Chapter 17 (CONTINUATION)

36 12 1
                                    

LLOISZA'S POV

"May exhibit pala kaming pupuntahan ni hindi man lang sinabi! Anong susuotin ko nito!" naiiyak na sabi ko.

Inis akong naghalungkat sa dalawa kong maleta at agad naman na nagliwanag ang mga mata ko nang makita ang isang red blazer at ang terno nitong red slack, buti na at may mga hinanda rin si mommy na ganitong damit at mga heels. Napangiti ako nang makita ang isang white tube tops.

"Okay ito na lang susuotin ko!" Mahinang bulong ko at naligo.

Kakatapos na lang din naming magdinner kaya naman nag-prepare na kami ni Braide, Mr. Lacosta at ako. Kaming tatlo raw ang pupunta sa exhibit na magaganap sa isang sikat na Art Gallery dito sa Baguio.

Napagpasiyahan ni Braide na doon sa kwarto ng daddy niya magbihis para naman daw makapagprepare na rin ako.

May part sa akin na kinakabahan dahil for sure mga sikat na artist ang makikita ko roon. Lamang naman sa akin ang pagka-excited dahil makakapunta ako sa ganitong event. This is my first time actually. Sumasama naman ako kina daddy at mommy kapag imimeet nila ang kanilang business partners pero iba kasi ito, lalo na at iba pa ang kasama ko.

Tumingin ako sa isang human size mirror at tiningnan ang sarili. Kinuha ko ang aking make up kit at inayos ang sarili. I wear red lipstick at mas lalo ko pang kinapalan ito. Nilugay ko ang aking buhok at sinuklay ang mga ito.

Hinubad ko pakunwari ang aking blazer at bahagyang binaba ito hanggang aking dibdib at tinaas ang balikat habang nakatagilid sa salamin at tiningnan ang sarili. Wala pose pose lang ako! I'm sure naman na maraming mediya ron kaya naman kailangan maganda ako.

"Anong ginagawa mo?"

Nilingon ko si Braide na nakapamulsa. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at ganon din ang ginawa ko sa kaniya. He's wearing a black blazer, slack and grey longsleeve  at naka neck tie rin ito.

Tinitingin mo?

Inayos ko ang aking blazer at kinuha ang silver purse. "Tara na ba?"

Umirap siya at tumalikod, "Akala ko hindi ka pa nakapaghanda." Malamig na tonong pagkakasabi niya.

Sinalubong kami ni Mr. Lacosta na nakangiti. Kumaway ako sa kaniya habang naglalakad papalapit sa kanila.

"You look so gorgeous iha!" Puri niya sa akin.

Buti pa si Mr. Lacosta, nagawa akong purihin hindi tulad ng iba diyan!

Nang makarating na kami sa pupuntahan ay agad na kumislap ang camera pagkapark nang aming sasakyan sa tapat.

Hawak kamay kami ni Braide nang binaba niya ko sa kotse at hinarap ang mga camera man na kinukuhaan kami ng litrato. Binitawan niya rin ito at nilagay sa kaniyang bulsa kaya naman ang ginawa ko ay agad na pinalupot ang kamay sa kaniyang braso, tiningnan niya ito sabay angat ng tingin sa akin pero nginitian ko na lang siya.

Naglakad kami papasok sa loob at nakita ang maraming tao. Namangha ako sa naglalakihan at naggagandahang obra ng mga artist. Hindi ko maiwasang mapanganga sa ganda ng mga ito.

Nagtagal ang aking paningin nang makita ang isang obra na nakapukaw ng aking atensyon. Napangiti ako nang maisip ang makabuluhang mensahe ng painting. Isang babae ang nakahubad at nakatakip sa kaniyang dibdib, habang sa pribado naman niyang ari ay may rosas na nakapinta rito. Nagtagal ang tingin ko sa namumungay nitong mga mata. Napakaganda ng obra na ito.

"A dying flower... By Victoria Lady."

Napalingon ako sa nagsalita, si Mr. Lacosta. Nilingon niya ako nang nakangiti, "Ang ganda hindi ba? 'yan ang bagong labas na obra ni Victoria Lady, she didn't here at assistant niya lang ang nandito. Napaka meaningful ng obra na' yan, lahat ng gawa niya may ibig sabihin at maganda pa rito ay puro may kinalaman about sa  feminism ang obra niya. I really love her works." Nakangiting sabi nito at nilingon ang malaking painting, "She's so mysterious. Ni isa, wala pang nakakakita sa kaniya. Also her assistant, hindi pa siya nakikita. Creepy." Natatawang sabi ni Mr. Lacosta habang ang mga mata ay nasa painting, nilingon ko ito at pinagmasdan. "Do you want to buy it?" Tanong nito sa akin.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon