Epilogue

49 7 2
                                    



ELLOISZA'S POV





Sa dinami rami ng mga pinagdaanan ko sa buhay, kailanma'y hindi ko inakala na magiging maganda ang wakas. Hindi ko inakala na darating si Braide sa buhay ko.



"Sabi nila balang araw darating


Ang iyong tanging hinihiling."



Sa pagbukas ng pinto ng simbahan, kasabay nito ang sunod sunod na pagtalon ng puso ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko sa ngayon subalit isa lamang ang nangingibabaw sa mga ito.



Saya. Sobrang saya.



"At nung dumating ang aking panalangin


ay hindi na maikubli."



"Honey are you okay?" Nakangiting tanong sa 'kin ni Mommy at masayang tumango lang naman ako sa kaniya. Pakiramdam ko, once na magsalita ako ay tuluyan ng kakawala ang mga luha ko.



"Ang pag-asang nahanap ko sayong mga mata at ang takot kong sakali mang Ika'y mawawala."



Sinulyapan ko ang mga taong nakangiting nakatingin habang mabagal na naglalakad ako. Lahat sila ay nakangiti sa 'kin. Tiningnan ko si Mommy and Daddy na siyang maghahatid sa 'kin sa lalaking ipinangako ang habang buhay na kasama ako. Bahagya akong natawa ng mapansin na parehas basa ang gilid ng mga mata nila. And lastly, tumingin ako sa kaniya. Kumawala ang luha na kanina ko pa pinipigil ng makita kong nagpupunas na ng luha si Braide.



"At ngayon, nandyan ka na 'Di mapaliwanag ang nadarama


Handa ako sa walang hanggan 'Di paaasahin 'Di ka sasaktan."



Simula sa pagkawala ni Leon at Zarrah, hanggang sa pagsilang ko kay Scar. Lahat ng 'yon ay mga bagay na hindi ko inakalang mangyayari.



Especially this one.



Hanggang ngayon pakiramdam ko nanaginip lang ako.



"Mula noon hanggang ngayon


Ikaw at ako."



Bago ko abutin ang kamay ni Braide ay nilingon ko muna ang aming mga bisita. Lahat sila ay mga nakangiti sa 'min at karamihan sa mga babae naman ay namumula na ang mata.



"Sa wakas ay nahanap ko na rin ang aking tanging hinihiling."



Mga taong naging parte ng aming storya, mga taong minsa'y humadlang at sumuporta subalit ngayo'y narito at nagtipon tipon upang saksihan ang pinaka masayang araw para sa 'min ni Braide.



"Pangako sa'yo na ika'y uunahin at hindi naitatanggi."



"Take care of her." Naluluhang bulong ni Daddy kay Braide bago nila ako tuluyang iabot dito.



"Yes dad I will." Nakangiti at buong komplyansang sagot ni Braide.



"Ang tadhanang nahanap ko sa'yong pagmamahal ang dudulot sa pag ibig natin na magtatagal."



Tinapik ni Daddy ang balikat ni Braide at niyakap muna nila ako sandali ni Mommy bago ako tuluyang iwanan sa kamay ni Braide.



"Thank you..." Bulong niya sa 'kin habang inaalalayan akong umakyat sa ilang baitang ng hagdan patungo sa pari.



"F-for w-what?" Naguguluhang tanong ko.



Hinigpitan naman niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "Thank you for coming in my life." Anito sa isang matamis na ngiti at namumulang mata.



"At ngayon, nandyan ka na 'di mapaliwanag ang nadarama."



"Thank you rin Braide." Sagot ko naman at ginantihan ang napaka tamis na ngiti niya.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon