Chapter 42

20 8 1
                                    



ELLOISZA SHYLLES POV

"You sure you're ready to face your parents?" Tanong sa'kin ni Hera habang nagmamaneho.

4 years.

Sana naman sapat na ang apat na taon para mapatawad ako ni Mommy and Daddy. I feel so nervous right now but I will do this for my son.

Ngayong nandito na si Scar, hindi p'wedeng para sa sarili ko nalang ang mga desisyon na gagawin ko. Kailangan iisipin ko muna si Scar bago ako gumawa ng decisions.

At ang gagawin kong personal na pakikipag ayos kila Mom and Dad ay para sa kaniya. Gusto kong personal na makilala ni Scar ang kaniyang lolo at lola, hindi lamang sa video call o tawag. Kahit sa part ko nalang, kahit h'wag na sa tatay niya. Gusto ko rin na mailagay ang pangalan niya sa family registration ng Armenti. Gusto kong makilala siya ng lahat bilang isang Armenti. Gamit nga niya ang apelyido namin ngayon, subalit hindi parin siya naipapakilala bilang parte ng pamilya namin. Nakakavideo call ko naman na si Mommy pero iba parin talaga kapag sa personal na, I don't know kung maalala ba siya ni Scar kapag nakita siya sa personal.

"Elloisza!?" Tawag sa'kin ni Hera ng siguro'y hindi ko sinasagot ang tanong niya.

"Yes?" Sagot ko naman sa tawag niya.

"You're spacing out! I'm asking you kung ready kana bang harapin si Tito?" pag-uulit pa niya sa tanong niya.

"To be honest hindi pa. Pero namimiss ko na rin kasi sila." Nakangiting sabi ko.

"Elo don't worry, I know napatawad kana niya. You're he's only daughter, at isa pa tiyak na natutunaw ang 'yon kapag nakita kung ga'no kabibo si Scar." Tumatawang sabi ni Hera kahit ang atensiyon ay nasa daan parin.

Nagpapasalamat talaga ako at dumating siya upang tulungan ako sa paghahanap kay Scar kanina. I know how busy she is but baka magalit pa siya sa 'kin kung hindi ko sinabi sa kaniya na nawawala kanina si Scar.

"Sana nga, sana napatawad na 'ko ni dad." Sabi ko habang inaayos ang higa ni Scar. Nakatulog kasi siya sa biyahe, napagod siguro kanina.

"Gisingin mo na ang Inaanak ko, malapit na tayo." Sabi ni hera.

At agad ko namang ginising si Scar. Nakailang yugyog muna ako rito bago ito tuluyang magising.

"We're here!" Masiglang sabi ni Hera ng nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin.

Inihinto ni Hera ang sasakyan dahil ayaw buksan ng Guard ang gate.

"Sino po sila Ma'am?" Tanong ng Guwardya sa 'min. Bago lang ang Guard na ito kaya naman hindi niya ako nakilala ng tumingin siya sa backride at makita ako.

"Anak po ako ni Elton at Zairylle kuya." Sabi ko sa Guwardya na ipinagtaka namam niya.


"Anak po kayo nila Ma'am and Sir, Ma'am?  Pasensiya na po pero ang alam ko po wala silang anak." nilingon naman ako ni Hera at nagkatinginan kami. "Sandali lang po ma'am tatanungin ko lang po sila." Anito.

"Mom where are we?" tanong ni Scar habang humihikab hikab.

"We're in your Lolo and Lola's house." Sabi ko sa anak ko ng nakangiti at hinalikan ko siya sa noo.

"Elo mukhang p'wede na tayong pumasok." Sabi ni Hera habang nakatingin sa Guard na binubuksan ngayon ang gate.

"Are you sure di ka talaga papasok sa loob?" Tanong ko kay Hera ng magpaalam itong aalis na ng maihatid na kami sa loob.

"Oo, baka kasi naghihintay na rin si Justinne sa bahay." Nakangiting sabi ni Hera habang nakahawak na ang kamay sa manibela.

"Sige sige, thankyou sa Ride ah?" Nakangiting pagpapasalamat ko naman sa kaniya. "Oh baby say bye to ninang Hera." Malambing ma sabi ko kay Scar habang ikinakaway ang kamay niya.

"Goodbye Ninang Hera!" Masiglang sabi naman ni Scar sa isang maarteng tono.


"Omygosh super cute! Goodbye Scar! Bye Elo." Sagot naman ni Hera habang ikinakaway ang kamay niya At saka tuluyan na ngang pinaandar ang kaniyang sasakyan.

"Mom? Dad?" Tawag ko sa kanila ng makapasok na kami ni Scar sa loob ng bahay.

Hindi pa man kami ga'nong nakakahakbang ay napukaw na ang atensiyon namin sa tahol ng isang aso.

"Arf! Arf! Arf! Arf" tahol nito habang tumatakbo sa 'kin. Dinila dilaan ni leel ang paa ko na para bang miss na miss ako nito.

"Doggie!" Sigaw ni Scar kay leel habang itinuturo ito ng nakangiti. Dinambahan naman ni Leel si Scar kaya bahagyang napaupo ito, subalit sa halip na umiyak ay umalingawngaw sa buong bahay ang bungisngis ni Scar.

"Doggie! Your tail!" Tumatawa tawang sabi ni Scar na mukhang aliw na aliw sa buntot ni leel na kaway ng kaway.

"Gosh Scar don't! He'll get hurt!" Natatawang saway ko kay Scar nang makitang hinihila hila na niya ang buntot ni Leel ngayon. Hindi naman siya kinakagat ni leel at dinidilaan lamang nito ang mukha niya.

"Elloisza?" Dinig kong tawag sa 'kin ng isang pamilyar na boses. Hinanap ko kung saan nagmula ang tawag at nakita ko si Mom na naluluhang pababa ng hagdan. Kasunod niya si Dad na nakatingin lamang sa 'kin.

Dali-daling tumakbo si Mommy palapit sa 'kin. At niyakap ako ng mahigpit.

"I miss you anak" Umiiyak na sabi ni Mom. "I'm sorry again anak..." Sabi pa ni Mom.

"Mom please don't be sorry, okay na po tayo diba? I miss you too mom." naluluhang sabi ko at ngumiti naman si Mommy.

"Wala kaming k'wentang magulang ng daddy mo... Instead of helping you... Ipinagtabuyan ka pa namin. "

"Mom please, Don't blame yourself po,let's forget about the past na po. I'm so sorry din po sa lahat-lahat Mommy." Sabi ko at tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko.

Laking gulat ko nang biglang may yumakap sa binti ko, tiningnan ko ito ng may luha parin sa mga mata ko. At nakita kong nakayakap ng mahigpit si Scar sa binti ko habahg umiiyak.

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Mom at hinarap ang umiiyak na si Scar.

"Why are you crying baby?" Tanong ko sa anak ko habang nagpupunas ng luha.

"Because you're crying... " umiiyak na anito na ikinatawa ko naman ng bahagya.

"Is he my Grandson Elo? Mas guwapo siya sa personal." Sabi ni mom habang hinahaplos ang ulo ni Scar.

"That's natural Mom, he's an Armenti." Sabi ko habang nakangisi.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon