Chapter 52

16 7 1
                                    

ELLOISZA'S POV

Nagbaba ako ng tingin sa orasan at nakitang alasdose na ng tanghali. Huminga ako ng malalim at nirelax ang sarili para hantayin ang taong kailangan kong kausapin.

"I'm sorry. Kanina ka pa?"

Ngumiti ako sa kaniya at umiling bilang tugon. Umupo siya sa harapan ko at mainam akong tiningnan.

"Uhm, no. Hindi okay lang, kadarating ko lang din." I lied, actually kanina pa ako at nakakatatlo na akong Frappuccino. Napagpasiyahan kong dito na lang kami magkita sa Starbucks.

"Sabi mo may importante kang sasabihin... What is it?" ngiting tanong nito.

"Ridley... Uhm, ano kasi e." Ngumiti lang ako at nag-iwas ng tingin.

Actually, hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kaniya 'yong tunay kong nararamdaman kay Braide. Hindi ko rin alam kung paanong nawala ang galit ko kay Braide. Maybe I fell in love with him, hindi no'ng hinalikan ko siya sa Bar kundi yung araw na nagkita kami noong mga bata kami. It was years ago pero ang alaalang 'yon ang hindi ko makakalimutan. Importante sa akin ang panyo na 'yon at sa importanteng tao rin napunta.

Simula nang malaman ko na hinanap ako ni Braide, hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko sa walang kasiguraduhan.

Kung sila ni Zarrah ay pinagtagpo pero 'di tinadhana, siguro kami naman ang tinadhana pero hindi muna pinagtagpo.

"Elloisza? Still with me? Mukhang malalim ang iniisip mo?"

Nilingon ko si Ridley na ngayon ay seryoso ng nakatingin sa akin.

"Uhm, yeah."

"So as what I'm saying... Elloisza, you don't deserve Braide. He's bullshit."

"Ridley, please."

"No Elloisza, listen to me. He just love you because he have a son with you. Hindi ko nakikita sa kaniya na mahal ka niya Elloisza, please I'm here... I'm here for you, I don't want to please you pero Elloisza... You don't deserve him and you know how much I love you, alam mo naman 'yon diba? I love you, Elloisza. I really do. I don't care what other people say pero as long as tumitibok ang puso ko sa'yo, no one can stop me." Nanlulumong sabi nito, nakikiusap na siya ang piliin.

"Ridley. Please. Stop. I don't want to hurt you that's why I want to tell you this. Ridley, he's the father of Scar... At alam mo naman na ayokong lumaki si Scar na nasa kumplikadong sitwasyon ang mga magulang niya. Ridley, I'm so sorry but I guess, ito yung nararapat... Alam kong tama lang ang desisyon ko. I didn't mean to hurt you. Sorry." Sabi ko at tumayo na upang umalis ngunit pinigilan niya ko sa'king braso.

"Elloisza gano'n na lang ba kadali 'yon? Gano'n gano'n na lang? I love you for a years and you just left me just because of him?"

"Sorry but I love him in decade." Sabi ko at tuluyang umalis na sa kaniyang harapan.

Hindi ko na siya binalingan ng tingin at nagpatuloy na lang sa lakad. Mabilis kong pinatakbo ang aking sasakyan, hindi mawala ang kaba ko hanggang sa nakarating na ako sa bahay.

'Kung naging mali man ang desisyon ko, at least ginawa ko 'yong part ko. I gave him chance and I do love him, but if we're not meant to be at least I did my part.'

Nilapitan ko si Scar at pinanggigilan ang kaniyang pisngi.

"Where's daddy?"

Agad kong tinakpan ang bunganga niya sa sinabi. Binalingan ko ng tingin ang paligid at nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang wala si mom at dad sa paligid.

Hindi ko pa kasi naoopen-up sa kanila yung tungkol kay Braide. I know na magugulat sila pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin na hindi sila aatakihin sa puso. I am ready for the follow-up questions, pero kung paano ko sasabihin ay hindi ko alam.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon