ELLOISZA'S POV
"Mom look at meee!"
Nagbaba ako ng tingin kay Scar at natawa ako nang makita ang kaniyang suot. Nakasuot siya ngayon ng isang pororo swimsuit at hapit na hapit ito sa kaniya.
"Mom why are you laughing? Am I cute right?" Nagpuppy eyes ito sa akin habang nakanguso.
Hindi ko pa rin mapigilan ang pagtawa dahil nakikita ko sa kaniya si Braide. Natatawa talaga ako! Parang batang Braide ang nakikita ko ngayon.
"Yes baby, you look soooooo cute." Gigil na sabi ko at kinurot ng mariin ang kaniyang pisngi. Tinanggal ko ang pagkakurot sa kaniya nang magreklamo ito sa wikang French at hinampas ang braso ko.
"Ugh!" Irap na anito at padabog na lumabas ng aking kwarto.
Magkakaroon kasi kami ng outing ngayon at si Hera ang may pasimuno. Aniya nagrenta na raw siya ng malaking resort sa rito sa Manila at sumunod na lang kami. Nauna na kasi sila nila Justinne at ang iba niyang mga kaibigan doon habang kami naman nila Braide ay susunod at papunta pa lang. Siguro okay na rin 'to na magbonding kami para mas lalong tumibay ang samahan. Matagal na rin kasi na hindi ako nakapagbonding sa kanila.
Wala naman na akong balita sa mga kaibigan ko na si Rebecca, Dacy at Levi. Mukhang busy na rin sila sa kani-kanilang buhay. Okay na rin 'to kahit papaano, nahanap ko na rin naman ang mga totoong kaibigan sa'kin, yung alam kong tatagal.
"Bye mom and dad! Dito na po kami!" Malakas na sigaw ko nang marinig ko ang busina ng kotse ni Braide sa tapat ng bahay namin.
"Ingat anak ha! Ingatan si Scar!"
"Noteeeed!"
Nakangiti akong naglakad palabas ng bahay ngunit natigilan ako nang makitang kumunot ang noo ni Braide sa akin.
"Ano 'yang damit mo?" Masungit na tanong sa akin ni Braide nang makababa siya sa kotse. Kinarga niya si Scar, at tulad ng lagi niyang ginagawa ay hinalikan niya ito sa pisngi. Binalingan niya ako na may masasamang tingin at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Inasikaso ng aming kasambahay ang mga dala-dala namin at nilagay sa kotse ni Braide.
"Can you explain why you're wearing that kind of dress?"
Nagbaba ako ng tingin sa aking damit at nakitang napaka-revealing ng aking suot. Nag-init ang aking pisngi nang makitang bakat ang aking utong sa suot, backless dress kasi ang suot ko at wala itong padding.
"Braide walang masama sa suot ko." Irap na sabi ko.
Para akong naiinsulto sa paraan ng pagtitig niya! Napakasama! Ayaw niya ba sa katawan ko? Parang hindi niya 'ko pinatungan nang ginawa namin si Scar!
"Bakat yung pagmamay-ari ko! Fvck! May mga lalaki tayong kasama! Magbra ka!" Inis na bulyaw nito sa' kin.
"So? Eh ano naman? Bakat lang naman ah? Hindi naman kita? Atsaka isa pa, backless 'tong suot ko! Ang panget kapag nakabra! Ang OA mo!" Inis na sabi ko at sumakay na sa passenger seat.
Sinakay niya na muna si Scar sa backseat bago sumakay sa tabi ko na nakakunot ang noo. Bumuntong hininga siya at tiim bagang na sumulyap sa akin.
"Fvckkk..." Mahinang bulong nito sabay haplos sa ibabaw ng dibdib ko. Agad kong hinampas ang kamay niya dahil sa gulat.
Nagtayuan ang mga balahibo ko sa ginawa niya at bumilis ang tibok ng puso. Nilingon ko si Scar na busy sa kaniyang laruan, nanlalaki ang mga mata kong nakipagtitigan kay Braide ngunit namumungay lang ang mga mata nitong nakikipaglabanan ng titig sa akin.
BINABASA MO ANG
playful fate
RomanceBraide and Zarrah is the real definition of a perfect relationship. Almost perfect na ang relationship nilang dalawa. Braide is Zarrah's prince, while Zarrah is Braide's Cinderella.They both have looks and money, as well as Love and Trust. Subalit k...