Chapter 22

26 13 1
                                    


BRAIDE'S POV

Dali-dali akong nagtatakbo nang malaman kong nahimatay daw si Elloisza.

Nang makarating ako sa kinaroroonan nya ay nagkakagulo ang mga empleyado at intern dito.

Nakita ko si Manager Sanchez na mukang kabadong kabado habang may kausap sa kabilang linya.

Chineck ko naman ang pulso ni Elloisza at inutusan ang mga empleyado na bumalik na sa kani-kanilang trabaho para hindi nila maharangan ang hangin sa paligid ni Elloisza.

Mayamaya pa'y dumating na rin ang Ambulansya at isinakay na rito kaagad si Elloisza.

"Didiretso na raw sa Hospital ang parents nya." ani ni Manager Sanchez.

"Mrs. Sanchez, kayo na po muna ang bahala rito, susundan ko lang si Ms. Estrany sa Hospital." bilin ko kay Mrs. Sanchez.

"Sige po sir, ako na po muna ang bahala dito." aniya at nagmamadali na 'kong sumakay sa kotse ko.

Habang minamaneho ko ang aking sasakyan papunta sa Hospital. Nakakaramdam ako ng matinding kaba.

Gusto kong isipin na kinakabahan ako dahil kapag may nangyaring masama kay Elloisza ay pananagutan ko ang lahat. Gusto kong isipin na kinakabahan lang ako ng sobra para sa sarili ko.

Pero sa t'wing  biglang sumasagi sa isip ko na may mangyayaring masama sa kaniya,  sa palagay ko hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Bakit?

Bakit ko nararamdaman 'to? Dahil Intern sya sa hotel namin?

Is it just because of that?

Yes. Braide it should be just because of that. There should be no other reason. You have a girlfriend.

Matagal kong hinanap si Zarrah. Napaka tagal na panahon ko siyang hinanap kaya I shouldn't be confuse.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin ako sa Salazar Medical Hospital. Ang hospital na pinagdalhan kay Elloisza. I was about to ask the nurses in the front desk nang biglang may sumingit na babae.

"Anong room number nung babaeng isinugod ng ambulansya?" natatarantang tanong nya sa nurse.

Bigla akong kinabahan, pakiramdam ko si Elloisza ang pupuntahan nila dahil ang sabi ni Manager Sanchez ay dito na raw didiretso ang mga magulang nya.

Pero si Elloisza lang ba ang babaeng isinugod sa hospital ngayong araw?

"Sa room 202 po Ma'am." sagot naman ng nurse.

"Okay thanks." sagot ulit ng babae at nagmamadali ng umalis.

Malakas ang pakiramdam ko na si Elloisza ang pupuntahan ng dalawang mag-asawa kanina.

Pero base on their looks, mukang mayaman sila. Samantalang isang Intern lang si Elloisza kaya I think it's kinda impossible na parents nya ang dalawang nagmamadali kanina.

Para makasigurado ay tinanong ko ang nurse.

"Nurse anong room number ni Elloisza Estrany? Yung isinugod ng Ambulance kanina." tanong ko sa nurse.

"Room 202 po sir." nakangiting sagot naman nito.

So I'm right. Parents nya nga yung kanina.

Mayamaya pa'y nagtago ako nang makita ko si Daddy na sa tingin ko'y papunta rin sa k'warto ni Elloisza. I shouldn't be seen by them.

Lumipas ang ilang minuto, andaming mga taong dumadaan pero iisa lang ang hinihintay ko. Hinihintay kong umalis ang parents ni Elloisza at si Daddy, saka ko sya pupuntahan.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon