Chapter 17 (CONTINUATION)

47 12 1
                                        


LLOISZA'S POV

Hindi ko maiwasan na mangilid ang aking luha nang marinig mula kay Braide na sa Baguio kami pupunta.

After two years... Makakapunta na rin ako sa lugar na yon, pero iba ngayon e! Hindi ko kasama si Leon. Baguio is one of our favorite places here in Philippines. Most memorable place for us.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang si Braide naman ay tahimik lang na nagdadrive.

Now Playing Teka Lang by Emman.

Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Ako'y sasayaw sa himig mo atin ang gabing ito
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Takasan natin ang gulo lilipad papalayo

Dahan dahan
Dahan dahan lang
Dahan dahan
Dahan dahan lang

Napapikit ako ng mariin nang marinig ang kanta. Inis kong pinatay ang tugtog at tumingin ulit sa labas.

"Bakit mo naman pinatay? Ang ganda kaya ng kanta!" reklamo ni Braide at pinindot ulit ang kanta.

Inis kong pinindot ang stop button at agad niya namang pinindot ang play.

"Please! Utang na loob!" Garalgal na sabi ko at pinatay ang kanta.

Natigilan siya at tinuon ulit ang mga mata sa daan, "Are you... crying?" Nag-aalalang tanong nito.

Agad kong pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Naiinis ako. Naiinis ako sa lahat. Naiinis ako sa nangyayari.

"Hindi."

"Tell me why are you crying?" Tanong nito sa malambot na tono.

"None of your business." Mariing sabi ko at nanahimik na lang.

Pinangako ko pa naman sa sarili ko na hinding hindi na ako pupunta sa Baguio. May part sa akin na masaya dahil naging mahalaga rin sa akin ang lugar na 'yon pero mas lamang sa akin ang inis at galit na nararamdaman ko ngayon, he left me without words.

Baka doon ko makikita si Leon?

Natawa ako at nailing sa naisip. No. Hindi. Malabong mangyari' yon. Iniwan niya ako at alam kong malabo na magpakita siya ulit. Gano'n niya ako saktan, iiwan ng wala man lang salita.

"Kumain na muna tayo." Sabi ni Braide at dumaan sa isang drive thru. "Anong gusto mong pagkain?" Tanong nito.

"Kahit burger na lang." Tamad na reply ko sa tanong niya.

Hindi na siya nakipagtalo pa at sinunod na lang ang sinabi ko. Baka napansin niya ang biglang pag-iba ng mood ko. Kanina kasi na binanggit niya 'yong 'Baguio' ay nawala ang ngiti na sinalubong ko sa kanila kanina.

"Hello dad? Nawala kayo sa paningin ko kasi kumain muna kami ni Miss Estrany. Po? What? Fully booked na? Akala ko ba nagpareserve ka na dad? Nasaan na po kayo? Okay. On the way na kami dyan." Aniya habang katawagan ang kaniyang ama sa phone.

"Nag-iba tayo ng Hotel. Medyo malayo layo na. Sabihin mo lang kung nagugutom ka na." Anito sa malamig na tono.

Nakarating kami bandang alasais na ng gabi sa isang sikat na hotel sa Baguio, The Manor at Camp John Hay. Naligaw pa kasi kami.

"Dad? Yes we're here." Aniya, nakahinga na ng maluwang nang makarating na kami sa Hotel. "Opo. Kumain na rin kami. I need to go to my room to take a bath. What? Wait dad, what? No... I mean fine." Buntong hiningang sabi nito sabay baba ng tawag.

Marahan siyang nagmura kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "May problema po ba sir?"

"Yes." Sarkastikong sabi nito, magtatanong pa sana ako nang bigla na siyang lumabas ng kotse kaya naman lumabas na rin ako.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon