Chapter 28

26 9 1
                                    

BRAIDE'S POV

"Hindi mangyayari 'to Graciela kung nakabantay ka kay Zarrah!" Inis na sigaw ko kay Graciela nang dalhin sa loob si Zarrah para sa operasiyon.

Kinakabahan ako at hindi alam ang gagawin. Ilang beses ko ng nalagay sa peligro si Zarrah at hindi ko na mapapatawad ang sarili ko kapag naging kritikal pa ang lagay niya!

I can't believe that Lloisza will do this!

"Eto na nga ba sinasabi ko e! Kung sana lang hindi ako sumama sa'yo Gail hindi mangyayari 'to! Bakit mo pa kasi ako kinausap sa walang kwentang bagay!" Inis na sigaw ko ulit sa kaniya.

Hindi ako mapirmi sa iisang lugar lang. Kasalukuyan kami ngayong naririto sa labas ng Private Room ni Zarrah kung saan siya dinala.

"Saglit nga Braide?! Bakit ba ako ang sinisisi mo rito?!" Mataray na tugon nito.

Kumuyom ang aking kamao, "Oo! Kasalanan mo! Mababantayan ko sana siya kung di mo ko kinausap para sa walang kwentang bagay!" Nanggagalaiting sabi ko habang nakaduro rito.

Taas noong humakbang papalapit sakin si Graciela at hinawi ang nakadurong hintuturo sa kaniya, sarkastiko niya akong tiningnan, "Wow! Tama ba ang narinig ko?! It's all my fault?! Seriously?! Did I just want to happen that!? Did I?! Kung ganiyan din pala ang papakasalan ng pinsan ko, tama lang si Tita na palayuin si Zarrah sayo! You will ruin my cousin's life!" She screamed. Tinulak niya ako at humakbang papalayo.

Natigilan ako sa sinabi niya. Mamatay muna ako bago ilayo sa akin si Zarrah. Hindi ko kakayanin.

"Guys... Don't blame ourselves. Blame Hera's friend... Lloisza. After all she's the one who did this. She ruined the party and then nagawa niya pa 'yon kay Zarrah."

Dahan dahan kong nilingon si Tiffany nang magsalita ito. Nagkibit balikat na lang siya sa akin at palipat lipat ng tingin sa amin ni Gail.

"Yeah she's right. Zarrah texted us to go where she is. And nakarating kami na naka-lock ang pinto and then narinig na lang namin na sumisigaw si Zarrah kaya naman nagpanic kami ni Tiff at hiningi yung susi ng C. R and then that girl! Pa-victim! She's good in acting ha! Kunwari hindi niya ginawa but we knew that she did that on purpose! Baka naman may gusto sa'yo 'yon Braide and she wanted to ruin your relationship with Zarrah?!"

Nilingon ko naman si Macy nang biglang nagsalita ito.

"And why you two didn't tell me this?! Edi sana maaga pa lang ay naligtas na si Zarrah!-"

"Wait Braide sa pananalita mo e parang sinisisi mo rin kami?" Mataray na tanong sakin ni Tiffany.

"Yeah! Bakit hindi ba? Ang hihina niyo kasi!"

"Wow ha!? Kami na nga 'tong tumulong kami pa ang sinisi?!" Sabat na sabi naman ni Macy.

"You know what Braide, it's all your fault. Ang sabihin mo lang pinagtatanggol mo yung Lloisza na yun dahil may gusto ka na rin sa kaniya! Tapos sila Tiffany ang sinisisi mo! - "

Agad kong kinuwelyuhan si Brent sa sinabi niya. Nakatiim bagang naman itong nakatingin sa akin. Ang kaninang nakayukom kong kamao ay hindi ko na napigilang isuntok sa mukha niya. Agad kaming akong hinawakan ni Lucas at Marco habang ako naman ay nagpupumiglas at gustong bugbugin si Brent na nakahandusay sa sahig.

Ngumisi ito ng nakakaloko na mas lalong kinainit ng ulo ko. I want to punch him!

Tumayo ito at sinugod ako. Dahil hawak ako ni Lucas at ni Marco ay nakabawi ito ng suntok sa akin. Yakap yakap siya ngayon ni Tiffany at pinahihimasmasan.

"Bitawan niyo ko!" Inis na sigaw ko kay Lucas at Marco ngunit hindi sila nagpatinag.

Magsasalita pa sana ako nang biglang nagsalita ang tahimik na si Xia. "ENOUGH!" Malakas na sigaw nito.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon