Chapter 54

16 7 5
                                    

ELLOISZA'S POV

"Braide saan ba tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko kay Braide dahil bigla na lamang niya akong hinila paalis ng hindi man lang sinasabi kung saan kami pupunta.

Isang linggo na ang nakalipas matapos ng napaka sayang outing naming 'yon. Naging normal naman ang daloy ng isang linggo namin subalit hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang akong pinagbihis at niyayang umalis ni Braide ngayong araw.

"Secret." Nakangiting anito habang ang mga mata'y nasa daan parin.

"Hay nako! Puro ka talaga kalokohan ano?" Natatawang biro ko sa kaniya.

"Sus, excited ka lang e." Sagot naman niya at biglang hinawakan ang kamay ko.

Nakahawak ngayon ang kanang kamay niya sa kamay ko habang nanatili namang nasa manibela parin ang kaliwang kamay niya.

"Braide hindi naman kaya tayo maaksidente nito?" Tanong ko sa kaniya habang palihim na napapangiti. "Baka ikamatay pa natin ng maaga 'to? Cause of death, holding hands while driving. Ganun?"  Pagsusungit ko kunwari.

Napakadelikado naman kasi ng ginagawa niya! May mga naaaksidente nga na nagda-drive ng maayos eh. Siya pa kayang isang kamay lang ang ginagamit? Makulimlim pa naman ngayon. Baka umulan ng malakas at dumulas ang daan.

"I don't know... Basta ang alam ko, matagal na 'kong patay na patay sayo." Anito at nilingon pa talaga ako para kindatan.

"Korni mo." Natatawang bulong ko at iniharap na lamang sa bintana ang mukha. Mahirap na, baka makita pa niyang nagba-blush ang cheeks ko.

Lumipas ang ilang minuto ng biyahe at sa wakas ay nakarating na rin kami sa pupuntahan namin. Inihinto ni Braide ang sasakyan sa isang hindi pamilyar na lugar.

Bubuksan ko na sana ang pinto upang makalabas na subalit pinigilan ako ni Braide.

"Ops...  I'll open it for you." Anito at dali dali ng bumaba ng sasakyan upang pagbuksan ako ng pinto at alalayang lumabas. "Thank you." Nakangiting pasasalamat ko sa ginawa niya.

Even his small acts can make my flutters.

"So... What are we doing here?" Nagtatakang tanong ko kay Braide dahil wala naman akong nakikitang kakaiba sa lugar na ito.

Inilibot ko ang aking mata sa paligid. Napakaraming halaman. May natatanaw akong isang gate sa hindi kalayuan pero mukhang hindi na 'yon sakop ng surpresa ni Braide.

"Wait, I need to cover your eyes first." He said at kay kinuhang panyo sa bulsa ng kaniyang pants. Itinupi niya ito ng bahagya at itinakip sa mga mata ko. Hindi pa siya nakuntento at pinaikot pa niya ako ng limang beses. Wala na nga 'kong nakikita bukod sa dilim, nahihilo pa 'ko. Pakiramdam ko'y babagsak ako anumang oras kapag binitawan ako ni Braide.

Inilalayan niya ako sa bawat paghakbang. Sa kabutihang palad ay hindi naman ako natisod o nadapa. Inabot ng ilang minuto ang paglalakad namin bago siya huminto.

"I'm going to remove it okay?" Anito at dahan dahang tinanggal ang panyong nakatakip sa mata ko.

"Whoaah." hindi ko mapigilang hindi mapanganga ng tumambad sa 'kin ang isang napakalaking bahay. Isa itong Mansion na napapaligiran ng mga bulaklak.

"Do you like it?" Bulong sa 'kin ni Braide na hindi ko naman naintindihan.

"Huh?" Nalilitong tanong ko dahil para bang sa tono ng tanong niya ay bibilhin niya itong napakalaking baha  na 'to.

"I'm asking you if do you like it?" Nakangiting pag-uulit niya sa tanong niya at dahan dahan naman akong tumango.

"Siyempre naman... " namamangha paring sabi ko.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon