out, tsk!"
Agad kong nilingon si Scar sa tugon nito. Nakikita kong nakuha niya ang ugali ni Braide, suplado.
Natigilan ako nang makitang nakakrus ang mga braso nito at seryosong nakatingin sa akin. Natuturuan kasi nila Hera at Justinne mag-inarte ang anak ko kaya ganito, buti na lang hindi siya ganiyan kapag kaharap lolo at lola niya.
Kinuha ko ang aking phone habang ang tingin ay na kay Scar. Umirap na lang ako at inip na tiningnan kung sino ang tumatawag.
"OH EM GEE!?"
"Hello Elloisza! Musta?"
Napangiti naman ako nang marinig ang boses niya, nakakamiss kasi. Ang tagal ko ng walang contact sa kaniya dahil hindi naman ako 'yong tipong umuuna sa tawag, I hate first move.
"Okay lang naman Ridley. Ikaw?"
"Did I hear right mom? That's dada Ridley?"
Nakangiti naman akong tumango kay Scar. Agad naman itong lumapit sa akin at tinapat ang tainga sa aking phone.
"It seems like Scar is missing you." natatawang sabi ko.
"Really? Pwede ko ba siyang makausap?"
"Hey dada Ridley! I miss you!" malakas na sigaw ni Scar sa aking phone, natatawa naman akong nilipat sa kabilang tainga ang phone kung kaya't lumipat din ng pwesto si Scar upang makinig.
"Bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko.
"Nandito ako ngayon sa Pilipinas." Anito na kinabigla ko.
Napabangon ako dahil sa gulat at tiningnan ang wall clock, alasotso pa lang ng umaga. Anong oras siya nakarating?! Kailan?! Bakit?!
"Mom!"
Nilingon ko si Scar na ngayon ay nakasimangot na sa akin dahil siguro tumayo ako, kapag kami mag-uusap ni Ridley minsan nasa CR na lang ako dahil si Scar ang hilig makinig tapos iiyak kapag hindi napagbigyan, umiling ako at pumunta sa balcony ng aking kwarto.
"Ridley? You there?"
"Ye-"
"Seryoso ka? Nandito ka sa Pilipinas? But, why? Saka kailan pa? Anong oras ka nakarating?" sunod sunod na tanong ko.
Umirap ako nang marinig ang kaniyang tawa, "Chill. Kahapon lang ako dumating. Saka nandito ako para sa business, haha you know."
Tumango ako at ngumiti. Akala ko pa naman, dahil sa akin. Assumera.
"Tara labas naman tayo. Treat ko. Sama mo na rin si Scar, I will buy him a lot of toys."
"Hindi na... Nag-abala ka pa."
"Elloisza... Please? Huwag mo na lang isipin na para sa'yo 'to, ang isipin mo ay para na lang kay Scar. May iba akong moves para sa'yo." Malambing na sabi nito.
Napanguso ako para pigilan ang pagngiti. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganito, na may nagpapahalaga sa akin kahit na may anak ako.
"Mom? Are you blushing?"
Nagbaba ako ng tingin at nakita si Scar na nakapamewang habang seryosong nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin nang makita ang mga mata niya ay gayang gaya kay Braide.
BINABASA MO ANG
playful fate
Lãng mạnBraide and Zarrah is the real definition of a perfect relationship. Almost perfect na ang relationship nilang dalawa. Braide is Zarrah's prince, while Zarrah is Braide's Cinderella.They both have looks and money, as well as Love and Trust. Subalit k...