Chapter 48

19 7 1
                                    

BRAIDE'S POV

I need to make her mine. Kailangan kong bawiin ang akin. May anak kami at akin si Elloisza, alam kong mabilis at padalos dalos ako pero pagkatapos ng lahat ng nalaman ko ay gusto ko ng bawiin ang nararapat para sa akin, ang galit ko kay Elloisza ay naglaho ng parang bula.

Wala akong pakialam kung may hahadlang. Wala akong pakialam kung hindi man agad ako tanggapin ni Elloisza pero mamarkahan ko na siyang akin.

Kasalukuyan akong papunta ngayon sa bahay nila Elloisza, handa na ko ulit. Tama si Brendon Lim, kailangan sumubok ulit ako, kailangan kong umalis sa kahon na ako lang ang laman. Thank you for Elloisza for helping me to go out of the darkness world.

"Uhm, kayo po ulit sir?" kunot noong tanong sa akin ng gwardiya nila nang makarating ako sa kanilang gate.

"I'm here for my son." mariing sabi ko.

Tumingin muna siya ng ilang saglit sa akin bago niya ako patuluyin, siguro nakikita niya sa mukha ko ang anak namin ni Elloisza na si Scar. I'm so thankful na may nabuo, laki ng pasasalamat ko na nagbunga ang gabing pinagsaluhan namin kahit na puno ng galit ang puso ko sa kaniya ng mga oras na 'yon.

Nakangiti akong bumaba dala ang isang box ng cake at tumpok ng rosas. Namiss ko na ang bumili nito, mas lalo kong namiss ang pagbibigyan nito.

Nakangiti akong pinapasok ng isang kasambahay at sumunod na lamang ako sa kaniya. Agad na nanlisik ang mga mata ko nang makita si Ridley na kandong kandong si Scar habang nagtatawanan sila ni Elloisza.

Fvck. Ako dapat ang nandiyan.

Mabibigat ang mga yabag ko habang nagpatuloy sa paglalakad papalapit sa kanila. Nawala ang matamis na ngiti ni Elloisza nang nilingon niya ako. Gulat itong napatayo dahil hindi inaasahan ang pagpunta ko.

"Braide?!"

Nilingon ko si Ridley na ngayon ay buhat ang anak ko, nakakunot ang noo nito sa akin. Siguro nagtataka siya kung bakit ako nandito.

"Mister Lacosta?" Gulat din nitong tanong at nilingon si Elloisza, hindi siya binalingan ng tingin ni Elloisza dahil napako ang tingin nito sa akin.

"Ow! Heeeeeey!" Nakangiting bati naman sa akin ni Scar at kinawayan ako. Ngumiti ako sa kaniya at nilingon din si Elloisza.

"Braide... Bakit nandito ka?" Natatawang tanong ni Elloisza at pinasadahan ako ng tingin.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa mga dala ko.

"Because I have the rights to go here." matapang na sagot ko. "By the way, I brought flowers for you and a box of cake for my son." Nakangiting sabi ko habang ang mga mata ay nanatiling nakatitig sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ni Elloisza sa sinabi ko at nilingon si Ridley. Ngumisi ako ng nakakaloko at nilingon din si Ridley na nanlalaki na rin ang mga mata at tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Sorry dude, but they're my family.

"Manang... Pakidala po muna si Scar sa room niya." malakas na sabi ni Elloisza habang ang mga mata niya ay nagpapalipat lipat ng tingin sa amin ni Ridley.

Binaba ni Ridley ang anak ko at kinuha naman ito ni manang, "No! Don't touch me! Mom I want to play with dada!" nakangusong sabi ni Scar kay Elloisza. May kung anong kumirot sa puso ko nang marinig ang "dada", they teach my son to call Ridley like that?

Suplado, nakuha niya ugali ko.

"Anak... Later, okay?"

Ngumuso lang si Scar at nakasimangot na umalis. I saw my younger me to him. Nilapag ko ang mga dala sa malapit na lamesa.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon