REBECCA'S POV
(Isa sa mga kaibigan ni Lloisza)
"Oh my gosh! This is the first time na nagsuot ka ng ganiyang dress!" Gulat na sabi ko at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa si Levi. She's wearing a Burgundy Bodycon V-neck.
"This is my first time to show my cleavage!" Irap na sabi niya at pumasok na sa back seat.
"Wala pa ring reply sa akin si Lloisza sa ig saka sa messenger!" Deklara ni Dacy nang pumasok siya sa passenger seat ng kotse. She's wearing a Bardot Carmelle Cocktail Dress. Nandito ako ngayon sa driver seat at nasa backseat naman si Levi.
"Baka busy... Alam mo naman na simula nang iwan siya ni Leon eh hindi na siya bumibisita sa social media accounts niya." Sabi ko at inistart na ang kotse.
"Bakit kasi hindi niyo kinuha 'yong number niya?" Irap na tanong ni Levi.
"Attitude ka girl? Bakit ikaw? Hindi mo kinuha?' Diba nga nawala na lang siya bigla sa dance floor no'ng isang gabi?!" Irap na tugon ko.
Alas otso na ng gabi at papunta ulit kami sa bar. Ganito ang bonding ng mga single!
Nang makarating na kami sa parking lot ay lumabas na kami ng kotse. Inayos ko ang aking Adelaide Blue Halter Neck White Floral dress pagkalabas ko ng kotse. Taas noo kaming naglakad papasok sa bar.
Karamihan sa mga taong nasa loob ng bar ay napalingon sa amin. Karamihan naman ay nagtagal ang tingin at ang iba naman ay lumingon lang.
Pumunta kami sa counter table, "Whiskey." Order ko sa bartender, umalis ito sa harapan ko para kumuha ng inorder ko.
"I hope we can see here Lloisza..." Sabi ni Levi sabay inom sa inorder niyang cocktail.
"I hope so..." Mahinang tugon ko. Tumingin ako sa paligid nang mapansing wala si Dacy, "Where's Dacy?" Bahagyang nilakasan ko na ang boses ko dahil nagsisimula ng magpatugtog ang DJ ng bar.
Levi shrugged, "I don't know." Anito.
"What? Nag-uumpisa ng magsimula 'yong music! Sasayaw pa tayo!"
"Hayaan mo siya! Malaki na' yon, kaya niya na sarili niya."
Umirap ako sa naging tugon ni Levi, "Levi! Si Dacy 'yon! Kapag' yon dinala na naman ng ibang lalaki kung saan! Tama na ang one night stand sa isang random guy!" Irap na sabi ko.
She chuckled, "Yah... Hahaha! Naaalala ko 'yon. Nagpasama pa nga siya sa' tin sa OB gyne kasi natatakot siya na baka mabuntis siya dahil sa one night stand sa isang handsome guy na ni pangalan di niya alam!" Naiiling at natatawang sabi niya.
Umiling na lang ako. Si Dacy 'yong tipong kapag nalasing hindi alam ang ginagawa, buti na nga lang at hindi' yon naghuhubad sa ganitong lugar. Kapag kasi kami ang umiinom sa Condominium ko, naghuhubad 'yon dahil naiinitan.
"I will find her... Stay here." Sabi ko kay Levi na umorder pa ulit ng cocktail, "Don't drink beer ha?" Paalala ko sa kaniya.
Ngumisi siya at nagkibit balikat na lang, "If I were you find her na at huwag mong tagalan." Kindat na sabi niya.
Umirap ako at umalis na sa harapan niya. Pumunta ako sa comfort room at ang haba ng pila ron. Pumasok ako sa loob at walang nakitang Dacy. Lumabas ako at hinanap siya sa madalas naming pinagtatambayan sa bar.
Natigilan ako nang biglang may humatak sa akin patungo sa dance floor.
Don't start now by Dua Lipa now Playing.
"Woooo!" Masayang sumasayaw si Dacy at pinapasaere ang dalawang kamay.
"Saan ka ba galing?! Buti na lang nakita kita at ang lawak lawak pa naman ng bar na 'to!" Inis na sigaw ko sa tenga niya.
BINABASA MO ANG
playful fate
RomanceBraide and Zarrah is the real definition of a perfect relationship. Almost perfect na ang relationship nilang dalawa. Braide is Zarrah's prince, while Zarrah is Braide's Cinderella.They both have looks and money, as well as Love and Trust. Subalit k...
