Chapter 12

31 14 1
                                    

BRAIDE'S POV

"Magiging busy na 'ko... mamimiss kita." Malambing na sabi ko kay Zarrah habang kausap ko ito sa telepono.

"Ano ka ba! I understand naman Braide, no need to worry." Natatawa namang sabi nito, ngumiti ako sa pagiging understanding ni Zarrah kaya naman mas lalo ko siyang nagugustuhan.

Hindi niya 'ko sinasakal at napaka matured niya pagdating sa realasyon namin. Hindi niya 'ko pinipigilan sa mga bagay na nakakapagpasaya sa akin. Maintindihin at mapagpatawad, 'yan 'yong nagustuhan ko sa ugali niya bukod pa sa mapagmahal.

"Bye na babe. Magbibihis pa 'ko." Sabi ko.
Nagpaalam na rin ito at binaba ang tawag. Binitawan ko ang aking phone at nagsimula ng ayusin ang sarili.

Nang nakabihis na ako ng aking business attire na ako ay nagpaalam na ako kina mommy at daddy na kasalukuyan namang nasa sala, pinaalalahan ako ni dad na maging mabait sa aming mga trainees o intern, natawa na lang ako at tumango, kailan ba ko nagtrato ng masama sa isang tao?

Kung sa babae naman na 'yon ang usapan, hindi siya kabilang sa mga taong hindi ko kayang saktan. Magkita lang ulit kami ako na mismo ang gagawa ng paraan para magkalayo na kami.

Nang marating na ang parking lot sa tabi ng gusali na pagmamay-ari namin ay ni-dial ko na muna ang numero ng aking sekretarya at hindi na muna bumaba sa aking sasakyan, "Caileigh? Tell to Manager Sanchez that I am on my way now, baka mamaya niyan hindi pa handa ang mga intern." Seryosong sabi ko rito.

"Actually po sir kanina pa po prepared si Miss Sanchez-" Agad kong binaba ang tawag at lumabas na ng kotse, I really take this business seriously and I don't want to disappoint my dad for nonsense thing and wasting efforts for this job.

I am very strict when it comes managing this. Iba naman ako kapag kasama ang pamilya, kaibigan at si Zarrah.
Nanlalaki ang mga mata ni Manager Sanchez nang makita ako, "Where are the trainees?" salubong ko rito.

"This way Mr. Lacosta," She said and lead the way.

"Good afternoon trainees, interns..." natigilan si Manager Sanchez at natigilan din ako.

Lahat kami ay napalingon sa isang babaeng kakapasok pa lang na hingal na hingal at mukhang kinakabahan. Nagtiim bagang ako nang makita kung sino ito, hindi ko maiwasan na taliman ang tingin dahil sa inasta nito.

Unang araw, late? Sino ba naming hindi matutuwa.

Hindi ko maiwasan na hindi mag-init ang ulo at magsimulang kumulo ang aking dugo, naiinis ako sa inasta niya.

How disrespectful, very unprofessional.

Kawawa naman ang kompanyang papasukan nito 'pag nagkataon.

I massage the bridge of my nose and close my eyes and lay my back at the swivel chair, she's stressing me out! How so rude.

Why she's here by the way? Is she planned this to teased me? Or it is just a coincidental? I don't want to be mean but I guess I am right.

"Caileigh. Come in." Sabi ko sa intercom, wala pang minute ay agad ng bumukas ang pinto at pumasok ang aking sekretarya.

"Sir." Aniya, pagpaparamdam ng kaniyang presensiya.

"Observe what interns doing and tell it to me." Malamig na sabi ko.

"Yes sir." Anito at lumabas na sa aking opisina.

Meron akong opisina sa Hotel na ito. At katabi na lang din ng opisina ko ay ang aking private room na pinto lang ang pagitan.

Nakatiim bagang ako ngayon habang pinapanood ang CCTV footage na nasa kusina, my secretary gave it to me for a proof kung ano nga ba ang nangyayari sa 'baba.

playful fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon