Chapter 49

23 7 1
                                    

HERA'S POV

"Ridley Smith?! What theeee? Kailan ka pa dumating?"

"Hindi ba nabanggit sa'yo ni Elloisza na narito na ako sa Pinas?" Tanong nito sabay hinawi ang kamay ko at deretso ang pasok sa condo.

"Ay wow. Condominium mo? Welcome ka?" Irap na tanong ko.

Umupo ito at binalewala lang ang sinabi ko, "May kakilala ka bang Braide?" kunot noong tanong nito.

"Braide Lacosta?"

Tumango ito bilang tugon, "Yes. He's my friend." Sagot ko at naupo sa couch na nasa harapan niya. I am just wearing a robe, magbibihis na sana ako nang marinig ko na parang sinisira niya na 'yong video doorbell ng condominium namin.

"Really?"

"Why?"

"Tssss... Siya ba talaga ang ama ni Scar?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Ridley, "WAIT?! A-alam mo na rin?! Kailan?"

"Kanina—"

"Omo! How?!"

"Pwede ba pagsalitain mo muna ako?" Inis na aniya kaya naman napairap na lang ako.

"Fine."

"Kanina ko lang nalaman. Nakilala ko si Braide kasi isa rin sa dahilan ko ang mga Lacosta kaya ako nagpunta rito sa Pilipinas  and of course para to make Elloisza mine. Pero ang liit ng mundo namin, siya ang ama ni Scar?" Hindi makapaniwalang sabi nito.

"Really? Uhm, hehehe."

"Can you tell me a story?"

"What a story? Gusto mo kwento ko sa'yo yung Storyteller by Jodi Picoult my gosh! Ang ganda no'n!"

"No—"

"Or kung gusto mo yung Pride and Prejudice by Jane Austen?"

"He—"

"Or baka kung interesado ka naman sa kwento ni Sir Arthur Conan Doyle, kukwento ko sa'yo kung paano lumutas ng kaso si Sherlock Holmes! Omooooo!"

"Ple—"

"Ah! Baka gusto mong marinig yung kwento ng 'A walk to Remember' ni Nicholas Sparks. Huhu, binabasa ko ngayon 'yong The Notebook niya, ang ganda rin ng story niyang Message in a Bottle!"

"Can you—"

"Aaaaah! Alam ko na! Gusto mong kwento ko sa'yo yung 'The Shack'? My gooosh! I'm crying while reading that book!"

"COULD YOU PLEASE STOP?" malakas na sigaw nito na nagpatigil sa akin.

"Anong story ba kasi? Hindi mo naman sinasabi, sinigawan mo pa ko!" Irap na sabi ko at pinagkrus ang dalawang braso.

"Paanong hindi sinasabi eh palagi kang may hirit?"

"So ano nga?" Irap na tanong ko.

Gosh! Ang dami ko pang aasikasuhin! These past few days kasi nagbigay ako ng kalahating milyon sa tatlong bahay ampunan. And uumpisahan ko na ring magpaaral ng twenty five na bata, sabi kasi ni daddy sa akin na what if i-try ko raw yung ganito habang tumutulong sa mga iba't ibang charities. Kaya naman pumayag ako sa alok ni daddy na magpaaral ng twenty five na estudyante hanggang sa makatapos sila.

I really want to help. Kailangan yung mga nasa pareho kong kalagayan ay tinutulungan na mapunan yung pagkukulang ng gobyerno, lalo na yung mga nasa liblib. I have a motto in my life na lahat tayo aangat at walang maiiwan.

"The story of Elloisza and Braide. Paano ba sila nagkakilala? If si Braide ang ama bakit pinanganak ni Elloisza si Scar sa France? Bakit parang ngayon lang sila nagkita? O hindi naman naghiwalay sila? Tell me Hera, ano bang meron sa dalawa kasi ilang taon ko ng nakakasama si Elloisza pero wala akong kaalam alam sa buhay niya! Sino ba talaga 'yang si Braide? Sino siya sa buhay ni Elloisza?"

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon