Chapter 6

39 19 1
                                    


GRACIELA GAIL'S POV

I was silently sipping in my frappe when I accidentally heard something.

"Look at her IG post, kung titingnan mo sya sa unang tingin parang napaka inosente at di makakagawa ng masama. Pero alam mo ba ilang relationships na ang nasira niyan!"

"Talaga? Looks are deceiving talaga."

I came here in the nearest Starbucks coffee shop and ordered my all time favorite Peppermint mocha frappe to relax and take a break, ilang araw na rin kasi akong walang pahinga dahil sa pagbabantay ko kay Zarrah sa hospital. Ilang araw na rin akong hindi nakakakain ng maayos dahil nawawalan ako ng gana kapag makakakita ako ng iba't ibang pasyente sa loob ng hospital. Don't get me wrong ah?  Hindi ako maarte, slight lang.

"She's a disgrace talaga para sa mga Stanfords. Kaya siguro di n'ya nilagyan ng last name yung username niya sa Instagram."

I know that I have a bad reputation but I didn't expect na ganito na pala kalala para makarating sa random peoples.

"Stanfords? Omygosh stanfords sya!?" nagulantang na sabi pa ng isa.

"Wag kang maingay ano kaba! Mamaya may makarinig pa sa'tin jan." saway naman ng isa.

I don't know kung bakit nakikinig ako sa kanila pero nakakabored din kasi kaya okay lang naman siguro. Tutal ako naman pinaguusapan nila e haha.

"Pero hindi nga? Stanfords s'ya?" tanong ulit nung isa.

"Oo! Ayan oh!" sabay pakita niya dito sa cellphone nya. "Si Graciela Gail! Younger sister ni Glycer Stanford, yung palaging ibinabalita sa tv at sikat na sikat sa social media." pagpapaliwanag naman nung isa.

"Omaygash! Si Glyceeeer! Lahat ng mga magazines na naka feature sya binili ko huhu! Sobrang g'wapo niya kasi at napaka successful niyang business man at the age of 27 years old."

"Halos lahat ng babae pinapangarap 'yan si Glycer tapos itong kapatid nya puro bulakbol lang ang alam." pabulong na sabi naman ng isa, but of course I have a sharp hearing kaya narinig ko parin.

"Si Glycer valedictorian since elementary to college pero dito sa kapatid niya wala akong nababalitaang ganon. Kaya nga ang bali-balita bobo daw 'yan at binabayaran lang daw nila yung school para ipasa 'yan si Graciela." sabi pa nung isa habang nakatingin parin sa cellphone nya na ikinatawa ko naman ng bahagya kaya napatingin sila sa'kin.

I removed my shades at nakangiti ko silang kinawayan. Halos masuka ako sa itsura nila na para bang naka kita ng multo.

"OMO is that Graciela Gail?" dinig ko namang sabi pa ng isang customer.

"Omo look at her Outfit, grabe simple lang pero may class!" sabi pa ng isang customer habang isa-isa na silang naglalabas ng mga cellphones nila.

"Peppermint mocha frappe! Omaygash same kami ng taste when it comes to frappes!" sabi pa nung isa.

"Is that peppermint mocha frappe? I should try that next time!" sabi naman nung isa.

"Look at her bag! Hindi ba limited edition 'yan?" puna naman nung isa sa signature bag ko.

At before pa sila isa-isang magpapicture lumabas na ka'gad ako sa coffeeshop. Dali dali akong pumunta sa parking lot, pinatunog ang kotse ko at agad-agad na pumasok dito.

"My God! That was too close! Kasalanan 'to nung dalawang nagkakalat ng cheap gossips kanina e!" at iniirap ko nalang sa hangin ang inis.

Hindi ako celebrity, I'm not an actress nor singer or dancer. But I have a 2 million followers on IG, kaya siguro ganun nalang kung maglaan sa'kin ng attention ang mga netizens. I can say that I'm a bit popular on Social media, may mga friends din akong famous vloggers and they're always inviting me to make an appearance in their vlogs.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon