HERA'S POV
"Hindi dinadaan sa alak ang pagkainis sa pinsan." Sabi ko sabay kuha ng bote ng alak kay Gail.
Umirap ito sa akin, "Duh?! Hindi ko talaga inakala na magagawa niya sa akin 'yon! Naging mabait ako sa kaniya tapos ganito lang gagawin niya sa akin?! She's bitch!" Sarkastikong sabi nito pero nararamdaman ko na masakit para sa kaniya 'yong ginawa ni Gail.
"Sabi na nga ba e. There's something wrong diyan sa pinsan mo. May ugali." Iiling iling na sabi ko. "Although, mabait naman din siya pero may mali talaga sa ugali niya e. I feel it. Tingnan mo nga ginawa niya sayo. Nagpakalat ng maling usapin."
Simula nang mapansin ko ang pagiging sarkastiko nito kay Zarrah ay agad ko ng kinompronta si Gail kung may problema ba, naiiyak siya sa akin habang nagkukwento sa ginawa ni Zarrah sa kaniya.
Maski rin naman ako ay nagulat at nainis sa nagawa ni Zarrah. Hindi ko kasi maisip na magagawa niya 'yon.
Ang dami kong iniisip. Una si Justinne, napapansin ko kasi lagi ang panay niyang pagbisita sa phone kahit naman na wala naman siyang inaasahang tawag o mensahe. Ilang gabi na rin na walang nangyayari sa amin at naiinis ako!
Pangalawa, si Lloisza. Nakaraan marami siyang text sa akin at ni isa ay hindi ako nagreply, panay siya hingi ng sorry sa akin at binalewala ko na muna yung text na yon, mas lalo pa syang napadagdag sa isipan ko nang makita ko ang picture nito kasama si Braide at malaki ang ngiti ng dalawa. Kailangan ko ng kausapin si Lloisza dahil alam kong meron siya dapat na sabihin sa akin.
At huli, si Zarrah. Nagtataka ako kung bakit niya nagawa 'yon kay Gail. Anong gusto niyang gawin?
"So kamusta naman kayo ni Justinne?! Nasaan siya ngayon? Balita ko eh pinalayas mo raw? Since high school kayo na tapos mangyayari pa sa inyo' to?" Sarkastikong anito.
Umirap na lang ako at umupo sa couch. Nandito kami ngayon sa condo namin ni Justinne.
"Oo, pinalayas ko. Nakakainis. Hindi mo kasi mararamdaman yung nararamdaman ko ngayon dahil wala ka namang karelasyon. Umuwi siya nung isang gabi na may lipstick na red yung polo! At ang nakakainis! Hindi lasing yung gago! Pinagbigyan ko. Okay fine. Nagbati kami. Pero umuwi, amoy pabango ng babae!" Inis na sigaw ko.
"Baka pabango mo lang-"
"Since high school hindi ako nagbabago ng pabango. May something Gail! May something! May someone!" Naiiyak na sabi ko, "Tapos hindi ko na natiis nang makita kong may condom sa kotse niya!" Naiiling na sabi ko at inihilamos ang palad sa mukha.
"Hindi kaya namamakla siya?"
Nag-angat ako ng tingin sa sinabi ni Gail. "No way! Alam kong straight si Justinne! Naiinis na ko-"
"Oh edi makikipagbreak ka? Ano pang sense at tumagal pa kayo? Duh!"
"Gail... May babae siya-"
"At sino naman? Alam niyo! Magpakasal na kaya kayo or mag-anak na kayo! Stop taking pills na kasi at nang may mabuo!"
"No... Ayaw ko pa. Ang dami ko pang gustong gawin. Si Justinne, oo gusto na niya kaso ayoko pa talaga. Ang dami kong pangarap Gail. Ayoko ng nagmamadali." Buntong hininga na sabi ko.
"Oh eh anong plano mo?"
"Gusto ko ako mismo makakakita kung sino yung babae na umaagaw kay Justinne!" Malakas na sigaw ko.
"Ay taray oh! Matapang naman pala!" natatawang sabi niya, "Oh anong gagawin mo? Susundan si Justinne?" Tanong nito.
"Para naman akong desperada nito... pero mahal na mahal ko si Justinne." Seryosong sabi ko habang nakatingin kay Gail na nagkibit balikat na lang sa sinabi ko.

BINABASA MO ANG
playful fate
RomansaBraide and Zarrah is the real definition of a perfect relationship. Almost perfect na ang relationship nilang dalawa. Braide is Zarrah's prince, while Zarrah is Braide's Cinderella.They both have looks and money, as well as Love and Trust. Subalit k...