Chapter 16

36 13 1
                                    

Lloisza's POV

"Bagay sayo 'yong uniform!" Gigil na sabi sa akin ni Beth, isa rin sa mga intern ng Hotel na ito.

"Sayo rin! Bagay na bagay!" Sabi ko at kinindatan siya.

Binigyan na kami ng uniform na pang-intern, natagalan lang dahil aniya ni Manager Sanchez kumuha pa ng sikat na designer sa France para sa uniform namin.

Meron sa part ko na natuwa dahil sa effort na binibigay ng Lacosta for the trainees or interns.

Kasalukuyan akong magdadala ng pagkain para kay Mr. Lacosta - daddy ni Braide. Absent kasi ngayon si Jude kaya naman ako na ang naatasan na magbigay.

After what happened hindi na 'ko pinapansin ni Jude, napapansin ko ang paglayo niya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit pero hinayaan ko na lang, siguro nahihiya na siya sa akin pagkatapos mangyari 'yong araw na pinagalitan kami ni sir Braide.

Speaking of him, wala siya ngayon dito. I don't know why, maybe in some business purpose. Baka may inaasikaso. Kaya nga ang saya saya ko ngayon na wala siya, ilang araw niya na akong pinapahirapan at lahat 'yon tiniis at pinagpasensyahan ko kahit na nagsskip na ko ng breakfast, lunch at maski na rin ang Dinner dahil minsan niya na rin akong pinag-overtime, kahit hindi ko naman kasi trabaho sa akin pa rin pinapagawa. Napakawalang awa.

Natawa na lang ako nang maalala na minsan na rin akong pumalit sa isang Janitor dito.

"Hindi ka naglilinis ng maayos!" Inis na sigaw ni Braide sa isang Janitor.

I'm on my way to elevator when I heard his voice.

Hindi ko alam kung bakit na naman siya naiinis. Basta ang naalala ko lang ay nahuli niya akong nakikipagtawanan kina Mark, isa rin sa mga intern.

Pinagalitan niya na naman ako, as usual. Ewan ko nga kung may nakarinig na sinigawan niya ako na "pinapakita ko raw ang cleavage" ko sa harap ng ibang tao. Imbes na mainsulto sa sinabi ay natawa na lang ako eh. At pagkatapos niya kong pagalitan ay maghapon na siyang badtrip.

Did he stare at my boobs? Perv! Lol.

I'm sure that I am not the reason why he's so mad right now. Maybe walang halik na nakuha kay Zarrah kanina? Or maybe hindi napagbigyan sa kama?

My gosh Elo! Stop thinking like that! Privacy na nila 'yon!

Hindi ako pumasok sa elevator at sinadyang dumaan sa harapan nila, yes! para mang-inis. Imbis na mainis ako sa kaniya, natatawa pa ako e! Ang sarap niya inisin at pikunin.

How poor of you Braide. If you're mad because I revealed my cleavage, I will do it everyday and next time I will show to you my long hips and make sure that your eyes will see it. Hahahaha! I'm gonna tease you!

"Miss Estrany."

See? Napansin na naman ako.

Nakangiti ko siyang nilingon, "Yes sir Braide?" Sinadya kong lambutan ang pagkakasabi ko.

Nagtiim bagang siya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ewan ko rin ba sa lalaking ito at lagi niya na lang ako pinapasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa! Sa tuwing magkikita at magkakasalubong kami lagi na lang niya ginagawa 'yan. Para siyang boyfriend na over protective sa girlfriend na mahilig magsuot ng daring dress! Parang tanga!

Kinuha niya ang mop na hawak ng Janitor at inabot sa akin. Kunot noo ko itong kinuha sa kaniya.

"Do it." Aniya na seryoso ang mukha na nakatingin sa akin.

WTF?! Nagets ako ang sinabi niya, gusto niya na ako ang gumawa ng mga ginagawa ng Janitor dito. Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay akong kumilos.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon