Chapter 25

30 10 1
                                    

HERA'S POV

"Nagawa sa'yo ni Braide 'yon?" Gulat na tanong ko kay Lloisza.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Alados na rin ng hapon, pinagpasiyahan kong pumunta sa kanila para humingi na rin ng tawad. Kaninang umaga pa lang ay nasa kanila na ako at inabot na rin ako ng ganitong oras dahil ang dami niyang kinuwento. Hindi ko rin alam na na-hospital din pala siya kahapon kaya naman Mabuti na lang at naisipan kong bisitahin siya.

Gulat ako sa mga nalaman lalo na sa mga ginawa ni Braide kay Lloisza, naiinis ako sa pagkaisip bata ni Braide. Hindi ko lubos maisip na magagawa lahat 'to ni Braide dahil lang sa halik? Big deal?

"Kakausapin ko si Braide, hindi ko kayang palagpasin ang nangyari." Mataray na pagkakasabi ko.

"Wag na Hera... Okay na kami-"

"Wait? Tama ba ang narinig ko? Okay na kayo? Bakit?!" Gulat na tanong ko.

Huminga ng malalim si Lloisza at nag-iwas ng tingin, "Kasalanan ko rin naman-"

"No! Wala kang kasalanan dito at alam mo yan!"

"Hera, makinig ka. Si Braide problemado ngayon dahil sa nangyayari sa kanila, ang dami na niyang trabaho tapos dadagdag pa ako? Isabay pa yung pag-file ng kaso nila mommy-"

"PAGFILE NG KASO?! OH MY GOSH!" Hindi ko napigilang magtaas ang tono nang sinabi ko 'yon.

"Oo. Kahapon nag-usap na kami ni Braide tungkol don at sinabi ko na rin sa kaniya na hindi na itutuloy nila dad yung pagfile ng case, napakiusapan ko naman sila kahapon na kahit wag na. May mali man ako o wala, alam mo naman na ayokong magkagulo." Paliwanag nito.

Natigilan ako sa sinabi niya, may part sa akin na naaawa ako sa Braide pero kung hindi kasi niya gagawin kay Lloisza 'to edi hindi sana magkakaroon ng demandahan. Kahit saan mang anggulong tingnan, si Braide ang may kasalanan. Buti na lang at napakabait ng kaibigan kong ito at nagawa niya pang maawa kay Braide kahit na hindi na maganda ang ginawa nito sa kaniya.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi na pinagtrain ka ni tito sa Hotel nila?"

"Hera... ayokong magbigay ng dahilan para magkaroon ng gulo, alam kong mali ako dahil hindi ko sinabi to sayo pero natatakot kasi ako na malaman to ni Zarrah." Aniya.

"Hindi ka naman kilala ni Zarrah kay huwag kang mag-alala -- Oh my gosh!" Napahawak ako sa magkabila kong pisngi nang may maalala, "Kilala ka na pala niya! Alam na niya na ikaw yung babaeng nahalikan ni Braide!" Malakas na sabi ko. Buti na lang at sound proof ang kwarto ni Lloisza at hindi kami maririnig sa labas.

"WHAT?! PAANO?!"

"Nakita niya kasi yung post ng isang sikat na Art Gallery sa Baguio and then nakita niya... namin! Na magkasama kayo ni Braide! Tapos nadulas sila na ikaw ang humalik kay Braide nung nasa Bar tayo!"

Tila nanlumo si Lloisza nang marinig niya ang sinabi ko, "Ako kasi yung inatasan na tumayong maging secretary kasi nadengue yung secretary ni Braide. Promise, Hera wala lang yung picture na yon." Nanlulumong sabi niya.

"I know hindi mo naman aagawin si Braide kahit na kamukha pa siya ng pinakamamahal mong lalaki." Nakangiting sabi ko.

Marami pa kaming napag-usapan ni Lloisza at lahat naman ng tanong at kailangan niyang sabihin sa akin ay sinabi niya. Naiintindihan ko siya, masiyado na talaga siyang mabait para akuin ang trabaho na hindi naman para sa kaniya.

Inabot na lang ako ng alasais ng gabi dahil ang dami niyang sinabi sa akin. Hindi nga ako makapaniwala na pati ang trabaho ng janitor ay pinagawa na rin sa kaniya. Gusto kong mainis kay Braide pero mas lamang ang awa ko dahil sa patong patong na problema na kinahaharap ng mga Lacosta.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon