ZARRAH NICCOLE'S POV"Goodmorning po."
"Goodmorning Ma'am Zarrah."
"Goodmorning po Ma'am."
Sunod-sunod na bati sa'kin ng mga empleyado dito sa hotel nila Braide na tanging ngiti at tango lamang ang naisusukli ko. Palagi akong naghahatid ng pagkain kay Braide nung mga panahong 'acting CEO' palang siya kaya hindi na lingid sa kaalaman ng mga empleyado rito kung ano ang relasyong mayro'n kami.
Pumunta ako ngayon dito sa Main hotel nila dahil ilang araw na rin kaming hindi nagkikita ni Braide. Simula nung naging official na ang pagta-trabaho nya dito sa company nila ay naging sobrang busy na sya.
May dala ako ngayong foods para sa kanya. Dahil hindi na kami nakakalabas para kumain nitong mga nakaraang araw, naisipan kong dalhan nalang siya ng pagkain at saluhan na rin sya mamaya.
"Hello ma'am Goodmorning po, what can we help you po?" tanong sa'kin ng dalawang receptionist ng makalapit ako rito.
"Anong room number ng Office ni Braide?" nakangiting tanong ko naman.
"Sorry ma'am pero ang sabi po kasi ni Sir braide wala daw po s'yang naka schedule na appointment with anyone ngayon, kaya wag daw po kaming magpapapasok ng kahit sino sa office nya." Sabi nito na ikinagulat ko naman.
Mukang bago lang ang receptionist na 'to rito kaya hindi ako kilala.
Sandali ko siyang tinitigan.
Ahhh, she's an OJT.
"Excuse me Miss, but do I need to introduce myself bago mo sabihin sa'kin kung anong room number ng office nya?" nakangiti pa rin ako pero pakiramdam ko kapag hindi nya parin sinabi sa'kin kung nasa'n ang office ni Braide ay mapapanis na ito.
"Is there any problem here?" rinig kong tanong ng isang babae mula sa likod ko. Agad ko namang nilingon ito.
"Oh ma'am Zarrah!" Gulat na bati nito sa'kin. Hindi ko siya kilala pero ang mahalaga nakilala niya ako. "I'm Caileigh San diego, Vice President Lacosta's secretary po." pagpapakilala niya naman sa sarili.
"Hello Caileigh, can you bring me to his office?" I asked while smiling.
"S-sure ma'am." aniya. "Please follow me po." at nagsimula na siyang maglakad ng dahan-dahan.
Nang makarating ako sa tapat ng office ni Braide ay nagpaalam na rin ka'gad si Caileigh. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto.
Dahan dahan kong binuksan ito.
"Oh, ang bilis mo naman." anito ng hindi man lang ako tinitignan.
"Pakilapag nalang n'yan dito and you may leave." dagdag pa n'ya ng hindi man lang lumilingon.
"Babe what are you talking about?" nakangiting tanong ko naman sa kanya dahil alam ko namang he didn't mean it. Napagkamalan nya lang akong ibang tao since hindi nga sya lumilingon while talking.
"Babe?" anito at halos mapatalon nang makitang ako pala ang kausap niya.
Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at sinalubong ako ng yakap.
"I missed you." he said and gently kissed my forehead.
"Did I surprised you babe? You look so shock when you saw me." I chuckled.
"Yeah," at bahagya rin siyang tumawa. "Sorry sa mga nasabi ko..." Anito na parang nahihiya. "I just thought you of s-someone." dugtong nya pa habang inaalalayan ako sa pag-upo.
He thought me of someone?
Usually kapag nakakakita siya ng babaeng nakatalikod na kasing tangkad ko at kaparehas ng hairstyle ko. Napagkakamalan nyang ako, but now the case is different. Akala niya ako ang ibang tao?
![](https://img.wattpad.com/cover/223073202-288-k450818.jpg)
BINABASA MO ANG
playful fate
عاطفيةBraide and Zarrah is the real definition of a perfect relationship. Almost perfect na ang relationship nilang dalawa. Braide is Zarrah's prince, while Zarrah is Braide's Cinderella.They both have looks and money, as well as Love and Trust. Subalit k...